The First Official Date

1K 7 0
                                    

First monthsary nila Gerald at Sarah sa susunod na araw. Hindi alam ni Gerald kung paano sosorpresahin ang dalaga. Hanggang sa nakaisip siya ng paraan. Naalala niya na gustong gusto ng dalaga na makita ang Petronas Tower. Kaya nagpa-book siya ng flight papuntang Malaysia. Palibhasa'y mayaman kaya napakadali sakanya na gawin ito.

Isang araw bago ang nakatakdang flight....

*Knock knock*

Binuksan ni Sarah ang pinto.

GERALD: Hi Babe. 

SARAH: Oh, Hi!

GERALD: Babe, may surprise ako para sa'yo.

SARAH: Ano yun?

GERALD: Ipikit mo muna ang mata mo. (ipinikit ni Sarah ang mata niya)

Pagbukas ng mata ng dalaga, ipinakita ni Gerald ang ticket nila papuntang Malaysia.

GERALD: Di ba sabi mo gusto mong makita ang Petronas Tower? Ayan, makikita mo na. Pupunta tayo sa Malaysia bukas.

SARAH: Talaga? 

Niyakap ni Sarah si Gerald sa sobrang pagkatuwa nito.

KINABUKASAN.....

*Knock knock*

GERALD: Oh, Babe, ready ka na ba?

SARAH: Yes, Babe..,.. Nay, Tay, alis na po kami ni Gerald. (sabay mano sa mga magulang)

GERALD: Sige po, Tito, Tita, alis na po kami. (nagmano rin). Are you ready Babe?

SARAH: Yes! (sobrang excited)

Pagdating nila sa Malaysia.....

SARAH: Wow, Babe! Ang ganda naman dito! (Ang laki ng tawa ng dalaga)

GERALD: Maganda talaga dito, Babe. Every year pumupunta kami dito ng family ko para magbakasyon.

Tumuloy ang mag-boyfriend sa bahay ng Tita nito na nakatira sa Kuala Lumpur.

Nang sumunod na araw....

GERALD: Good morning Babe.. (sabay halik sa noo ni Sarah)

SARAH: Good morning.

GERALD: Mamaya pupuntahan tayo. Mga alas-6 ng gabi. 

SARAH: Saan tayo pupunta?

GERALD: Ipapasyal kita dito sa KL.

SARAH: Wow! Nakaka-excite naman yan.

Kinagabihan....

GERALD: Babe, let's go..

SARAH: Excited na ko Babe..Hihi...

At umalis na ang dalawa. Ipinasyal ni Gerald si Sarah sa ilang magagandang lugar sa KL at ang huling pinuntahan nila nang gabing iyon ay ang matagal ng gustong makita ni Sarah, ang Petronas Tower.

Pagdating nila doon...

SARAH: Wow, Babe! Ang ganda! (Nangingilid ang luha ng dalaga sa sobrang galak)

GERALD: Are you happy, Babe? 

SARAH: Of course! Very! (At niyakap niya si Gerald)

Naging masaya ang gabing iyon para kay Sarah dahil natupad na ang pinakahihintay niya. Nasilayan niya ang isa sa mga pinakamataas na tower sa buong mundo. At kasama niya pa sa pagtupad ng pangarap niya ang lalaking pinakamamahal niya.

Tatlong araw namalagi sa Malaysia sina Gerald at Sarah. Pagkatapos nito ay umuwi na sila pabalik ng Pilipinas.

   

A Second Chance (An Ashrald Fan Fic)Where stories live. Discover now