Ferris Wheel
"Kung gusto mo dito pa kita papakasalan sa harap ng ferris wheel!" Pagmamayabang ko kay Felicia dahil kanina pa niya akong inaasar na duwag daw at takot sumakay sa ferris wheel.
"E bakit hindi sa simbahan? Diba sa simbahan dapat ikinakasal."
"Para malaman mo na hindi naman talaga ako takot diyan." Sabay turo sa ferris wheel na nasa kaniyang likuran.
"Kung hindi ka nga takot tara sumakay tayo." Pamimilit niya sa akin.
"Ayoko! Magagalit si mama." Hindi naman ako takot pero masyadong mataas ang isang to.
"Wala naman mama mo dito Justine kaya tara na!"
Hinawakan niya ang braso ko at pilit na hinihila palapit sa entrance.
"Felicia ayoko nga!" Hiniglit ko ang aking kamay kaya siya ay napa upo sa sahig.
"Ayos ka lang ba Fely? Sorry hindi ko sinasadya."
Nilapitan ko siya at inalalayan tumayo.
"Ayoko na sayo Justine! Hindi na tayo magpapakasal!"
Mabilis na tumakbo papalayo sa akin si Felicia at hindi ko alam na iyo na pala ang huling araw ko siyang makikita. Kung alam ko lang nalilipat sila sa Manila ay sana pumayag na akong sumakay sa Ferris Wheel na gustong gusto niya.
"Justine, ako ito si Felicia." Naiiyak na nakangiti ang Felicia na nasa harapan ko.
Hindi ko alam kung matatakot o maiiyak ako sa kanitang sitwasyon.
"Fely anong nangyari sayo? Pano? Bakit?" Naiiyak kong tanong sa kanyan.
"Justine salamat sa lahat. Ikaw ang lalaking gusto kong pakasalan pero alam kong imposible na iyon. Ang daming nag bago sayo Justine, ngayon ay hindi ka na takot sumakay sa Ferris Wheel. At ang gwapo mo na." Patuloy lang ang pag iyak niya.
"Pasensiya kung hindi ako nakapag paalam noon sayo at bigla kaming umalis. Balak ko sanang mag paalam sayo kapag nakasakay na tayo sa Ferris Wheel. At ngayon na nakasakay na tayo siguro panahon na para makapag paalam ako ng maayos."
Tanging pag iling lang at pag iyak ang aking ginagawa. Walang lumalabas na boses sa aking bibig. Para akong napapaos at biglang natitiklop ang aking bibig sa tuwing sinusubukan kong ibuka ito.
"Kailangan ko ng umalis Justine, hindi man natin matutupad ang pangako sa isa't isa pero ito lang ang pag kakatandaan mo. Ikaw lang ang lalaking nagustuhan ko ng ganito. Salamat sa lahat, paalam."
![](https://img.wattpad.com/cover/202218652-288-k500220.jpg)