''Pare-pareho lang ang mga lalake! Manloloko!''
Yan lang naman ang famous line ng 18 years old na si Alyssa.
''Aba friend, na-try mo na ba lahat?'' Sabat ni Bea. Ang bestfriend nya since Highschool.
''Atsaka sissy, babae man ang puso ko... Nasasaktan pa din ang boyside ko!'' Dagdag ni Paul. Paula sa gabi.
''Che! Ah basta! Manloloko sila. Except ka na Paul. Tanggap ko ng babae ka!''
Nagkatinginan si Paul at si Bea.
''Sissy ba't ba HB ka? Kumukulubot na naman yung skin mo sa face mo. Uma-ugly duckling ka na naman tuloy!''
Si Alyssa, isang man-hater simula ng pinagpalit sila ng papa niya sa ibang babae.
''Ah basta! Mga paasa! Iwan-ere.''
''Tungkol na naman ba kay Alvin?'' tanong ni Bea.
Alvin?
Si Alvin lang naman ang dahilang kung ba't nabuo ang motto n'yang '' NO BOYFRIEND, NO HEARTBREAKS''
2 years ago....
LECHE ang init naman! Nag LRT nga ako para di pagpawisan eh.
''Ah miss. upo ka na dito.'' Alok sakin ng gentleman na chinito na to.
''AY THANKYOU! Kelangan ko talaga to eh." Dali-dali akong umupo.
HAAAAY! Nakaupo na rin sa wakas. Tinitigan ko ang lalakeng nagmagandang loob na paupuin ako. Nakakatuwa tignan ang mukha nya. Singkit, mahahaba ang pilik-mata na parang manika, matangos yung ilong... Idagdag pa ang makinis na balat at ang kaputian nito.
TEKA? Ba't ako napapangiti? Pare-pareho lang naman ang mga lalaki. Manloloko. Kahit gwapo sya siguradong ganun din sya katulad ni papa.
Tinignan ko ulit ang lalaking ito, pero sa pagkakataong ito nakatingin na rin sya sakin. Sabay pa ata kaming nag-iwas ng mga tingin.
Saktong umalis si ateng nasa tabi ko. Maluwag na ang LRT no'n kaya wala ng nagpapaligsahan para sa iisang upuan.
BINABASA MO ANG
Mr. Forever
RomanceMeet Alyssa. A total man-hater but then, she met Alvin. Ano kayang mangyayari sa kanya? Mawawala na ba ang pagiging Man-hater n'ya or lalong madadagdagan?