[Chapter 3] x Chocolate

53 5 0
                                    

Hazel's POV

"Please be careful next time." Bulong sakin ni Kier sa aking tenga. HUWAAT! Nakakahiya! Kaya pala siya lumapit para lang dun?! Bakit kailangan ganun? Pwede naman sabihin in a formal way. Huhu nakakahiya talaga. Pero ang sarap parin pagsasampalin ni Kier.

Agad akong tumayo ng tuwid at tumalikod sakanya. Piling ko sobrang namumula muka ko. Ayoko siyang harapin. Sana lamunin na ako ng lupa! Sinusumpa ko itong araw na ito huhu.

"Pwede mo naman akong itayo ng maayos diba?" Mautal utal kong sambit habang nanginginig paa ko. Waaa feeling ko manlalambot buong sistema ko tapos mahihimatay ako sa hiya.

Patago akong umirap at umupo sa aking kama. Maya maya narinig ko siyang tumawa. Hay nako! In the first place, bakit nga naman siya nandito? As if I need him. As if we're close?! Pero.. malaki ang utang na loob ko sakanya. Masyado siyang mabait para alisin. Sa sobrang kakaisip, hindi ko napansin na nakatulog na pala si Kier. Pfft. Parang may sariling utak yung paa ko kasi lumapit at tumabi ako kay Kier. Bakit ba sobrang pamilyar si Kier? Ang lapit ng muka ko sakanya. Kitang kita ko ang pagkaflawless ng muka niya. (NYAKS HAHAHA) S-Sobrang.. pogi niya.

"Baka matunaw ako, Hazel."

Pusang kire! Muntikan na akong matumba sa kinauupuan ko kaya agad ko siyang hinampas ng mahina sa dibdib.

"Ano ba! 'Sang kire naman oh, mamamatay pa ako dahil sa'yo!" Bulaslas ko sakanya habang tawa lang siya ng tawa.

"Sabi na nga ba lalapit ka sakin eh! Crush mo ko 'no?" Itinaas baba niya ung kaliwang kilay niya habang may nakakalokong ngiti siyang nakapaskil sa pangit na pagmumuka niya.

Bakla talaga 'to.

"Assuming! As if naman?! I barely know you!" I reminded him. Ikinatahimik niya ang sinabi ko. Wait, wala naman akong nasabing mali para ganyan maging reaction niya ah? I think before I talk so there's probably nothing wrong.

Inirapan niya ako. What the fudgeee?! Bakla ba talaga ito? Hahaha putek ang pangit talaga!

"Isa pa talagang irap, pagkakamalan kitang bakla at sisipain kita palabas!" 

Tumawa nanaman siya na parang timang. Jusko may sira talaga utak nito kahit kelan. Nakakainis na rin! 

"Ano naman kung malaman mong bakla ako? Hindi mo na ako crush? PFFFT!" Tinusok tusok niya ang namumula kong pisngi sa galit. 

Ang kapal naman. Huhu. 

"Assuming ka pala? Wow." Inirapan ko naman siya at dumiretso na sa kama at naghanda para matulog. Ilang oras nalang, makakalabas na rin ako dito sa impyernong ito. 

"Nga pala, Kier. Ingatan mo ang bestfriend ko ha? Bagay kayo kaya sana 'wag kayong maghiwalay." Sabi ko bago matulog.

"Ha? Di naman kami---"

Itinaas ko ang middle finger ko sa ere at, "Talk to the finger. Good night."

Opo. Opo. Ganon talaga ako kasama hahaha. Wait! NO! Ayoko! It means.. It means I'm comfortable around him! Shit. Nahulog na ako sa kalooban niya. Nang magising ako sa umaga, nakaimpake na lahat ng gamit at maayos na ang kwarto. Ako nalang ang hindi nakakapagayos. Napakatahimik ng paligid nang may bumukas ng pinto sa cr at iniluwa rito si Kier. Tumitig lang siya sakin at umupo sa sofa.

"Bakit ba nandito ka pa? Why do you care so much as if you know me very well?!" Sabi ko ng nakasimangot. 

"I-I just feel.. Nothing. Ngayong gising ka na, pwede na ako makaalis, happy?" He smiled. Bakit ba ang bait nitong gagong ito?! Nakakainis na ha. Sumosobra siya sa bait kaya ako nasisiraan ng bait.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Heart Only Beats For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon