CHAPTER XIV

213 8 0
                                    

   "  Tama ba itong naging disisyon  natin, Aida " tanong ni Corazon sa kaibigan habang sila'y nasa terace pa rin sa bahay ng mga ito.

"Kung iyon ang makakabuti para kay Czarina, oo tama itong desisyon natin..."

Pakiramdam ko kasi parang hindi ko binigyan nang pagkakataon na makapamili ang anak ko nang sarili niyang  kaligayahan, wika ni Corazon.

Kung para naman sa ikakabuti niya, ganoon talaga... Gagawin natin mga ina ang lahat para hindi masaktan ang ating mga anak, kaya walang dahilan para makosensiya ka.

"Kung sabagay may punto ka, ginawa ko lang ito para iiwas  sa isang iskandalo na magagawa niya dahil sa baluktot na paniniwala  n'yan si Czarina." Masyado kung magmahal kahit mali na ang pag-ibig na kanyang pinaglalaban.

         "Napangiti si Aida," Ang gusto ko lamang ay makita niyang dalaga mo na hindi si JM ang lalaking karapat dapat sa kanya, Corazon.

       "Anong ibig mong ipahiwatig?"

     "Ano kaya kung main-love sila sa isa't isa, nangingiting tanong ni Aida kay Corazon."

Sa tingin mo ba hindi malabong main-love iyan binata ko sa dalaga mo.

"Kung tama ang kutob ko ay inlove na sila sa isa't isa hindi lang nila iyon napapansin. Hindi mo ba napapansin na ang kasabihan " the more you hate, the more you love " ay pinatotohanan nilang dalawa. At bagay na bagay sila."

Nagtataka na si Corazon sa inaasal ni Aida, "Bakit pagdating kay JM ay tutol ka para sa dalaga ko. Pero pagdating naman sa panganay mong si Laurodel ay parang....."

Boto ako ganoon ba?

"Oo,aaminin ko na mas pabor ako na magkatuluyan sina JM at Joan May hindi dahil hangad ko ang yaman at magandang kinabukasan ng bunso ko.Naniniwala akong sila ang itinakda para sa isa't isa at hindi iyon pinipilit ng dalaga mo na sila ni JM ang nakatakda."

Kung makikita lang nang dalaga mo na mas higit ang katangian ni Laurodel ay tinitiyak ko sa'yong ang panganay ko ang mas karapat-dapat niyang ibigin  at mahalin.

Napailing na lang si Corazon sa mga sinabi ng matalik niyang kaibigan...

Naglalakbay na sa karagatan sina Laurodel at Czarina nang hapon rin iyon patungo sa private island na matatagpuan sa Mindoro

. Sakay ng yate na pagmamay-ari rin ng binata, sila'y naglayag patungo sa naturang island tanging sila lamang ang sakay ng yate dahil ang hindi alam ni Czarina libangan ni Laurodel ang maglayag at magpatakbo ng yate.

Malamig ang simoy ng hangin nang mga sandaling iyon. Sabihin pang nakasleveless siyang dress kaya manunuot talaga ang lamig sa kanyang katawan, at giniginaw na talaga si Czarina.

Agad naman napansin iyon ni Laurodel na nagmamani-obra ng yate agad itong tumayo. Lumapit ito sa kanya at nilagyan siya nang makapal na jacket sa balikat.

     "Baka magkasakit ka...." may pag-alala ngunit kaswal  pang sabi nito.

Naiinis man siya ay hindi na niyang nagawang tumanggi nang isuot na ang binigay nitong jacket.

     "Iyon totoo, saan mo ba talaga ako balak dalhin?"  tanong niya.

    "Sa Island nga," sagot nito.

    "Anong klaseng island ba iyan tinutukoy mo? At may matutulugan ba doon?"

Napatawa lang ang guwapong binata, "Oo naman. Anong palagay mo sa akin bibili ng bakasyunan na walang bahay. Huwag kang mag-aalala dahil may kuwarto tayong matutuluyan doon."

My One True Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon