Tatlo

206 9 0
                                    


Kinuha ko rin yong bato tapos nag curve din ako dun sa baba nung ginawa nya. Nilagay ko "Iloveyoutoo"
Nakatingin lng sya don sa cinarve ko at napansin kong may luhang tumutulo sa mata nya.

"Bakit ka umiiyak?"
Umiling lng sya. Nilapitan ko sya at niyakap. Niyakap nya rin ako pabalik.
"Sana pag dumating yong oras na yun, hindi magbago ang tingin mo sakin"
"Ano bang sinasabi mong oras? Kanina ka pa ha"
Kumalas na sya sa yakap naming dalawa.
"Basta Chumi, when that time comes.. dalhin mo lng ako dito at babalik ako sayo."

Kinabahan ako sa sinabi nya pero pinilit ko parin ngumiti. Hindi ko sya maintindihan.
Pagkatapos ng panonood namin ng sunset, isang linggo kong hindi nakita si Angeline.
Sinubukan ko syang tawagan pero naka off ang phone nya.
Nagbakasakali akong makita ko sya sa central park. Kung last year bigo ako. Ngayon, successm
Nakita ko syang nakaupo sa ma fountain at linapitan ko sya.

"Angeline?!" Lumingon sya sakin pero tiningnan nya lng ako. Tapos ibinalik na ulit nya yung tingin nya sa libro na binabasa nya.
"Angeline! Galit kaba sakin?" Tinabihan ko sya pero lunayo sya
"Angeline bakit ba?"
Sinarado na nya ang librong hawak nya at iritang tumingin sakin.
"Sino ka ba ha? sorry pero hindi ako nakikipag-usap sa mga hindi ko kilala. Sino ka ba?"

Sino ka ba?
Sino ka ba?
Sino ka ba?

hindi ko kilala. hindi ko kilala.

Parang hinati sa gitna ang puso ko.
Galit ba sya sakin? Bakit nya to sinabi?
"Angeline, ano bang nagawa ko? ok naman tayo nong nanood tayo ng sunset ah.. Bakit----?" Hindi ko pa na tapos yung sasabihin ko pero tumayo na sya at umalis. Sinundan ko sya at hinawakan ang braso nya.
"Ano ba?! Sinabi nang hindi kita kilala e! Pag hindi mo pa ako nilayuan tatawag talaga ako ng pulis!"
"Kilala  mo ako Angeline. Bait kaba ganyan?"
Pakiramdam ko naluluha nako. Bakit kung kailan ko na realize na mahal ko sya, tsaka nya pa kailangang gawin to?
"sinabi ko na sayong hindi. Bitawan mo na ako!"
Nagpumiglas sya at tumakbo na papalayo.

Naiwan lang akong nakatayo dito.
Pakiramdam ko pinagpira-piraso ang puso ko.
Dumiretso ako sa bar para uminom ng alak.
Di joke lng, wala ...magpapalamig lng . Dun muna ako tumambay sa may tindahan lng. Tapos may narinig akong nag uusap usap.

"Alam mo, naaawa talaga ako sa pamilyang yun eh, grabe sobrang pambihira yung kaso nung anak nila" chismosa no.1
"oo nga, 18 years old palang, may alzheimer na agad" chismosa no.2
"Grabe noh? akala ko sa sine lng nangyayari yun eh. Kawawa naman yung dalaga, isang taon din syang ok eh, kaya akala nung pamilya nawala na yung sakit nya. Pero inaatake na naman sya ngayon"
"Sayang, ang ganda pa naman ng dalaga nayun. Ano nga ang pangalan  non? Angeline bayun?"
"Oo, Angeline. Balita ko isasama muna sya ng tita nya sa states. Dun lng daw kasi may gamot para sa sakit nya eh."
"Pwede syang mapagaling?"
"Ang alam ko sa sakit na yon, hindi yun napapagaling. Napapabagal lng ng medicines yung pagkalat nun"
Nabitawan ko yung iniinom ko

Si Angeline? may alzheimer disease? Kaya pala hindi nya ako nakilala kanina. Pero bakit sya pa? Sa dinami daming tao, bakit sya pa?

( Alzheimer's disease is a progressive disorder that
causes brain cells to waste away (degenerate)
and die. Memory loss is the key symptom of Alzheimer's
disease. )

Agad akong umuwi sa bahay. Nag- isip isp ako ng pwede kong gawin para maalala nya ulit ko.

Kinabukasan, pumunta ulit ako sa park. Andun ulit si Angeline sa may fountain. Linapitan ko ulit sya.
"Ikaw na naman?! Diba sinabi ko na sayong---"
"Wait lng, bago ka magalit. Gusto ko lng sabihin sayo na may utang ka sakin. Nag promise ka na babayaran mo yon, pero kinalimutan mo yata??" pagsisinungaling ko
"Wala akong utang sayo!"
"Meron!"
"Fine, para tigilan mo na ako. babayaran ko na. Magkano ba??"
"Haha, hindi pera ang utang mo sakin. Halika sumama ka. Ay teka, Ivan nga pala pero Katsumi nlng yong itawag mo sakin."
"Whatever Katsumi"

Katsumi ang tawag nya sakin. Hayyyyyy mukhang hindi nya talaga ako naaalala. Buti nlng sumama sya sakin. Kahit medyo ayaw nya, nagawa ko parin syang pilitin.

Dinala ko sya ss ukay ukay at binigyan ko sya nong mga damit na binili nya noon. Yong loose pants , loose shirt, cap at rubber shoes.

Tapos ako, bumili ako ng daster at wig.
"Lakas din ng trip mo noh! pero alam mo, para kang tanga Katsumi. hahahahhah"
"Akala mo ako lng?"Bigla syang napatigil sa pagtawa at sinamaan ako ng tingin
"Halika ka nanga! " Hinila ko sya papuntang mall.
"Hoy Katsumi! sa mall?! Nakakhiya?!"
Sabi nya, sabay tago sa likod ko
"Okay lng yan, minsan kalng maging pangit, at least na experience mo diba?"  Sabi ko sa kanya
Napatingin sya sakin. Parang natulala sya sa sinabi ko.
Nginitian ko lng sya tapos pumasok na kami sa mall.

Ginawa namin lahat ng ginawa namin noo. Nagbakasakali akong maalala nya. Pero wala. Pagkatapos namin mag enjoy sa mall, pumunta kami sa central park. Don sa kung saan kami nanood ng sunset dati.

"Ano namang gagawin natin dito?" tanong nya
"Malamang manonood tayo ng sunset"
Nakaupo lng kami habang naghihintay ng paglubog ng araw. Walang nagsalita samin. Kaya napag desisyonan kong mauna.
" Angeline, hindi mo ba talaga ako naaalala??" Seryoso kong sabi sa kanya habang nakatingin sa lumulubog na araw.
"Hindi talaga eh" Pakiramdam ko babagsak na yung luha ko dahil sa sinabi nya.
Naalala ko ang sinabi nya sakin dati. Sabi nya dalhin ko lng sya dito at babalik sya sakin. Pero bakit ganon?  Bakit hindi nya parin ako maalala? Malapit na matapos ang sunset, pero wala. Bigo ako...Hindi nya ako naalala.

Tumayo na ako at sinenyasan ko syang aalis na kami. Tumayo natin sya pero nauna na akong maglakad.
Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang katagang nagpatalon ng puso ko

"Chumi??"

Sa oras na ito, ang pagkawala ko ng gana ay napalitan ito ng sigla at saya.
Saya... Panandaliang saya lng pala..


memories by maroon 5
Don't forget to vote guys! thank you!

The Day She Said Goodbye (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon