SEULGI's POV
After kong itour si Irene sa buong unit ko, last yung masters bedroom. Yung kwarto kong buti nalang nalinis ko kagabi.
"..And done. Ayun na buong unit ko. Maliit pero okay na din."
"Maliit pa ba to? Malaki pa nga to for me eh.""Talaga lang ah. Anyways, yung ibang gamit ko bukas ko nalang kukuhain, nagbawas naman na ko dito, nilagay ko nalang muna sa guest room yung mga di ko pa nakukuha yun kasi yung mga dadalhin ko sa lilipatan kong dorm.."
"Ahh ganun ba? Sige lang, okay lang yun. Bukas ko nalang din papahatid yung mga gamit ko dito."
Nang makalabas kami ng kwarto ko narinig naming napaka-ingay sa may living room. Sino pa ba? Yung mga baliw na kaibigan ko.
"Seul, tara na muna dito. Umorder kami ng Pizza and Mojos. Kumain na din kayo." Sabi ni Wendy.
"May drinks din oh, tagal niyo magtour eh~" Sabi naman ni Byul.
Umupo at kumain na din kami ng mga inorder nila. At nagkwentuhan.
"So, Miss Bae? Okay ba sayo tong unit ni Seul?"
Sira ulo ka talaga Amber.
"Hmm. Yea. Okay naman. Malaki pa nga to sakin eh."
"Malaki pala eh, so pwede pa dito mag stay si Seul? Taytay pa kasi kami umuuwi tapos ang layo ng travel ni Seul."
WTF Yerim? Ano yang sinasabi mo kay Irene?!
"Yerim! Ano ka ba?!" Sabi ko kay Yerim. Ngumiti lang ito sa akin.
Kainis!
"Ayun naman pala eh! So, pwede pa dito si Seul magstay, Irene? Kahit sa guest room nalang siya." Sabi naman ni Byul.
"Oo nga, Irene. Di ka ba naaawa dito kay Seulgibear namin?" singit ni Joy.
"Wag nga kayo!" Sagot ko sa kanila.
"Sira kayo! Nas-stress na sainyo si Irene at Seulgi oh." Sabi naman ni Wendy.
"Saka, Miss Bae. Hindi pa kasi nakakahanap ng dorm apartment yang si Seulgi eh." Sabi naman netong si Amber.
"HOY! Ano ba yang mga pinagsasabi niyo kay Irene! May bahay naman ako, di ako homeless. Saka naghahanap naman na ako ng dorm."
Naiinis na talaga ako sa kanila. Pano ba naman kung ano ano pinagsasabi. Re-rentahan na nga ni Irene tong unit ko tapos pagsstayin pa nila ako dito sa unit ko. Mga sira talaga!
BINABASA MO ANG
Two of a Kind
FanfictionDating a Med student. 6:30 am. Ganito lagi ang situation namin ni Irene pag hinahatid ko siya papuntang school. Ang saya ko kasi nakakapag pahinga siya pag nasa byahe kami. Im not an expert when it comes to relationship pero ito ang masasabi ko, sob...