'tag ulan'

7 0 0
                                    

ulan wag mong sabayan ang aking kalungkutan
Ang hangin mong nag papaalala na isa akong talunan
Ayokong luha ko'y pumatak nanaman
dahil sa dalang sakit ng nakaraan
Kahilingan ko iyong pag bigyan
Sakit ng nakaraan wala akong laban
Pag ito'y bumalik pa sa kasalukuyan
Ay hindi ko na alam
Paalala ako'y tao lamang
marunong sumuko pag hindi na nakayanan
Buhay ko'y kaya kong kitilan
Pag sinakop ako sobrang kadiliman
Ngunit kung aking iisipin
Pag papasalamat aking ibigay para sa ulan
Na pilit na ang sakit ay dinadala upang akin labanan at hindi takbuhan
At papatak ang ulan upang ako'y damayan.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon