SATURDAY
IRENE's POV
Nagising ako ng maaga dahil sa alarm kong 5am ko na hindi ko napatay kagabi dahil nakatulog agad ako dahil sa pagod. Tumayo ako para umihi ng makita ko yung jacket ni Seulgi na nakasabit sa may upuan ko, biglang pumasok sa utak ko yung nangyari kagabi, inihatid ako ni Seulgi pauwi dito kagabi.
Shet nangyari ba yun?
Oo, I have a crush kay Seulgi since we were in 2nd year high school, well, knowing na nasa All-girls high school kami di talaga malabong may maging bisexual or lesbian or tomboy or queer or any member ng LGBTQ+ dun.
Nung una inis pa talaga ako sa kanya kasi nga ang ingay ingay niya, napakapasaway tapos nambubully pa sila nila Wendy at Byul.
Pero simula nung sa fire exit na drama ko, with her. 'Di ko inexpect na maf-fall nalang ako ng ganun kay Seulgi,
*FLASHBACK*
-Back to High School Days-
Today is our recognition day. Same day ng kuhaan ng cards after recog. So, here's the thing, alam na namin before pa ng recognition yung mga awards and tatanggap nung mga awards na yun.
Sadly, im no longer with high honors kasi bumagsak ako sa dalawang subject which is yung isa is my fave subject.
Science.
I know naman na di pa tapos yung high school namin, we still have 2 years in high school. Still, disappointed ako sa sarili ko kasi sabi ko I need to be on top for 4 executive years. And na-disappoint ko parents ko this 2nd year.
After recognition and kuhaan ng cards..
"Baby, that's fine if hindi ka with high honor this year. Di ba, dad?" Sabi ni Mommy kay Daddy.
"Oo naman, saka look 91 pa din naman average grades mo, line of 9 pa din. And daddy and mommy are so proud of you. May honor ka pa din naman ah? Saka you're still on top, my princess." sagot naman ni Daddy.
"*sigh* still, i disappoint you guys. Sabi ko ill be on top buong high school ko but--"
"Shh. Dont be sad and disappoint na. Kahit naman may honor ka or wala, baby. We're still proud of you. Anak ka kaya namin."
Naiyak ako sa sinabi ni Daddy sakin.
Pero pinipigilan ko lang dahil ayokong umiyak sa harap nila, so nagsabi ako na mauna na sila sa restaurant at may kukuhain lang ako sa locker ko.
Pero hindi naman talaga sa locker ko ang punta ko, nasa may fire exit ako sa may 3rd floor.
Umupo ako sa may hagdan at umiyak.
Okay na din siguro dito nalang ako umiyak walang makakakita at makaka-rinig.
Hayy. Kung sana mas nagaral pa ko para exams na yun edi sana. URGHH. Napatigil yung hikbi ko ng may marinig ako sa baba.
Parang may tao na kakatapos lang may kausapin sa telepono niya.
BINABASA MO ANG
Two of a Kind
FanficDating a Med student. 6:30 am. Ganito lagi ang situation namin ni Irene pag hinahatid ko siya papuntang school. Ang saya ko kasi nakakapag pahinga siya pag nasa byahe kami. Im not an expert when it comes to relationship pero ito ang masasabi ko, sob...