Chapter 5. Zack the mokong
"OH, TAPOS na kayong dalawang magbangayan ulit?" Tanong ulit ni kuya Mike, na ang bagal parin magmaneho. Hayys.
"Sabing hindi kami nagbabangayan eh, pa-ulit-ulit kuya?" Sabi ko kay kuya Mike. Tumatawa lang ang kuya kong muk'ang unggoy. Hehehe peace ulit!
"Oo nga kuya, hindi nga kami nagbabangayan, naglalambingan nga kasi kami eh," nakangisi na namang sabi ni Zack. Spell the word B.I.P.O.L.A.R, ang bipolar! Talaga ng lalakeng 'to, kanina lang tinutukso ako na muk'a daw akong daga, tapos napikon tumahimik, at ngayon magdadaldal na naman. Hays.
May sayad talaga 'tong lalakeng 'to!
"Alam niyo? Nakakatuwa kayong dalawa, tas ang bagay bagay niyo pa sa isa't isa," pagsingit ni ate Zyla.
"Ew, lang noona ha, hindi ako pumapatol sa muk'ang daga," sabi ni Zack. I just rolled my eyes again, hindi ko nalang siya pinansin dahil nahiya ako kay ate Zyla.
"Mariz, pasensyahan mo na 'yan si Zack ha, ganyan talaga 'yan eh," sabi ni ate Zyla.
"Ganyan ka gwapo," pagsingit ni Zack the mokong sabay pagpapapogi face.
"Baka ganyan ka yabang," Bulong ko.
"May sinasabi ka diyan, daga-este Miss baduy?" Tanong ng mokong.
"Wala!" Sabi ko nalang.
***
Maya-maya lang dumating nadin kami sa isang mamahaling restaurant. Pagkapark ni kuya sa parking lot, agad din siyang lumabas at pinagbuksan ng pinto si ate Zyla. Hays, sabi ko na talagang may gusto 'to si kuya kay ate Zyla eh. May pagentle-gentle man pa ang peg.
"Thank you, Mr. Garcia," Pagpapasalamat ni ate Zyla.
"You're always welcome, Ms. Zyla," sabi ni kuya, habang may ngiti sa mga labi.
Hays, sana ol!
Naunang lumabas si Zack, akala ko pagbuksan niya din ako, pero dumiretso lang ang mokong. Hays, nag-expect ako do'n ha. Ang gentle dog talaga-este gentle cat pala. Lumabas nadin ako, at sumunod nalang sa kanila papasok ng restaurant, at umupo kami sa may glass wall, magkatabi kami ni kuya habang si ate Zyla naman at Zack.
"Good day ma'am and sir! What's your order?" Bati ng isang waitress, nagulat ako ng mapagtanto kung sinong waitress 'yon.
Si Melissa Taylor. Ang spy expert ng BlackG Gang, which is name by me. The black symbolizes our colors, of how ruthless we are in fighting. The G symbolizes our advocacy gender, which is girl.
Ano kaya ang ginawa ng gaga na 'to dito, eh ang yaman naman. Alangan naman kung mag-spy siya dito, eh, wala pa naman akong assignment na pinapagawa. Nang makita niya ako, kinindatan ko siya, Aba! Maypa shock-shock pang nalalaman ang bruha. Inirapan ko siya, at ganun din siya sa 'kin, kaya nag-irapan kami.
"Four sets of the best seller," Sagot ni kuya Mike.
"Okay sir, wait for 20 minutes, and the food will arrive," nakangiting sabi ni Melissa, kinindatan pa ako ng bruha bago siya umalis.
Nag-uusap muna si kuya at ate Zyla about business. Kaya kinuha ko ang phone ko, at nag-open muna sa facebook, habang naghihintay sa pagkain. Pag-open ko sa notification.
YOU ARE READING
The Fearless Woman (OnGoing)
Teen FictionAng storyang ito ay tungkol sa isang babae na... Kakaiba... Kakaiba sa lahat niya kapwa babae, mas babae pa ang kanyang best friend kaysa sa kanya, mas babae pa ang beki/bakla kaysa sa kanya... o sa madaling salita ang babaeng mas malakas pa sa leo...