Chapter 1

60 1 0
                                    

AMANA'S POV



Labis ang aking pagluluksa mula nang mabalitaan ko ang pagkamatay ni Liara,ang aking matalik na kaibigan.



Bakit kailangang mangyari yun? Bakit kailangan niyang mamatay?



Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan nung nakaraang gabi naming pag-uusap,hindi ko alam na yun narin pala ang huli nakakalungkot lang isipin na hindi ko
na sya makikita o makakausap pa.



Ilang sandali pa ay pinunasan ko na rin ang mga luha ko na kanina pa hindi maawat sa pag patak,inayos ko na rin ang aking sarili bago lisanin ang lugar kung saan nakalibing ang aking kaibigan.



"Hindi ko palalagpasin ito, maghihiganti ako"

Agad akong sumakay sa aking kotse at pinaandar ito ng mabilis,wala akong ganang pumasok ngayon dahil sa nangyari, gusto ko munang umuwi at magpahinga.



********************************




"Third person's POV"



Pag dating ni Amana sa kanyang bahay ay agad syang nag pahinga marahil ay ilang araw na syang walang tulog matapos mabalitaan ang pag kamatay ng matalik niyang kaibigan.



Nais ng dalaga na maghiganti sa gumawa non sa kanyang kaibigan hindi sya matatahimik hangga't hindi nya nakakamit ang hustisya. Puno ng galit ang puso ni Amana, Dahil hindi lamang ito isang kaibigan para sa kanya itinuturing nya rin itong kapatid.



Makalipas ang ilang oras ay nagising na si Amana, matapos nyang naalimpungatan ay agad syang nag plano para sa kanyang paghihiganti.



Lumapit sya sa isa sa mga aparador sa kanyang kwarto, nang buksan nya ito ay tila bumalik sa kanyang isipan ang mga ala ala nila ng kanyang matalik na kaibigan mula sa mga litrato hanggang sa mga gamit na binigay sa kanya ni Liara, Sa hindi inaasahan ay tumulo na naman ang kanyang luha. Agad nya itong pinahid at kinuha ang isang maliit na baul kung saan nakalagay ang iba pang litrato nila ni Liara.




Matapos ang ilang sandali ay sinimulan na nya ang pagpa-plano.
"Kailangan lahat ay magdusa,they need to pay what they've done" yan ang nasaisip ng dalaga habang taimtim na gumagawa ng plano.



"Reyzen's POV"



Kasalukuyan akong nakaupo ngayon dito sa bandang likuran ng room namin nang May narinig akong nag-uusap sa may tapat ko.



"Guys nabalitaan nyo na ba yung nangyari kay Liara yung classmate natin?"tanong ng isang lalake sa mga kasama nyang babae.




Tss, kalalaking tao tsismoso



"Hindi nga eh,bakit ano bang nangyayari sa kanya?" Tanong nang isa sa mga kasama nya babae.


"Di ko nga masyadong naintindihan eh, nagpakamatay ata sya o pinatay? Ewan ko"sagot naman nung lalaki.



"Hindi na ako magtataka lahat naman may ayaw sa kanya eh."sagot ng kausap nyang babae.



Liara is a nice girl, ngunit hindi ko alam kung bakit maraming may ayaw sa kanya, siguro dahil mahina sya at di mahilig sa away months passed madalas kong mapansin na lagi syang binu-bully dito sa room o kahit sa corridors minsan maabutan ko syang umiiyak doon palagi naman syang pinagtatanggol ni Amana pero mas pinipili nyang huwag nalang pumatol.
One day absent non si Amana then naabutan ko syang mag-isa lang at umiiyak sa may hallway lumapit ako sa kanya at nag tanong kung bakit di sya pumapatol sa mga nambu-bully sa kanya she said"mas mabuti nang ako ang saktan kesa ako ang manakit" naawa ako sa kanya nung sinabi nya yun kaya simula nun nakipagkaibigan rin ako sa kanya but not so close.


Kaya hindi ko rin maipagkakaila na pati ako ay nasaktan sa pagkamatay ni Liara. Parang ilang buwan pa lang si mula noong naging magkaibigan kami



Pansin ko rin na hindi pumasok si Amana ngayong araw,marahil ay nagluluksa parin sya sa pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan.



Natapos ang lesson namin ng wala man lang akong natutunan masyado na sigurong na preoccupied Ang utak ko sa kakaisip kay Liara. Gusto ko syang ipaghiganti ngunit paano nga ba? Kailangan kong mag-isip ng paraan. Pagsisisihan nila ito.

______________________________

THANKS FOR READING
VOTE AND COMMENT<3

The Midnight Murders [On Going]Where stories live. Discover now