Abbie POV
“Abbie, diba duty mo ngayon ang pagbabantay sa golden bell?”
Napalabi na lang ako ng marinig si Angel Lanny. Isa lang akong lower ranking angel dito sa langit. Nakakainggit nga ung ibang mga anghel na nakakababa sa lupa. Simula kasi nung nagkaisip ako, never pa akong nakababa sa lupa.
Palagi lang akong tiga-bantay ng kung ano-anong mga bagay dito sa Angel Tower. Psh. Kung bibigyan ako ng chance na makababa, eenjoyin ko un. Ang dami ko kasing hindi alam sa Earth.
O dapat siguro na sabihin kong wala akong alam sa Earth. Limitado lang ang alam ko. Language, speaking, writing, ganon lang. Pero sa iba, wala na. Para bang umikot ang nineteen years ko dito lang talaga sa Angel Tower.
Hay. Sana talaga makababa ako sa mundo ng mga tao. Enjoy siguro un.
“Abbie! Pumunta ka na dun sa position mo. Magagalit si headmaster sayo!” sita sakin ni Angel Lanny.
Tamo to. Porket mas mataas sakin sa ranking, hindi nako tinatawag na angel.
“Oo na, Lanny.” Inis na wika ko sa kanya.
Pinagtaasan niya ako ng kilay. “Its Angel Lanny to you, stupid.”
Hmp. Tignan mo. May ganyan bang angel? Dapat dito kay Lanny, sa hell eh. Sama ng ugali. Akala mo di siya angel.
Pumunta na ako sa cloud 24. Dun kasi ako nakaassign para bantayan ang golden bell.
Ung golden bell kasi, siya ung kumokontrol sa mga ulap sa Earth. Siguro malaking responsibility na rin to. Hehe.
Umupo ako sa sulok na bahagi ng ulap.
Kahit anong tingin ko sa ibaba, wala akong makita bukod sa iba’t ibang layer ng ulap.
Ano kaya ang mangyayari kapag nalaglag ako dito?
Syempre wala.
HAHAHAHA.
May pakpak ako eh. Syempre lilipad lang ako pabalik.
Nagulat na lang ako ng may humawak sa balikat ko.
Pagtingin ko, isang chibi ang nasa likod ko.
Ohmygod!!
Paanong may smoke dito sa Angel Tower?!
Ang chibi ay ang tawag namin sa mga angels na bata pa lang. Para silang devil incarnate kasi pilya’t pilyo sila. Mahilig silang manggulo at manloko. Argh. Dahil ganun ang ugali, sa ibang lugar sila nakadestino.
Bakit may isang chibi dito?
Argh!
“Hi, Angel Abbie. HAHAHAHA”
Tignan mo. Pati tawa, tawa ng demonyo. Tss.
“Anong ginagawa mo dito? Laro tayo HAHAHAHA”
Kailangan ba kada sentence may tawa? Psh.
“Ayaw mo? Hmp.”
Nagulat pako ng may idinikit tong demonyita sa likod ko, sa may parte ng kanang pakpak ko. Kasabay nun ay ang pagbalot ng kirot sa likuran ko.
“Byebye, Ange Abbie.” Nakangising anito saka ako tinulak.
Psh. Akala naman niya di ako makakalipad.
Binuka ko ang pakpak ko pero napaaray ako dahil sa sakit na bumalot sa kanan kong pakpak.
Hala!
Sinubukan kong kontrolin ang pagbagsak ko gamit ang kaliwa kong pakpak. Hindi ko magawang lumipad pataas pero bumagal ang impact ng pagbaba ko.
WAAAAAAAAAA!
Anong mangyayari sakin?!
Mamamatay ba ako kapag bumagsak ako sa lupa?
WAAAAAAAAA!
Pesteng chibi un.
Noooooooooo!
Napapikit na lang ako hanggang sa naramdaman ko ang pagtama ko sa kung ano. Mabuti na lamang at napulupot ko sa katawan ko ung mga pakpak ko. Masakit pero at least wala akong baling buto. Hehe.
Parang may nabasag. Hindi ko un buto, promise.
“What the fuck?!”
Napatingin ako sa pinagmulan ng tinig. Isang lalaking nakatapi lamang ng tuwalya ang nabungaran ko.
“Who the fuck are you?!” angil niya sakin.
Napalunok ako. Bakit ako nakikita ng tao? Teka, tao tong kaharap ko diba? Waaaaa nasa lupa ako?! As in?!
Sinubukan kong tumayo pero bumalot ang sakit sa likuran ko.
Sinubukan kong galawin ang pakpak ko pero masakit eh. Nakita ko pa ang dugo sa sahig na galing siguro sa pakpak ko.
“Hello. Nalaglag ako galing sa langit. Hehe.” Sagot ko at nginitian ang lalaki. “See, may wings ako.”
“You think you can fool me with the artificial wings? Fuck. Get out, whore. I don’t need to fuck right now. I’m fucking tired so get out.”
Napakunot ang noo ko. Ano ung whore? Hindi un naituro samin sa itaas.
“Whore? Ano un? Wala namang ganung level ng angel sa amin.” Tanong ko sa lalaki.
Kumunot ang noo nito. Kapagkuwan ay nilapitan ako at biglang hinawakan ang mga pakpak ko.
Akmang pipigilan ko siya pero wala na, nahawakan na ng lalaki ung wings ko.
Hala lagot ako!
Huhuhuhu
Bawal kasing pahawakan sa mga taga lupa ang pakpak ng mga angels dahil… Waaaaaa!
Bumalot ang liwanag sa pagitan namin.
Pagdilat ko, may bote na sa kamay ng lalaki.
Nasa loob ng boteng un ung magic powers ng pakpak ko. Waaaaaa!
Kinapa ko ang likuran ko pero wala na nga dun ang wings ko. Paano pa ako makakabalik sa langit nito?
Ah. Baka ibibigay naman niya sakin pabalik un diba? Hehe. Mabait naman ang mga taga lupa.
“Ahm… Pwede mo bang ibigay sakin yang bote? Hindi kasi ako makakabalik sa langit kapag wala akong pakpak.”
Hindi siya kumibo at tinitigan lamang ako. Mayamaya ay ngumisi siya pero ewan, bigla akong kinabahan sa tingin niya.
“Hmm. So you really are an angel, huh.”
Sunod-sunod ang tango ko. “Yes! Naniniwala ka na. So ibigay mo na sakin yan please?”
“Sa isang kondisyon.”
Napakunot ang noo ko. Naalala ko ung tinuro dati samin ng isang Angel teacher. Kapag daw hihingi ka ng pabor sa isang tao, dapat laging may nakahanda kang kapalit sa kanya.
Siguro ganito ung sinasabi ni teacher. Okay.
“Sige. Kahit ano taong lupa.” Nakangiti akong sabi.
Bigla niya akong hinawakan sa beywang at nilapit sa katawan niya. “Be my woman.” Sabi niya.
“Eh? Okay… pero anong gagawin ko?”
Ano ba ung ibig sabihin ng be my woman? Magiging private angel niya? Hmm.
BINABASA MO ANG
Breaking Her Innocence (SPG)
FantasyNote: SPG/R-18 An innocent angel who fell from Heaven met a man driven by his hormones. Anong mangyayari kay Abbie the angel ngayong nasa kamay na siya ni Linus the devil? Abbie was a virgin and naive and Linus would do anything just to taint her an...