Chapter 7

20 1 0
                                    

"Bakit? may nangyari bang masama?"

"Opo ate. Namatay na po si Kuya."

Sabay tumulo ang mga luha sa kanyang mata. Grabe hindi man lang namin alam na may problema siya.

"Ha!! anong nangyari kay kuya Chev? Pano siya namatay? Sino yung pumatay?"

"Hindi nga po namin alam ehh. Kasi kagabi kakuwentuhan lang namin siya, ang saya pa nga namin ehh. Tapos nung umakyat siya biglang may narinig kaming sigaw mula sa kuwarto niya. Nakita namin na putol na ang ulo niya tapos puno na ng dugo ang kuwarto niya. Grabe ate Ches, sobrang nakakaawa si kuya. Hindi nga namin alam kung sino ang pumatay. Wala naman siyang binanggit na kaaway niya saamin. Hindi ko na kaya ate Ches, pupunta muna ako ng CR." at pumunta na sila ni Lexie sa CR. Kawawa naman sila Lexie. Hindi pa nila kilala kung sino ang pumatay sa kuya niya. Abnormal na talaga ang mga tao ngayon.

*Classroom

Iniisip ko parin yung nangyari kay Lexie. Sana mahanap na nila yung pumatay sa kuya niya.

"Uyy Mica! ang lalim ata ng iniisip mo ahh." sabi ni Kris

"Naawa kasi ako sa pamilya ni Lexie."

"Bakit anong nangyari?!"

"Kasi ganito iyon........"

Tapos iyon na nga kinuwento ko lahat lahat tapos pagkatapos ko ikwento.

"Huhuhuhu. Kawawa naman sila Lexie. Huhuhu"

Grabe, kung makaiyak kala mo siya yung namatayan.

"Mr. Gomez, why are you crying?"

"Wala po mam, na puwing lang."

Hahahaha nakita pala siya ni mam.
So ayun na nga, dumaan na ang isang libong oras at uwian na!!

"Bestie, hindi muna kita masasamahan umuwi kasi ihahatid ko si Lexie sa bahay nila. Sige bye!!

"Bye Bestie. Ingat kayo ni Lexie!"

Kawawa naman si Lexie. So, sa ngayun maglalakad ako pauwi since hindi ako puwede mag pasundo kay manong dahil nag pahatid si ate. Biglang may bumusina.

"Hatid na kita sainyo." Si Charles pala.

"Wag na. Maglalakad na lang ako."
Syempre kailangan kong magtaray. Sabihan ba naman kami na naglalandian.

Bumusin siya ulit.
"Bilis na. Wala ka ng kasamang pa uwi tsaka medyo gabi na madami ng nalabas na mumu."

"Wala akong pakielam. Mas gugustuhin ko pang makasama ang mga multo kaysa sa judgmental na katulad mo." sabay tumakbo na ako ng mabilis. Wala na akong narinig na busina. Medyilo malapit lang naman ang bahay namin sa school

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love SickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon