Chapter 9

1.5K 93 29
                                    

Please stream this Gfriend's Apple mv❤ I love how they evolve in every comeback they made😍🔥 enjoy reading🙂

--------------------------------------------------

*knock*

*knock*

*knock*

Binuksan ko ang kwarto ni Taehyung at nakita siyang nagse-selpon.

Tumingin siya saglit sa akin at bumalik ulit ang tingin niya sa selpon niya.

Mukhang may pinapanood siya ah.

Lumapit ako nang dahan-dahan at nakitang nanonood siya ng anime.

Ay episode 4 na din siya..

"Kain na daw sabi ni Jin" sabi ko habang nanonood din sa selpon niya.

"Not hungry" sabi niya habang pokus na pokus talaga sa pinapanood niya.

Oh eh kapag nagka ulcer kang suplado ka? Ako pa may kasalanan?

Bigla kong hinablot ang selpon niya. "Kumain ka muna." diing sabi ko.

"Give. it. back." banta niya at yung mukha niya ay mukhang nagagalit na.

"Kung gusto mo itong makuha, kumain ka muna. Para kang bata" sabi ko sabay talikod papuntang pintuan.

Bakit parang ako yung bata? Hmm bala na diyan.

Hinawakan niya bigla ang kamay ko at napahinto ako dahil doon.

"Jusko Taehyung gutom na ako ano ba?!" awat ko nang humarap ako sa kanya.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Habang umaatras ako dahil sa kaba na baka halikan niya ulit ako, siya naman itong lapit nang lapit hanggang sa may natapakan ako na syang dahilan kung bakit ako nadulas at sumalpak bigla ang pwet ko sa sahig.

"ARAAAAYYY!!!!" sabi ko habang sinusubukan na tumayo.

"Hahaha! You're so clumsy" sabi ni Taehyung na pinupulupot na yung mga kamay niya sa kanyang tiyan dahil sa kakatawa.

Halaaaaaaaaaa oh em jii ang gwapo niyaaaa. Bakit ang gwapo niya kung nakatawa?

Hoy tumigil ka Ella! Landi ng utak mo!

Hinanap ko kung saan yung natapakan ko at sinamaan ko ng tingin si Taehyung nang malaman ko kung ano yon.

"Jusko sino bang tao ang maglalagay ng balat ng saging sa sahig ng kwarto niya?" sabi ko habang sinasamaan ko siya ng tingin at napatayo na ako pero syempre masakit parin yung pwet ko.

Letche

Huminto siya sa kakatawa at nagseryoso ulit. "I just put it there." sabi niya na parang nanghahamon.

"Mahirap bang sabihin na ayaw mong kumain? Kung ayaw mo sabihin mo. Wala naman akong kasalanan sayo pero bakit ang lamig ng trato mo saken?"

Huhu ang sakit-sakit na kasi talaga ng pwet ko..bahala siya dyan. Kaya ko naman nasabi yun kasi masakit na talaga pwet koo~

Hindi naman ako makakakain ng mabuti nito dahil sa sakit ng pwet ko. Dahil sa pagkadulas ko ha? Hindi yung natatae. Ay hehe, paumanhin po sa mga kumakain diyan.

Unti unti akong lumakad papunta sa pintuan para makalabas na ngunit agad na pumasok si kuya Suga.

"Are you okay? What happened?" inalayan agad ako ni kuya Suga nang makita niyang hindi ako makalakad ng maayos.

"Okay na ako..." sabi ko sabay sulyap ng masamang tingin kay Taehyung.

"What happened?" humarap si kuya Suga kay Taehyung at inilagay niya ang isang kamay niya sa bewang ko.


7 Boys' AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon