10 minutes na ang nakakalipas. Jusme. Hindi s'ya matagal infairness. Kumain pa ata iyon sa Izzetan e! Lalo tuloy akong male-late! Kung di lang dahil sa I.D. ko eh. Mga lalake talaga paasa. Gusto nila laging hinihintay ng mga babae. Ay Alyssa. Hugot na naman.
''Alyssa!'' Sigaw ng lalaki sa di kalayuan. Tumatakbo ito at pinagpapawisan at hingal na hingal. ''Kanina ka pa ba? Sorry ha.. Na-distract kasi ako sa picture mo e. Angganda kasi. Di ko tuloy namalayan ang oras.''
Dugdug. Dugdug,
Hay nako puso. Binobola ka lang n'yan. Tandaan mo ang mga lalake gusto nila makukuha ang babae sa mga salita.
''Ah yung I.D. ko?'' tanong ko.
''Ito oh.'' Ibinuka n'ya ang mga palad n'ya at naroon ang I.D. ko. Akmang kukunin ko na nang isara n'ya ulit ito.
''Kain muna tayo.'' Aya niya.
''Di pwede. Late na ako. Wala ka bang pasok?!''
''Meron. 1:00 p.m. pa.''
''E ako, 11:00, kaya akin na yang I.D. ko.'' Hinablot ko yung I.D. ko sa kanya. Sinungitan ko na rin s'ya para malaman n'ya na ayoko ng makipagbiruan sa kanya.
''Sungit!'' Sigaw nito sa di kalayuan. Di ko na lang nilingon. Mga lalake talaga, kala nila lahat ng babae madadaan nila sa matatamis na salita.
''Wala man lang Thank You?!'' Sigaw nito ulit.
''THANK YOU!'' sigaw ko pabalik sa kanya at dumiretso na ulit ako sa paglalakad.
Tinignan ko ang oras. Sht. 11:15 na. Late na talaga akooo! Asar kasi yun e.
Tumunog ulit yung phone ko.
From Alvin:
If ever na may vacant ka. Text mo ko ah. :)))))))
Ang kulit naman nitoooooo.
Delete.
Itinapat ko na yung I.D. ko sa sensor ng machine at lumabas na yung mukha ko dito sa screen.
Nag ring ulit yung cellphone ko. Di ko pinansin. Nag ring ulit. HAYS.
From Alvin:
Uhm... Friends na tayo ah. Ms. Sungit :"))))
From Alvin:
Oyyy... Pansinin mo kooooo :ccc
Dugdug.... Dugdug....
Di ko gets ba't pag galing sa kanya yung text nagkakaganto si heartbeat. First time lang mangyari to e.
To Alvin:
Ang kulit mo. OK. FINE. Friends na tyo. Stop na sa pangungulit! PLEASE?! >:(
From Alvin:
Sure. Basta if may vacant ka ha? Text me oky? :")
Di na ako nagreply. Instead, nagtatakbo na lang ako sa room ko. Strict pa naman si sir.
''SIR SORRY I'M LATE!'' Sigaw ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
Nagtinginan sa'kin yung mga classmate ko...
Ba't nagtatawanan yung mga classmate ko? Ba't ang konti konti nila?
''Uhmm.. wala pa si sir?'' Tanong ko.
''Friend, absent si sir.'' Sagot ni Bea. My bestie <3
''Ha bakit?'' Di ako makapaniwala. First time umabsent ni sir.
''May sakit daw. AIDS.'' Sagot nung kaklase kong si Adrienne. Nagtawanan lahat.
''Gago. Ano ngaaaa?'' tanong ko ulit. Pero natawa talaga ako.
''May trangkaso sya friend. Happy?'' Nangingiti-ngiting sagot sakin ni Bea.
Nagtinginan lahat ng mga girls nang may dumaan sa section namin. Nacurious ako kaya napatingin din ako. Teka... Parang kilala ko 'to.
Pasipol-sipol pa ang loko.
''Ang gwapo talaga nu'n friend!'' Bulong sa'kin ni Bea. Tinignan ko lang si Bea.
''Kilala mo 'yun?'' tanong ko.
''Aba oo. Heartthrob yan e!''
''ALVIN!'' sigaw ni Adrienne.
Huminto lang si Alvin at dumire-diretso papasok ng room na'min.
''Angas pre. Wala kayong prof?'' tanong ni Alvin kay Adrienne.
''Wala eh. May AIDS.''
Tumawa ng malakas si Alvin.
''Gago ka pre. Magkatotoo pa iyon.'' Tawa pa rin s'ya ng tawa.
Napansin ko na tinititigan pa rin s'ya ng mga babae. Nako matutunaw yan. Pagkalat ko kaya na may number n'ya ko? Kaso baka awayin nila ako e.
Napalingon si Alvin sa direksyon namin. Matagal s'yang nakatitig samin saka ngumiti.
Tinititigan ko lang din s'ya. Napaalis ang tingin ko sa kanya ng humigpit ang pagkakahawak ni Bea sa kawawa kong braso.
''AH!'' Napasinghap ako.
''Friend type ata ako nito!'' Kilig na kilig si Bea.
NAKO BEA! Kung alam mo laaang
Palapit na sa'min si Alvin.. Nakangiti pa rin.
''Hi Alyssa. Diba sabi ko naman sa'yo text mo'ko pag wala kayong prof, Free naman ako eh.'' Nagpacute pa to si Alvin.
Napansin kong nagtinginan sa'min yung mga kaklase na'min. Lalo na yung mga babae grabe. Para nila akong binabalatan ng buhay sa mga tingin nila.
Tinignan din ako ni Bea na parang nagulat pero nakangiti. Yung mga mata nya ay parang nagsasabing ''Kilala mo s'ya?''
''NAX ALVIN! Ganyan ang mga diskarte!'' Sigaw ni Adrienne.
Tinignan lang s'ya ni Alvin at tumingin ulit sa'kin.
''Kakarating ko lang din. Ayaw mo kasing isauli kagad sa'kin yung I.D. ko eh.'' Sagot ko.
''So, ngayon? Kain tayo! Treat ko!'' Alok n'ya saken. ''Pwede ba?''
''Ay oo! Pwedeng-pwede yan si Alyssa. Sasama s'ya!'' Pagtulak naman sa'kin nitong si Bea.
''Kuya, allergic s'ya sa hipon, tapos concious yan sa katawan n'ya kaya wag mong pakainin ng madami tapos---''
''Friend, ikaw na lang kaya sumama?'' Sarkastiko kong sabi sa kan'ya. Ibigay ba naman yung mga info.
Ngumiti si Alvin. ''Ah ganun ba? Thank you sa info ate--?''
''Beatrice Sanders. Bea na lang ang itawag mo sa'kin.''
''Ah sige ate Bea. Thank you.'' Nginitian n'ya uli ito.
Naramdaman ko ang pagsunod ng mga titig sa'min ng mga kaklase kong babae sa paglabas namin ng room.
BINABASA MO ANG
Mr. Forever
RomanceMeet Alyssa. A total man-hater but then, she met Alvin. Ano kayang mangyayari sa kanya? Mawawala na ba ang pagiging Man-hater n'ya or lalong madadagdagan?