First

17 4 0
                                    

Felicia

"Paalisin niyo na po ako, wala po akong pera."

Hinarangan ako ng isang malaki at matabang lalaki na may hawak na malaking pamalo. Abot naman ang ngisi ng kaniyang dalawang kasama.

Kung siguro kasing lakas ko lang  si Pacquiao ay kanina pa ako naka uwi at tapos ko na ang mga projects ko.

"Diba taga Nicksel University ka? Edi ibig sabihin mayaman ka! Marami kang pera! Ibigay mo na ang pera mo bata at alam kong barya lang iyan sa mga magulang mo. Ikaw din baka gusto mong gumapang na lang pauwi sa inyo."

Pinakita pa sa akin ng isang lalaki ang kaniyang kamao na para bang binabalaan ako kung hindi ko ibibigay ang pera ko.

Kung titignan mo ang kanilang uniporme ay taga San Leo ito nag aaral. Kilala ang San Leo dito sa amin siyudad hindi dahil sa pampublikong paaralan kung hindi dahil sa mga estudyanteng gumagawa ng mga kalokohan.

"Ilabas mo na ang wallet mo bata! Kanina pa kong inip na inip ha. Kahit limang daan lang ayos na saming tatlo iyon!" Singit ng lalaking kanina pa ako inaangasan.

Pinalaki ako nila mama na nasa bahay lang. Hindi ako katulad ng mga ibang lalaki na mamalakas at kayang kaya makipagbulo. Ang tanging ginagawa ko lang noon ay tumugtog ng piano at makipag laro sa aking kapatid na babae at sa kaibigan niya.

Nang akmang kukunin ko na aking aking wallet ay bigla silang tumigil sa kanilang pagtawa at hindi mapakali sa kanilang kinakatayuan. Ang isa naman ay may itinuro sa aking likuran at bigla silang nagtakbuhan na akala mo'y may nakitang multo.

Iba nga naman kapag pogi na katulad ko lapitin ng swerte.

Bigla akong nakarinig ng kaluskos sa aking likuran. Sa lakas ng hangin ay lahat ng balahibo ko ay nagsitayuan. Dahan dahan akong lumingon at nag darasal na sana ay walang multo sa aking likod.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ng magandang dilag na tila ba ay nag aalala sa akin.

Totoo ang mga Anghel!

"Oo ayos lang ako! Maraming Salamat." Hindi ko alam kung bakit ako nagpasalamat sa kaniya pero sa tingin ko ay siya ang naging dahilan kung bakit nagsitakbuhan ang mga lalaki na iyon.

Ngumiti lamang siya sa akin.

Hindi ko maalis ang titig ko sa kaniya. Anghel ba siya? Totoo ba to? Ang kanyang suot na bestidang puti ay bagay na bagay sa kutis niyang kulay din ay puti. Kung hindi lang siya mukhang anghel ay pagkakamalan ko itong multo.

"Taga rito ka lang ba?" Gusto sana kitang dalawin sa susunod na araw.

Iba talaga pag pogi.

Tumango lamang siya at ngumiti ulit.

"Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo? Mag aalas otso na at baka pagalitan ka dahil gabi na." Umiling siya at umiwas ng tingin.

Nagtaka naman ako sa kaniyang inasta.

"Ayaw ko pa man umuwi pero kailangan ko na talaga. Ihahatid na kita saan ang inyo?"

Hindi ako chancing pero parang ganon na nga. Kung sakaling malaman ko ang kaniyang tirahan ay pupwede pa akong bumalik doon.

"Hindi naman ako hinahanap sa amin."

Tinatanggihan niya ba ako?

"E naghapunan ka na ba?"

Umiling lamang siya at ngumiti.

"Libre ko na! Tinulungan mo naman ako kaya sige libre ko na. Saan mo gustong kumain?" Sana naman ay hindi na niya ko tanggihan dahil kahit ako ay nagugutom na.

"Hindi mo naman ako kailangan ilibre. Maraming salamat sa pag aanyaya." Magalang niyang pag tanggi sa akin.

I feel so rejected. Kanina pa niya ako tinatanggihan nakakapag tampo na.

"Kung okay lang sayo pwede ka bang maaya sa perya?" Nahihiya niyang tanong sa akin.

Napangiti naman ako dahil sa pag aanyaya niya. Pakiramdam ko tuloy ay interasado rin siya sa akin. Napaka assuming ko naman pero siyempre ganon talaga pag pogi.

"Sige! Okay naman ang perya sa akin. Matagal tagal na rin akong hindi nakakapag perya." Ang huling punta ko pa yata sa perya noon ay nung ten years old pa ako. Ang pagkakatandan ko ay inaya ako ng kaibigan ng kapatid ko.

Ngumiti siya sa akin at nagsimula ng mag lakad. Nakasunod lamang ako sa kaniya.

Nang malapit na kami sa peryaan ay nakakapagtaka dahil hindi wala masyadong tao hindi katulad ng peryang pinuntahan namin noon na sobrang damin ng tao. Siguro mas gugustuhin na ng kabataan ang mga gadgets ngayon kaysa lumabas ng bahay at mag laro.

"Ano gusto mong sakyan?" Tanong ko sa kaniya.

Nilibot ko ang aking tingin. Nakakatuwa dahil sobrang daming rides na exciting. May Mini Vikings, Roller Coster, Horror Train at mayroon pang Octopus.

Nagulat naman ako ng ituro niya ang Ferris Wheel. Akala ko ay sa mga exciting na rides kami sasakay pero ayos lang utang na loob ko ito sa kaniya. Iisipin ko na lang na first date namin ito.

Lumapit na kami sa Ferris Wheel na nakahinto. Tanging ang nagbabantay lamang ang katao katao dito.

"Manong buo po ba?" Tanong ko dahil hindi naman niya ito pinapagana.

"Oo naman iho wala lang lumalapit para sumakay kaya hindi ko ito pinapagana."

"Ay sige kuya! Pabili po ng ticket dalawa." Inabot ko ang isang daan kay manong.

"Dalawa?" Tanong niya habang hawak ang isang daan na inabot ko.

Tumango naman ako at naeexcite na rin sumakay. Tahimik lamang ang aking katabi at naka tingin lang sa Ferris Wheel na nakahinto.

Inabot na ni manong ang sukli ko at ang aming ticket. Nang makasakay na kami ay dahan dahan niya na itong pinaandar. Tahimik parin ang babaeng kasama ko at hindi ko parin alam ang kaniyang pangalan. Huminto ang pag ikot ng makarating na kami sa taas.

"Pwede ko bang matanong ang pangalan mo?" Dapat kanina ko pa ito tinanong bakit ngayon ko lang naisip.

"Felicia. Pero felice ang tawag sa akin ng karamihan."

"Parang pamilyar ang Felicia." Napahawak pa ako sa baba ko na para bang isang detective na nag iisip. Pamilyar ang pangalan niya sa akin.

Biglang tumunog ang cellphone ko at ng makita ko ay tumatawag sa akin ang aking kapatid.

"Kuya!Kuya!"

"Bakit ka umiiyak Alice?" Nag aalala kong tanong sa aking nakakabatang kapatid.

"Kuya si ate patay na!" Mas lalong lumakas ang kaniyang iyak at hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi.

"Ano Anice? Sino ang namatay?" Kinakabahan na ako at gusto ko ng umuwi.

"Si Ate Felice patay na kuya! Yung kababata natin kuya, diba dapat ay uuwi siya ngayon sa atin para magbabakasyon pero tumawag ang mama niya. Natagpuan daw ang katawan ni ate Felice sa kakahuyan walang saplot, pinagsasaksak daw ito at ginahasa! Kuya patay na si Ate Felice, kuya patay na ang babaeng pinangakuan mo noon na papakasalan mo."

Hindi ako makagalaw sa mga nalaman ko, hindi ko rin nagawang lumingon sa babaeng nasa harapan ko.

"Kuya pitong taon siyang hindi nakita tapos ganito ang mangyayari? Kuya umuwi ka na, puntahan natin si Ate Felice."

Nang mag karoon ako ng lakas ay unti unti akong tumingin sa babaeng nasa harapan ko. Kung kanina ang puti niyang bestida ay napakaganda ay ngayon naman puno na ito ng dugo. Hindi ko na rin maaninag ang maganda at maamo niyang mukha dahil punong puno na ito ng sugat at dugo.

"Justine, ako ito si Felicia."

Ferris Wheel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon