Chapter 1

19.9K 447 33
                                    

Ella's POV

Gumising ako nang maaga para makapagluto ng breakfast namin ni Lola. Gusto ko siyang i surprise dahil kaarawan niya ngayon.

Naisipan kong lutuan siya ng seaweed soup kahit na first time ko.

Si Lola  ay Korean at dahil dun, may lahing Korean din ako. Si Eomma at Appa ay nasa Seoul pero dahil nandito sa Pilipinas ang Lola kong nagpalaki sa akin 18 years ago, sinamahan ko na siya dito. Ang Lolo ko naman ay nasa langit na kaya naman nag iisa nalang ang love kong Lola.

Ayoko namang iwan si Lola dito dahil ayaw niyang iwan ang bahay nila ni Lolo.

"Lola?" sabi ko sabay katok sa kwarto ni Lola.

"Lola papasok po ako." binuksan ko ang pintuan at nakita siya na natutulog pa rin.

Hinigaan ko siya kahit na alam ko na mabigat bigat din ako at sabay kiss sa cheek niya. "Happy Birthday Lola kong maganda.."

"Apo naman..hindi kana bata para higaan ako. Ang bigat mo na kaya!" sabi niya sabay sampal sa akin ng mahina.

"Happy Birthday pooo" sabi ko habang tumatawa at nakahug sa kanya.

"So where's my gift?" sabi niya sabay taas nang kilay.

Kinuha ko ang kwintas na may picture nila ni Lolo mula sa bulsa ko.

"Tada!" Sinuot ko yun sa leeg niya at nang makita niya yung picture nila ni Lolo, hinug niya ako.

"Aigoo.. My sweet granddaughter.." binigyan niya ako nang malungkot na ngiti.

"Lola huwag kang umiyak ha?. Sana iba nalang yung gina---"

"Ani...this is enough Ella.." sabi niya sabay smile sakin.

"Ipinagluto po kita ng seaweed soup! Sana masarapan po kayo,hehe.." sabi ko at sabay kaming bumaba para mag almusal.

***

"Apo?" narinig ko ang boses ni Lola galing sa sala.

"Po?" sagot ko habang naghuhugas ako ng pinggan.

"Go check your email. Yung Big Hit company na inaplayan mo tumawag kanina."

Hinugasan ko muna yung kamay ko bago pumunta sa sala.

"Natanggap po ba ako?!" hiyaw ko sa saya. Eh kasi naman gusto ko nang makapagtrabaho dun sa company na iyon. Sabi kasi ng mga ibang employees nila doon, maganda daw yung company na iyon dahil sa mataas na sweldo at dahil mabait daw yung CEO. At syempre nandoon yung BTS na hinahangaan ng halos lahat ng babae dito sa Pilipinas. Feeling ko nga ako lang ang nag iisang babae na walang pakealam sa kanila eh. Pero sa bagay mga gwapo din naman sila.

Ngumiti lamang si Lola at umakyat na ako sa kwarto ko. Dali dali kong binuksan ang account ko sa gmail.

Bilis! Bilis!

"Kyaaaaahhhhhh!!!!!" tumakbo ako pababa at niyakap ko si Lola habang nagtatalon talon.

"Ella!" tawa ni Lola.

"Lola may trabaho na po ako at mag uumpisa na po ako bukas!" sabi ko habang hinahalikan si Lola sa pisngi.

"Apo ano ba!" tawa lang nang tawa si Lola.

Biglang lumaki yung mga mata ko dahil "Anong susuotin ko bukas? Anong sasabihin ko? Dapat ba naka heels Lola?" nagpapanic kong sabi.
Ngiti lang ang binigay sa akin ni Lola. Aish..

***

Gumising ako nang maaga para makapagluto ng almusal namin ni Lola at syempre first day ko ito kaya dapat hindi ako pwedeng malate. 7:30 am- 5pm everyday ang schedule ko.

"Sure po kayo? Eh hindi po ako sanay na may heels Lola!.. Tapos yung make up ko po ang kapal pa oh!.." reklamo ko sabay nguso.

"Aigoo.. Stop whining because your beautiful at masanay kang naka heels kahit ngayon lang" Inipit niya sa gilid ng tenga ko ang buhok na napunta kanina sa mukha ko.

"Lolaaaaa...."

"Malalate ka na, Sige na." ngumiti lamang siya sa akin.

White long sleeve with collar, slacks na itim, gray sandals with 2 & 1/2 inches na heels at shoulder bag na prada yung outfit ko ngayon. Psh. Gusto nga sana ni Lola na magpalda ako pero ininsist ko talaga siya na slacks yung gusto ko kasi hindi ako sanay na magpalda noh.

***

Hindi naman pala malaki yung company nila. Hanggang 15 palapag lang pero okay lang naman at least may trabaho na ako. Kamusta naman kay—

"Waah!! Taehyung-ah!" Narinig kong sigaw ng isang babae malapit lamang sa akin.

Nakakunot noo ko siyang hinarap "Ano ba—"

Nilampasan niya ako habang tumatakbo.

Ay grabe ka te ah? Bago ko pa siya habulin ay nahalata ko na maraming nagkakagulo sa pinuntahan niya at syempre may pagkachismosa din ako kaya pumunta ako doon at nakitang may mga bodyguards na nakaharang sa mga babae dahil may lalabas sa kotse.

Nakisiksik din ako dahil gusto kong makita kung sino yung pinagkakaguluhan nila. Ano ba yan, mabibingi na yata ako nito. Makatili akala mo nirerape na.

Ilang saglit pa ay may nagsilabasan na mula sa kotse.

Ay! parang nakita ko na sila ah?

Ah oo, BT—

"BTS ng buhay ko!"

"Ang gwapo nila!"

"Hi Kookie!!"

"Jin kiss mo ako please!" ay nag over the border na si ate oh.

Dahil maliit lamang ako, hindi ko namalayang nasa harap ko na pala sila at yung kamay nalang ng body guard yung nakaharang sa akin. Aish pesteng mga babae to.

"Taehyung-ah!! ito gift ko para sayo! Tanggapin mo naman please!" sabi ni ate na sumigaw kanina na 'Waah!! Taehyung-ah!'.

Ate maawa ka, huwag kanang lumapit pa baka ma—

Natahimik ang lahat nang makita nilang nadapa ako sa harapan ng BTS.

NAKAKAHIYA. NAKAKABADTRIP.

Tutulungan na sana ako ng body guards nang may magsalita.

"Wait. Omo. Miss are you okay?" inilahad niya ang kamay niya upang tulungan ako ngunit hindi ko iyon tinanggap at tumayo ako para sagutin siya.

"I'm fine" sabi ko with a small bow. I get it na may dugong korean sila kaya inenglish ko na. Baka sabihin pa ng mga kasama niya minura ko sila.

Uggh. Hanggang ngayon pa ba hindi sila titigil sa kakatili nila?

"Hoy mga babae! Pwede bang tumigil na kayo sa kakatili niyo?! Ang sakit sakit sa tenga! Gusto ba ng mga lalaking ito ang mga ingay niyo?" natahimik silang lahat at tinignan ko yung lalaking nag offer ng tulong sa akin para magpaalam na ngunit yung isang kasama nila ang naka agaw ng pansin sa lahat.

Pinuntahan niya si ate na may dalang gift at kinuha niya ito.

"Waah!!.. Taehyung-ah..." yung reaksiyon ni ate? Ayun natulala.

Bigla akong nagulat nang lapitan ako ni Taehyung-pangalan niya diba?.

Akala ko hahalikan niya na ako ngunit nilampasan niya ang mukha ko.

"Throw this" bulong niya.

Gulat na tinignan ko siya at siguro namamalik mata lang yata ako dahil parang nakita ko pa siyang nag smirk.

Inaabot niya sa akin ang gift ni 'ate' para sa kanya at nang tinanggap ko iyon, lumakad na siya.

"See ya." sabi ng lalaking nagbigay ng tulong sa akin at sabay kindat.

Aish. Sa company nga nila ako magtatrabaho.

~~~~~~~~~~~~~

Anyeong! Hi! BTS Army here💋 how's my first chapter? I hope you enjoyed it. I will always appreciate your votes and comments. Kamsa! Thank You!💞💓

HF💔

7 Boys' AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon