Chapter 7

322 8 0
                                    

UMAGA na nang magising ko unti-unti kong minulat ang aking mga mata at isang anghel ang aking nakita tinignan ko ang buo kong kwarto at pati narin buo kong katawan.

"FUCK! sino nagbihis sakin!"

Tinignan ko ang babaeng mahimbing na natutulog sa sofa halatang pagod ito. Sinipat ko ang oras it's 5:30 am nilapitan ko ito at hindi ako nagkamali siya nga.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon parang ayokong gumising ito at ipagpatuloy ko ang pagtitig sa kanyang napaka among mukha hindi ko mapigilang hawakan ang ulo nito. Hindi ko namalayan na gising na pala ito god gracious.

"ahm... gising kana pala"

Hindi nito pinansin ang sinabi bagkus ay tumayo ito at inilagay ang kamay nito sa ulo ko.

"thanks god okay kana ulit" sabay upo ulit nito sa sofa

"ano bang nangyari?" wala sa sarili kong tanong ngumisi ito

"well ang nangyari lang naman po kagabi ay hinalikan mo ako tapos may nangyari satin tapos nakatulog kana tapos ako naman itong natulog sa sofa tapos ayon tapos na" salaysay nito sinamaan ko naman ito ng tingin na siyang ikina-tigil niya

"'De joke lang nilagnat ka kasi kahapon nakatulog ka sa mesa mo nung pinuntahan kita para gisigin sana ay mataas na lagnat mo kaya pinunta kita dito at pinunasan ng basang towel ang katawan mo at kung iniisip mo na nakita ko 'yang basta 'yan hindi nagkakamali ka dahil tinakpan ko yan ayoko kayang mabinyagan ang inosente kong mga mata no!" mahabang lintaya nito

"kaya pala"

"kaya pala ano"

"wala sige magluluto muna ako tsaka kita ihahatid mamaya para makapagpahinga kana din at huwag ka munang pumasok hindi din naman ako papasok ngayon medyo hindi padin ako akoy eh" sagot ko

"okay" tipid niyang sagot


GRABE ang mukha kanina ng mokong na 'yon ah kala niya siguro totoo na na may nangyari sa amin kahit wala naman talaga ano ba kasing lumalabas sa dila ko at kung ano anong pinagsasasabi ko sa kanya pero infairness hah ang gwapo pa din niya kahit magulo buhok niya

( sus baka mainlove kana naman)

"what no way never ever again!!"

(huwag kang magsalita ng hindi patapos!)
para akong tangang kinakausap ang sarili ko dito eh

"sinong kinakausap mo?"

"ay butiking nahulog sa baba!
hah ah eh wala! wala!"  ano bang mokong na to at bigla nalang susulpot

"ohhh okay tara na at kakain na ng maihatid na kita sa inyo" pag aanyaya nito

"okay" at agad na akong sumunod sa kanya

eksaktong 6:00 am niya ako hinatid kaya hindi din naman na ako nagtataka kung bakit alam niya bahay namin kase nga naman basta alam niyo na kung ano 'yon.

"salamat sa paghatid" nakangiting sambit ko

"ako dapat magpasalamat dahil kung hindi kita naging sekretarya ay malamang nilalagnat pa din ako tsaka pwede ba bawas  bawasan mo  iyang pagiging maldita mo hindi bagay sayo okay?"

agad akong natahimik sa sinabi niyang maldita daw ako ganun nalang ba ako kamaldita ngayon?

"sige"  magsasalita na sana ako ng pinaharurut na niya ang kotse niya

SOMEONE'S POV

"no! hindi ito maaari kailangang mapasa akin ka sa lalong madaling panahon  Rose!"

isang lalaking matagal ng may gusto sa dalaga mula noong highschool pa  lamang sila ang lalaking gagawin ang lahat makuha lang ang kaniyang gusto.

"hindi ko hahayaang mapupunta ka ulit sa kaniya Rose! never ever magkakapatayan muna kami bago ka maging maligaya!"

ITUTULOY......

Possessive Ex Boyfriend  Series 1 [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon