Chapter 3: The shimmering ring of the mysterious guy

36 3 0
                                    


Chapter 3. The shimmering ring of the mysterious guy

Mariz's POV

NAGISING AKO dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Nag-inat muna ako saglit bago bumangon at dumeretso sa banyo. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako ng school uniform.

As usual isinuot ko ang aking mahiwagang eyeglasses, at bumaba na.

Pagbaba ko, dumiretso na ako sa dining area. I saw Mother and Nanay Belen preparing my breakfast. Father and my kuya Mykel just arrive from playing basketball dahil kita pa ang pawis sa kanilang mukha at sa suot na jersey.

Hindi nila ako napansin dahil nakatalikod sila.

"Nandiyan na pala kayo? Maligo na kayo para makakain na tayo. Mykel, tawagin mo kapatid mo para makakain na, May klase pa 'yun."
Sambit ni mama.

"Sweetheart, pawis na pawis ako oh. Hindi mo man lang ako papahidan?" Nakapout na sabi ni papa. Ang cute tuloy niya.

"Tumigil ka nga diyan, Daguro! Anong pawis na pawis eh, kaya mo naman magpahid mag-isa, eh." Nakapamewang pang sambit ni mama. Parang na nonood tuloy ako ng pelikula ng mag-asawang nag lalambingan.^_^

"Hindi mo na ba ako love sweetheart?kasi di mo ako papahidan." Malungkot na sabi ni dad.

"Ano ka ba sweetheart, syempre love kita at ang mga anak natin. Kaya wag ka na ngang malungkot diyan." Sabi ni mama sabay pahid kay papa. Hays, ang sweet ng mga magulang ko. Sana all, ganyan din mga magulang nila.

"Tumigil nga kayo ma, pa. Ang tatanda niyo na eh." Ani ni kuya Mykel ang epal kong kapatid.=_=

"Ahem... Baka langgamin kami niyan." Sambit ko.

"Oh, gising ka na pala baby?"
Tanong ni mama.

"Baby? Eh, ang tanda-tanda na ni Mariz mama,"

"Mama oh, si kuya nanunukso."
Pagtatanggol ko kay mama. Dinilaan ko siya habang hindi pa nakatingin si mama. Bleehh.

"Mykel you should stop teasing to your little sister, sundin mo nga 'yang kuya Mike mo, ang hardworking,"

"I'm not teasing her ma, I'm just telling the truth, and also kuya Mike is not here, he's in Korea, work work work,"

"No ma, whenever kuya Mykel's here, or nagbabakasyon siya dito sa Pinas, palagi niya akong tinutukso," Saad ko, habang nakangisi lang si kuya Mykel sa akin.

"Mykel, ikaw ang nakakatanda kaya ikaw ang nakaka-intindi. So don't tease your little sister, nga pala you need to go back to States, dahil malapit na ang pasukan mo, at nung tinawagan ako ng kaibigan mo doon para mangamusta, nabanggit din pala niya sa 'kin na naglakwatsa ka daw tuwing class hours, tigil-tigilan mo'yan Mykel ah, at ikaw din Mariz wag mong sundin 'yang kuya mo," Katwiran ni mama.

"Opo, mama."magalang na sabi ko. Habang nakatingin kay kuya Mykel, na nakangisi na naman sa akin. At alam kong may kahulugan ang ngising 'yon. Wag mong sabihing.... Oh myghad! Baka na-alala niya na umuwi ako sa bahay ng madaling araw, na... Maraming pasa sa mukha. Baka sabihin niya kala mama at papa 'yon. Paktay ako neto!

The Fearless Woman (OnGoing)Where stories live. Discover now