Chapter 2

37 1 1
                                    

AMANA'S POV

Maaga akong gumising upang dalawin  ang puntod ni Liara kahit Masakit pa  ang ulo ko marahil siguro sa pag iyak ko kahapon.


Masakit pa rin para sa akin ang kanyang pagkamatay ngunit alam kong kailangan kong tanggapin. Dahil sa buhay kapag may darating meron ding aalis, kapag masaya may kapalit ding lungkot pero sobra pa rin akong nasasaktan I wish I could take all the pain away.

"Hi! Liara kamusta ka na?ok ka lang ba jan?Alam mo miss na kita....sobra" hindi ko mapigilan ang luha kong nag uunahan sa pag patak.luha hanggang sa naging hikbi.

"Liara alam mo bang sa tuwing naalala ko yung mga araw na kasama kitang kumakain sa cafeteria,yung mga araw na sabay tayong pumapasok sa school,yung mga araw na nag uusap tayo sa gilid ng parke, yung mga araw na sabay tayong tumatawa ng malakas habang naglalakad sa pasilyo. lahat yun hindi ko makalimutan,lahat yun gusto kong gawin natin ulit pero dahil wala ka na lahat yun mananatili nalang alaala" sabi ko habang nakatingin sa kanyang lapida patuloy parin ang pag tulo ng aking luha unti unti ko itong pinunasan at kinalma ko na rin ang aking sarili mula sa pag hikbi.

Tahimik ang Hallway habang naglalakad ako papunta sa aming silid alam kong late na ako ngunit wala akong pakialam.hindi ko alam pero tingin ko wala nang patutunguhan yung buhay ko dahil wala na si Liara pero alam kong makakabangon din ako balang araw.

Tila tumigil sa pag tuturo ang aming guro ng makita ako. Dere-deretso lang akong nag lakad papunta sa aking upuan at hindi pinapansin ang mga matang nakatutok sa akin. Nakita ko sa gilid ng mata ko si Reyzen na nakatingin din sa sakin. Maya-maya ay nagsimula na ulit ang aming guro sa pagtuturo na parang walang nangyari.

Wala akong masyadong natutunan sa araw na ito dahil blangko parin ang utak ko actually hindi naman ako pumasok ngayong araw para matuto. Pumasok ako para makita ang mga taong May kasalanan sa pagkamatay ni Liara.

Nang mag ring ang bell ay agad na akong lumabas upang makauwi na.
Nasa parking lot palang ako ng bigla akong sabayan ni Reyzen sa pag lalakad tumigil ako at nilingon ko sya ng nakakunot ang noo.

"Anong kailangan mo?" Kalmado kong tanong.

"Easy wag kang ma badtrip pwede ba kitang makausap?"Tanong nya habang nakangiti.

"Tungkol saan?" Tanong ko.

"Ah! pwedeng wag dito?doon tayo sa gilid?" Tanong nya na parang nahihiya.

"Bakit ako sasama sayo? Kilala ba kita? Tanong ko ulit sa kanya. Simula nung namatay si Liara natuto na rin akong wag basta basta magtitiwala kahit kanino.

"Hey easy kakampi mo ako sa katunayan nga gusto ko ring ipaghiganti si Liara."halos pabulong na nyang sinabi yung huling salita.

Pumunta kami sa pinaka malapit na Café para doon makapag usap. Pagpasok namin ay di gaanong maraming tao tatlong table lang yung may laman at sa amin yung pang apat.

Pag upo namin ay tinawag na ni Reyzen yung isa sa mga staff para mag order. Tubig lang ang kinuha ko dahil di naman ako magtatagal dito. Pag alis nung staff saka sya nag salita.

"So... what's your plan?" Tanong nya habang pinagki-kiskis ang dalawang palad.

"Plan for what?" I asked. Alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin ngunit gusto kong sa kanya manggaling iyon.

"maybe revenge?" Sarcastic nyang sabi sa akin na para bang ang tanga ko at hindi ko pa alam yun.

"It's none of you if I want to revenge" sabi ko saka uminom ng tubig.

"Oh so you don't want me to help? Tanong nya.

"Ano namang maitutulong mo? Bakit ka tutulong? Ano bang pake mo?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya dahil sa pagkairita.


"Easy ok? Sabihin na nating minsan ko naring naging kaibigan si Liara kaya gusto kong tumulong.nakita ko kung paano sya nabully noon kaya gusto ko rin syang ipaghiganti." Aniya pa.

Himinga ako ng malalim upang kumalma ang sarili ko saka ako tumungo sa kanya.

"So deal?" Tanong nya.tumungo ulit ako sa kanya bilang pag sang-ayon. "ok then kita nalang tayo sa rooftop sa school tomorrow." Sabi nya.

Matapos ang ilang sandali ay lumabas na rin kami sa Café at dumiretso na ako pauwi. Kailangan ko nang mahabang pahinga dahil kulang na rin ako sa tulog at kailangan ko ring hindi pababayaan ang pag aaral ko lalong lalo na kailangan kong paghandaan ang paghihiganti para kay Liara.


Alam kong hindi ako dapat basta bastang nagtitiwala ngunit nasisiguro ko naman na mapagkakatiwalaan ko si  Reyzen dahil minsan ko na rin siyang nakitang kasama si Liara nung mga oras na hindi ako nakapasok dahil may sakit si Mama. Tuwing nakikita kong medyo ok na ang lagay ni Mama pumupunta ako sa school para tignan kung kamusta si Liara. Minsan nakikita kong nag-uusap sila ni Reyzen o kaya naman ay magkasama kaya naman nasisiguro kong mapagkakatiwalaan ko siya lalo na't kailangan ko rin nang tulong nya


Sisiguraduhin kong mag bayad ang may responsibilidad sa pagkamatay ni Liara. Kailangan kong maging handa, kailangan kong lakasan ang loob ko, kailangan kong maging matapang, dahil sa oras na makaharap ko siya sisiguraduhin kong hindi siya makakatakas.





____________________________

THANKS FOR READING
VOTE AND COMMENT<3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Midnight Murders [On Going]Where stories live. Discover now