Chapter Five

17 2 0
                                    

"Guys, we should do this as soon as possible..." Sabi ni Nicka. Ang lider-lideran na ka-blockmate ko, medyo matagal na akong naiinis sa babaeng ito dahil napaka-plastik niya. Kakausapin ka lang niyan kapag may kailangan siya. Napairap naman ako sa isip ko.

"Xia!!" Naglakad siya papunta sa kinauupuan ko sa likod nang makita niya ako. Ako lang naman mag-isa palagi doon eh, loner kasi akong tao, mas gugustuhin ko pang mag-isa kaysa maki-halubilo sa mga plastik na tao. Wala akong balak magsayang ng laway para lang makipagplastikan.

"What?" Iningles ko din siya. Akala niya siguro siya lang marunong. Hmmf.

"Why aren't you joining us? Kagrupo ka namin tapos wala ka manlang pakialam? Look, this is a group work. Kung hindi ka tutulong, you better off---" Hindi ko na siya pinatapos. Dahil sinundan ko agad ito ng sabat. Bastos na kung bastos, ayoko lang yung ugali niyang 'yan.

"Paanong hindi ako makakasama? Hindi niyo nga ako sinasali sa usapan ninyo. Di ko nga alam kung anong nangyayari sa group work natin eh, kinikibo niyo lang ako pag kailangan niyo na ako diba?" Humalukipkip ako habang sinasabi ko iyon sa kanya. "Ohh ano? May problema sa gawa niyo kaya tinatawag niyo ako? Look Nicka, I'm sorry pero mas gugustuhin ko pa gumawa ng sarili kong scale model kaysa sumali sa inyo. Kaya ko naman gawin 'yun mag-isa ng wala kayo." Dagdag ko pa saka ako tumayo sa kinauupuan kong kanina pa umiinit. Kinuha ko ang shoulder bag ko at paalis na sana ako ng higitin niya ang braso ko.

"Where are you going? You'll just leave us behind after all?" Tanong niya sa akin.

"Ano pa nga ba'ng magagawa ko Nicka? It's your lost, not mine." Saka ko tinabig ang kamay niyang nakahawak sa braso ko saka ako nag-walk out sa room ng Filipino time. Absent kasi yung prof namin doon kaya ang mga pinaggagagawa lang ng mga ka-blockmates ko ay makipagdaldalan at pag-usapan ang mga plano nila sa group work para sa scale model.

Pagkarating ko sa labas ng pinto, agad namang sumalubong sa akin si Charles. Yung totoo? Simula nang makita ko si Charles nung nakaraan sa hallway palagi ko na siyang nakikita at nakakasama.

"Mainit ang ulo mo 'no?" Tanong niya agad sa akin.

"Hmmf. Sort of." Ayan napapaingles na rin ako. Ganito kasi ako kadalasan pagbadtrip napapaingles. Hayy."Ano pala ginagawa mo dito? Wala ka bang klase? Parang kanina lang hinatid mo ako tapos ngayon nandito ka nanaman?" Tanong ko naman sa kanya.

"Hmm, actually, excused ako sa lahat ng subjects ko today." Masaya niyang sabi sa akin.

"Ha? Talaga? Bakit?" Tanong ko sa kanya. Aba ang swerte naman nitong si Charles. Buti pa siya excused sa lahat ng subjects, hayahay siguro siya ngayon ano? haha.

"Kasi may event mamaya sa Teatro club namin, plus Photographix ang kukuha ng mga litrato mamaya." Napatango naman ako sa sinbi niya. Oo nga pala, isa siyang president ng Teatro at Photographix, busy talaga ang buhay niya. Hindi pala siya hayahay, binabawi ko na.

"Ohh, ano namang kinalaman ng pagpunta mo ngayon dito sa room ko?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Gusto sana kitang yayain sa event namin mamaya sa Teatro club, magpapa-audition kasi kami para sa mga gustong maging member. Gusto mo ba?" Tanong naman niya sa akin. Parang nagdalawang-isip naman ako sa sinabi niya. Ano bang talent ko? Nakakahiya naman. Baka mapahiya lang ako.

"Uhmm, Charles? Nakakahiya man pero... Wala kasi akong talent eh?" Sabi ko sa kanya. Totoo naman, hindi ko alam kung anong talent ba meron ako.

"Xia, bawat tao ay may kanya-kanyang talent. Yung iba siguro hindi pa nila nadidiskubre." Sabi niya sa akin. Napatahimik naman ako sa sinabi niya. "And besides, you have time to discover things later bago magsimula ang event. Pwede naman kitang tulungan, hindi pa naman ako masyadong busy ngayon. Ano tara?" Dagdag pa niya. Grabe, ano bang meron sa akin at parang dikit ng dikit itong si Charles sa akin? Ang hot talaga nitong tao na ito.

My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon