Chapter 13

94 6 0
                                    

Monamo POV

Pagkatapos umalis ni Sir Benj ay nagkatinginan sina Name at Xegred, tila ba nagsusukatan sila ng titig. Kinabahan pa ako kasi kumisap-mata lang ako ay nasa akin na kaagad ang mga mata ni Name. Napalunok ako dahil doon at bahagyang umatras. Tangkang lilingon na din sana si Xegred para sundan ang tingin ni Name ng biglang nagsalita ang huli.

"Inaasahan kong ikaw ang gagawa bukas"

"Hah! Akala mo talaga magiging water boy ako?" nanggagalaiting wika ni Xegred.

"Oo. Bagay naman sayo eh" natatawang sambit ni Name.

"Gago ka talaga Name—"

"Alam ko. Mas gago ka nga lang"

"Eh kung magsuntukan nalang kaya tayo? Ang matalo ay siyang magiging water boy" nakangisi si Xegred pero ramdam mong naiinis talaga siya.

"Wag na. Matatalo kalang" kunwaring malungkot na saad nito.

"Hindi ako mahina kagaya ng iniisip mo, Name"

"Mali ka. Hindi ko iniisip na mahina ka kasi mahina ka naman talaga"

Ano daw?

"Ano?!" galit na sigaw nito.

Natatawang umiling si Name at pinulot ang bola bago binalik ulit ang tingin kay Xegred.

"Malalim ba ang pagkakasabi ko? Hayaan mo. Wag mo nang intindihin dahil kailanman ay hindi iyon maintindihan ng bobong kagaya mo"

"Anong sabi mo?!!!!!!?"

"Hindi iyon kakayanin ng kulangot sa laki mong kukote"

Pagkatapos pakawalan ni Name ang pamatay na salita ay tumawa siya ng malakas. Nag dribble pa siya ng isang beses bago hinagis ang bola sa ring. Ayun, shoot! Grabe! Nasa pagitan siya ng dalawang magkabilang ring pero nagawa niya itong i-shoot. Lodi!

Nagulantang ako ng bigla nalang dinikwat ni Xegred ang kwelyo ni Name. Nanginginig ang mga kamay nito at gusto na yatang manuntok. Nanlilisik na rin ang mga mata niya at sa sobrang laki ay mukha na yatang lalabas. Susmaryosep! Katakot kayang makakita ng taong nalaglag ang mga mata.

"Ginagalit mo talaga ako"

"Oh! Sinabi ko lang ang totoo nagalit ka na? Relax" sabay takip niya sa balikat ni Xegred.

"Sinasabi ko sayo, Name. Wag na wag mo akong gagalitin" mas diniin pa ni Xegred ang pagkakahawak sa kwelyo ni Name.

Natatakot ako para kay Name. Gusto ko ng sumigaw para humingi ng tulong. Hindi ko kakayaning pigilin sila kapag nagrambol ang mga ito. Baka sa huli ay ako pa ang bugbog sarado. At baka magsumbong si Xegred sa fraternity niya.

"May nagsabi na ba sayo na—"

"Na ano?!" putol ni Xegred sa sasabihin ni Name.

"Na nakakatawa ka kapag galit? Nagmumukha kang teletubbies"

Napatakip ako sa bibig dahil mukhang  lalabas ang pinipigilan kong halakhak. Teletubbies? Ang kyut!

Inagaw ni Name ang kanyang kwelyo at nilapitan ang bola. Kinuha niya ito at nag dribble papunta sa kinatatayuan ni Xegred na ngayon ay laglag ang panga. Hahaha gusto kong tumawa ng malakas. Grabe Hahahahaha Hahahaha Hahahaha. Isa pa, Hahahahaha.

"Pag na shoot ko ito ay ikaw ang magiging water boy at kapag hindi ko ito na shoot ay ako ang gagawa" nakangising sambit ni Name pero wala parin sa sarili si Xegred.

My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon