A Second Chance (An Ashrald Fan Fic)

3.1K 10 0
                                    

It's June 2014 today. It's been four years since the break up of Sarah and Gerald. Marami ng nagbago sa kanila at hindi sila nagkaroon ng communication during those times.

Si Sarah ay nagtatrabaho ngayon sa isang sikat na TV station bilang isang sikat na artista at singer. Sa apat na taon na hindi sila nagkita ni Gerald, marami na ring nangyari sa buhay niya. Maraming nanligaw sa kanya pero wala siyang sinagot kahit isa dahil sa sakit na naramdaman niya nang maghiwalay sila ni Gerald.

Si Gerald naman ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang sikat na photographer para sa isang magazine. For the past 4 years, he had many relationships but nothing really became serious. Currently, he is single and is busy with his work.

Parehong 25 years old ng dalawa ngayon.

One day while Sarah was on her way to the studio to rehearse for her show...

SARAH: Oh, I'm sorry.

He bumped a guy nang hindi sinasadya. Nalaglag ang dala ng guy na camera. And when he saw the guy...

SARAH: Gerald, is that you?

Hindi niya masyadong nakilala ang binata dahil nag-iba na ang porma nito. Kumpara sa dating binata na baduy kung pumorma, ngayon ay matikas na ito at maganda nang magdala ng damit.

GERALD: Sarah?

SARAH: Oh, nice seeing you again. How are you?

GERALD: Right now I'm working as a photographer. Grabe, sikat ka na.

SARAH: Hindi naman. (sabay ngiti ng dalaga)

GERALD: You look beautiful.

SARAH: Thank you. You also look great.

Doon natapos ang usapan nila dahil nagmamadali si Sarah para makaabot sa call time niya. Kinuha ni Gerald ang cellphone number ng dalaga at ibinigay naman niya ito.

FLASHBACK:

June 2008 nang magkakilala sina Sarah at Gerald sa isang birthday party ng kanilang common friend. They were both 19 years old that time.

Ito ang naging eksena sa birthday party na iyon:

ASHER: Gerald, come here, I'll introduce you to my friend. (sabay lapit kay Sarah)

ASHER: Sarah, this is Gerald (sabay turo kay Gerald) Gerald, this is my friend Sarah (sabay turo kay Sarah)

GERALD: Hi. Sarah. I'm Gerald Anderson. (with a smile)

SARAH: Hi. (ngumiti rin sa binata)

ASHER: Sige, iwan ko muna kayong dalawa.

At naiwan nga si Sarah at Gerald na magkausap. Buong gabi ay nag-usap lang sila tungkol sa buhay ng bawat isa. Doon nalaman ni Gerald na mataas pala ang pangarap ni Sarah para sa pamilya niya. Si Gerald naman, dahil binata at walang responsibilidad ay happy-go-lucky siya. Pa easy-easy lang at laging nakasandal sa mga magulang.

A Second Chance (An Ashrald Fan Fic)Where stories live. Discover now