Chapter 3

51 1 0
                                    

Chapter 3

TJ’s POV

Haaay. It’s been 1 month since i’ve been here and still no luck, pero hindi dapat ako susuko.

 I need to find her.

 Kaya mo yan TJ!! Kaya mo yan!

So andito ako ngayon sa mcdonalds kumakain ng big mac, large fries and a monster coke float.

Hindi naman halatang matakaw ano? Hahahaha!

Sa sobrang determined ko na mahanap ang aking soulmate, everytime may dadaan na girl, i’ll stare at her and check kung merong “spark”. hahahaha!

pero mga 10 na ang girls na dumadaan, at wala pa ring spark..

Pero all of a sudden, May nagshishine sa mata ko.

 Pagtingin ko kung san nagmumula yung pagshine, nakita ko galing dun sa masungit na babae!

Gawa kasi ng necklace niya.

 Made from silver ata yun tapos humarap sa may sun.

Edi yung light sa akin napapunta.

Paano kaya kung humingi ako ng tulong sa kanya? Feel ko naman na mabait siya eh. Medyo bad mood lang dun sa una naming pagkikita.

So lumabas ako para puntahan siya. Nung pagkalabas ko, lumapit ako sa kanya.

“Ms. Hindi ka ba marunong magsmile? Lagi na lang nakasimangot... ampangit tingnan.” sabi ko sa kanya.

Tapos bigla siyang tumingin sakin at nagulat.

“Aba! Umeepal na naman itong lalaking to! Lakas ng loob mo magsabi ng ganyan noh?! Feeling close!” sigaw niya sakin.

“Ms, Hindi mo rin ba kayang hinaan ang boses mo? Talo mo pa ang nasusunugan ng bahay.”

Bigla niya akong sinuntok sa may braso.

“Aray! Ms. Hindi ka ba marunong sumampal? Para naman mas kilos babae.” sabi ko

Tapos bigla niya akong sinampal.. Bakit ko pa kasi nasabi yun?! yan tuloy! tsk tsk.

“Masaya ka na?!” sigaw niya

“ Opo.” sabi ko.

Parang nayamot siya kaya biglang nagwalk out siya pero hinawakan ko yung braso niya para pigilan ko siya.

“Ms! Teka. Pwede mo ba ako tulungan?” sabi ko

“Wow! Ininsulto mo ako tapos biglang hihingi ka ng tulong sa akin? Lakas din ng trip mo noh?” sabi niya

“Please ms! Babayaran kita!”

“Aba! Anong akala mo sakin? Mukhang pera!?!”

“Hindi noh! Mukha ka kayang tao! Ganda mo ngang tao eh.”

Biglang walkout ulit pero napigilan ko siya muli...

“Ui! Joke lang naman yun!!!” Sabi ko

“Hindi ako nakikipagbiruan! Hindi ako nagsasayang ng oras para diyan!  Yan ang problema sa inyong mayayaman eh. Porke wala nang pinoproblema sa pera, inuubos na lang ang oras sa wala. Kung tumutulong kaya kayo sa mga nangangailangan at hindi diyan sa mga bagay bagay na hindi naman habang buhay ay na nasa inyo?!”

Napatingin ako sa baba.

 Tama siya.

 May sense yung mga sinabi niya.

“Uhmmm  Sorry. “ sabi ko

“Oo na” sabi niya sa akin

“Gusto mo tulungan na kita diyan sa mga bitbit mo?”

“Wag na!!!”

“Tamo. nasigaw ka na naman.. i mean  please! sabi mo kanina dapat tinutulungan ang mga nangangailangan. Napansin ko na kailangan mo ng tulong so tutulungan na kita.”

“Wag na nga kasi.”

Since makulit ako, kinuha ko yung mga bitbit niya at sumakay ng jeep

“hoy! Akin na yan!”

“Kaya nga sumakay ka na.”

Ayun, Sumakay nga siya. Galing ko noh? Hahahaha!

Ang pwesto namin sa jeep ay magkatapat kami sa isat isa. Medyo mahaba yung biyahe namin

Pagtingin ko sa kanya, ay nakatulog siya. Mukhang pagod na pagod

Tiningnan ko siya ng mabuti.

 Hmmm....

Kahit siga ang porma niya ay maganda siya.

Napangiti na lang ako bigla kasi nakakatuwa siya kasama.

Kahit ganun ang ugali, mature ang pagiisip niya

Yan ang kailangan kong tao para matulungan ako sa paghahanap sa aking soul mate..

Pero teka, Ano nga pala ang pangalan niya?

“Ms..  Ms.... Ms... Gising.... Ms?” sabi ko sa kanya habang kinukulbit ko ang shoulder niya..

Just Wanna Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon