Chapter 14

92 5 0
                                    

Monamo POV

Hinarap ko si bading at tinuro ang sarili. Ako ba ang kausap niya? Hindi ako nalugi at hindi naman ako mukhang chinese. Singkit lang ang mata ko pero hindi ako chinese.

"Oo ikaw nga. Mukha ka kasing naluging Chinese. Tingnan ko ang sarili mo mukha kang dugyot at nabagsakan ng langit at lupa dahil sa hindi mabintang paninda mong siopao" lait niya sakin "Anyways, pwede mo ba ako bilhan ng hairpin? Nakalimutan ko kasing magdala"

Kita mo na? Mag-uutos lang naman pala at dinaan pa ako sa lait. Yung iba nga ang magsasabi muna ng magagandang salita para gawin ang inuutos niya tapos siya grabe kung lumait. Totohanan talaga huhu.

Pero para kay Ericka at para masabihang supporting friendship ay gagawin ko ang inuutos niya. Nilahad ko ang kamay para kunin ang perang pambili.

"Jusko! Wala ka bang pera?" tanong pa nito sakin. Sa hiya ko ay pinangkamot ko sa ulo ang kaninang nakalahad na kamay.

"Ilang piraso ba ang bibilhin ko?" nakanguso kong tanong.

"Basta bumili ka ng halagang bente"

B-bente? Napalunok ako habang kinukuha ang barya sa bulsa ko. Sana umabot. Alam ko sa aking sarili na kulang ang perang nasa bulsa ko pero naniniwala parin ako sa himala. Paglabas ko ng mga barya ay kaagad ko itong binilang. Siyam na peso lang ang meron ako.

"Ano na girl? Nganga nalang tayo dito? Hindi ka kikilos? Nagmumukha ka nang basahan diyan sa tapat ng pinto"

Nagsitawanan ang ibang nakarinig.

"Kung ganyan lang namang iniinsulto mo ang kaibigan ko ay mabuti pang ako nalang ang mag-ayos sa sarili ko" sabat ni Ericka at lumapit sakin.

"Naku sorry, girl"

Magsasalita pa sana ulit si Ericka pero hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti para ipahiwatig na ayos lang. Tumalikod na ako at nagsimulang magbilang. Ayokong pag-isipan ng masama ang bakla kaya idadaan ko nalang sa pagbibilang kagaya ng ginagawa ko kay Miss Magenta sa tuwing kaharap ko siya.

Hala! Oo nga pala. Kailangan kong magmadali para makabalik kaagad ako sa stage dahil paniguradong pupunta doon si Miss Magenta para icheck kung maayos ba ang pagkakagawa namin. Magmumukha pa namang toro yun kapag hindi ako nakita. Nagmamadaling lumabas ako sa paaralan upang makabili ng hairpin.

"Ate, may hairpin po ba kayo?" tanong ko sa tindera.

"Oo. Ilan ba ang bibilhin mo, Monamo?"

Kakapalan ko na ang aking mukha. Kilala na ako ni ateng tindera dahil suki na niya ako ng apat na taon. Dito kasi ako palaging bumibili ng school supplies. Gusto ko din sanang umutang ng tubig dahil kanina pa ako nauuhaw pero parang kalabisan na yata ang pangungutang ko.

"Bente sana ate pero kulang yung pera ko. Pwede po bang pautang muna? Promise babayaran ko po"

"Naku Oo naman, Monamo. Ikaw pa ba? Sandali lang kukunin ko"

Wew! Buti nalang mabilis kausapin ni ate. Nang binigay niya ang hairpin ay binigay ko naman pabalik ang barya kong nasa bulsa. Kaagad din akong bumalik sa library.

"Akala ko aabutin ka pa ng sampung taon bago makabalik" tuya ng bakla. "Oh siya, umupo ka nalang muna diyan at baka may ipapagawa pa ako mamaya"

Napakamot ako sa ulo. Grabe siya! Nang-aabuso!

"Wag mo ngang gawing alalay ang kaibigan ko. Prinsesa namin iyan" sabat na naman ni Ericka.

"Naku okay lang, Ericka. May pupuntahan lang po ako kuya bakla pero siguradong mabilis nalang po iyon. Babalik nalang po ako dito"

Pasiring na tiningnan ako ng bakla. Nakangusong bumalik nalang tuloy ako sa stage. Huhuhu badtrip pa dahil nandito na si Miss Magenta at nakapamaywang na hinintay na makalapit ako.

My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon