Chapter 2

317 7 0
                                    

Monamo POV

Pagkatapos kong maghanda ay syempre dumiretso kaagad ako sa banyo para magbawas. Hindi ko alam pero ugaling-ugali ko talagang magbawas pagkatapos kong kumain. Kaya siguro hindi ako tumataba eh. Hihi hobby ko talaga ang magpawala ng masamang elemento sa tiyan ko 3x a day.

Kaagad akong nagpaalam kina mama't papa at ngayon ay papalabas na kaming tatlo sa bakuran ay hindi ko parin kinakausap si kuya. Nagsimula na akong maglakad ng tinawag niya ako gamit ang malambing na boses.

"Baby Monamo"

Nakangusong nagpatuloy ako sa paglalakad ng hindi siya pinapansin. Hindi nga niya sinabi na panget ako pero parang ganun narin naman ang pinapahiwatig niya. Kung panget pala ako ay mas lalo naman siya. Kapatid ko siya at mas nauna pa siyang niluwal kaysa sakin kaya mas panget siya. Ginawang trial and error lang yata ang mukha niya eh.

"Baby Monamo, pansinin mo naman ako oh"

Kasabay ko na sila ngayon. Yun nga lang ay nakabisekleta sila at ako ay naglalakad lang. Nakaangkas si Tharik sa harapan ng bisekleta at nagmumukha talaga itong mabait sa malinis na ayos ng buhok nito.

Niregalo kay kuya ang bisekleta noong grumaduate siya ng highschool, pati cellphone na may model na 3310 na Nokia ay niregaluhan din siya dahil sa pagkakasali niya sa honor. Halos ilang taon iyon pinag-ipunan ng magulang namin para sa kauna-unahang myembro ng pamilya namin na nakapagtapos sa sekondarya.

Excited na nga din akong grumaduate sa taong ito eh. Gusto ko naring magkaroon ng bisekleta kahit wala nang cellphone dahil wala din naman akong paggagamitan. Wala din kasi akong pambili ng load. At feeling ko din hindi ako makakasali sa honor na yan hihi. Basta makapagtapos ako, okay na 'yon.

Dahil wala pa nga akong sasakyan patungo sa paaralan ay pagta-tyagaan ko nalang muna ang sapatos na sana ay hindi mapaltos. Bagong kiwi ito kaya itim na itim.

"Baby Monamo naman eh. Kausapin mo naman ang kuya Miyamor mo" sinunod pa niya ang paraan ng pagkakanguso ko.

Hindi bagay! Ang laki ng katawan niya tapos ngumunguso siya? Nagmumukhang pwet ng bibe ang bibig niya. Palihim nalang akong natawa.

"Ang bad mo kasi kuya. Panget ba talaga ako at walang magkakamaling manligaw sakin?"

Tumigil ako at hinarap siya kaya napatigil din sila.

"Alam mo ikaw, ang slow mo talaga. Iba ang pagkakaintindi mo. Dahil iyan, Iyan ang hindi namin gustong mga lalake" sabay turo niya sa buhok ko. "Bukod sa nagmumukha kang bata ay mapagkakamalan ka pang nagbibenta ng mga pang-ipit sa sobrang dami ng nandiyan sa buhok mo"

"Eh anong magagawa ko? Alam mo naman kung gaano ka idolo ni mama si Jolina"

"Si mama lang ba talaga?" taas kilay niyang tanong.

"Syempre ako din pero hindi ko naman ugaling mag-ayos ng buhok. Si mama lang talaga itong mahilig"

"Hayaan mo nalang muna si mama. Ang importante ay wala munang manligaw sayo"

"Eh paano yan? Wala tayong katulong sa bahay?" nakanguso kong tanong na tinawanan naman niya.

"Yakang-yaka naman natin pareho ang gawain sa bahay. Wag mo nalang isipin iyang ligaw-ligaw at baka masaktan kalang. Mamaya niyan hindi ko pa makita ang gilagid mo dahil panay iyak ka na"

"Pero kuya maganda ba ako?"

"Syempre naman. Walang makakapantay sa ganda ng baby Monamo namin. Diba, Baby Tharik?"

"Opo ate. Ang ganda niyo. Pwede na po kayong mag artista" sagot nito.

"Talaga ba? Ganun ako kaganda?"

My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon