Chapter 2. The strange feelingZack's POV:
NANDITO AKO ngayon sa veranda ng aking condo, nagpapahangin.
I still can't believe that she won against me, tss kahit kailan hindi pa ako natalo ngayon lang at isa pa, Racer champion kaya ako slash unstoppable rider kaya nga lang natalo ako sa isang babae na nerd, baduy pa. Bakit ko ba iniisip 'yong babaeng iyon. Baka magk-k-rashes ang makinis kong mukha, allergic pa naman ako sa mga baduy, tss.
*Dingdong* *Dingdong*
Huh? May nag doorbell, sino kaya?
Pumunta ako sa may sala para buksan kung sino ang bumisita sa akin. Pagbukas ko, si Mark lang pala.
"Mark, why are you here?" Bungad na sabi ko.
"Masama bang dumalaw sa pinakamamahal kong kaibigan?"
"Ulol! Alam kong may sadya ka sa 'kin. Bakit ka pumunta dito?"
"Pinapasabi kasi ni coach na may practice daw tayo bukas ng hapon,"
"Are you here just because of that? Why are you not texting me instead of coming over here, tsk."
"Wow, pumunta ka ba sa America boss? Ba't english ka nang english?"
"Shut the hell up! Alam kong may sadya ka talaga, bakit ka pumunta dito?"
"Ahm, ano kasi..."
"Ano?"
"Paano ko ba sasabinin ito? Hehe."
"Say what do you want to say and stop shaking. You look like a suitor who's nervous facing the parents of the girl his courting, tss."
"Oo na sasabihin ko na boss." Ani nito. "Ahm, p-pwede bang pahiramin mo ako ng CD ni s-spongebob?" Napakamot siya sa ulo niya. Seriously? Ito talaga sadya niya?
"What the heck! Hindi mo ba alam kong anong sinasabi mo ha, Mark?!"
"Zack naman eh, gusto ko kasi si Spongebob, at tsaka hindi mo man lang ako papasukin sa condo mo." He pout.
"Hindi bagay sa isang katulad mo ang mag-pout sa harap ng pinakagwapong katulad ko, tss."
"Boss naman eh! Ang gwapo ko kaya!"
"Libre mangarap. Pasok!"
Pumasok nadin si gago at pumunta nadin ako sa kwarto ko at kinuha ang CD ni pokemon. Malamang hindi ko kinuha si SpongeBob, favorite movie ko kaya iyan. Pagkatapos kong kinuha si pokemon ay binigay ko na kay Mark.
"Oh ito, pokemon."
"Ha! Bakit pokemon, boss? diba sabi ko SpongeBob?"
"You want to die?" Angas na sabi ko pero may halong pagbabanta.
"No!"
"Okay, then, alis! Nakaka-istorbo ka eh,"
YOU ARE READING
The Fearless Woman (OnGoing)
Teen FictionAng storyang ito ay tungkol sa isang babae na... Kakaiba... Kakaiba sa lahat niya kapwa babae, mas babae pa ang kanyang best friend kaysa sa kanya, mas babae pa ang beki/bakla kaysa sa kanya... o sa madaling salita ang babaeng mas malakas pa sa leo...