Charles POV
"Good afternoon Sir Charles. Ito na po yung mga photos na kinuhanan ko kanina sa event ng mga professors sa Audio Visual Room kanina." Sabi sa akin ni Rey. Member ng Photography club dito sa school.
"Okay, iwan mo nalang dyan, ako na bahala." Sabi ko naman sa kanya.
"Uhh, sir?" Tanong niya ulit sa akin. Inikot ko ang swivel chair na inuupuan ko ngayon. Napalingon ako sa kanya.
"What?" Tanong ko rin sa kanya.
"Yung mga photos po ni Maam Xia sa Memory ng isang cam puno na po. Hindi ko po siya makuhanan kasi punong puno na po ng stolen shot niya. Hindi ko naman po ma-delete kasi baka--"
"No. Just leave it there. Ako nang bahala magsabi kung kailan mo ulit siya kukuhanan ng pictures." Napatango naman siya sa sinabi ko saka siya umalis dito sa room ng Photographix.
Nagtataka ba kayo kung bakit ko siya pinakukuhanan ng mga stolen pics niya? It's because I love her. Yes, I love her so much since bata pa kami kaso hindi niya alam hanggang ngayon. Wala siyang kaalam-alam na dito pala ako nag-aaral sa school na pinag-aaralan din niya, sa sobrang pagmamahal ko sa kanya I even hired a private investigator para lang manmanan siya. Sounds creepy right? Pero wala naman akong balak na masama sa kanya. I just wanna make sure that she's okay kahit nung nasa ibang bansa pa kami noon nakatira.
I tried my best para maging kapansin-pansin sa kanya. Binago ko yung itsura ko, yung pakikitungo ko, and everything para maimpress siya sa akin pag nagkita kami sa takdang panahon. Nung una, hirap na hirap ako magtago sa kanya kasi deep inside gusto ko nang magpakita sa kanya. Nagtago ako ng 2 years sa kanya dito sa Pilipinas ng hindi niya alam. May mga bagay kasi akong pinaghahandaan gaya ng mga sinalihan kong clubs dito sa school. Halos dumaan ako sa butas ng karayom para lang maging presidente ng isang club. But then, I did it. Naging presidente ako ng Teatro club at Photographix. Hindi lang yun, naging model pa ako sa school namin. Too bad, hindi alam ni Xia 'yun dahil puro aral lang ang alam niya. Ni wala nga siyang barkada dito sa school eh, no wonder kung bakit isa lang siyang nobody sa school namin. Pero kahit ganun, mahal ko parin siya.
Ngayon, nagkaroon na ako ng urge para magpakita sa kanya. Hinigop ko lahat ng lakas ng loob para magpakita na sa kanya. Tama na siguro ang 2 years na hindi ko pagpapakita sa kanya dito sa school. Miss na miss ko narin siya. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Pero I know, time will come, mapapasakin rin siya.
"Xia, I love you." Wala sa sarili kong nasabi habang iniiscan ko yung mga stolen shots niya sa aking laptop. "I hope you feel the same. I'll do anything for you my love."
"Charles!!" Biglang bukas ng pinto ng photographix room. Sinara ko yung laptop ko at napatingin sa pinto. "Where have you been? Wala ka kanina sa English time." Si Trixie. Family friend ng pamilya namin. She's the vice president of Photographix and Teatro club. Matagal nang may gusto ito sa akin. She admitted her feelings to me unang beses palang kami magkita. She followed me kahit saan ako magpunta. Noong una naiirita ako sa kanya, pero nung tumagal nasanay narin ako, hinayaan ko nalang siya.. My heart belongs to Xia.
"Ano naman?" Maikli kong sagot. She's so rude. Masyado siyang matapang bilang isang babae. Lahat ng babaeng umaaligid sa akin inaaway niya. She doesn't have the rights para magalit sa kung sinong babae ang kinakausap ko. She's not even my girlfriend.
"Ano naman? Don't you say that to me Charles! Inaalala lang naman kita kasi baka bumagsak ka sa lintek na prof natin doon sa English subject. San ka ba nagpupupunta at hindi ka pumasok?" Mas matindi pa siya sa nanay ko mag-react. That's why I don't like her. Nagkibit-balikat nalang ako sa sinabi niya. I don't want to ruin this day. Masyado akong masaya para lang makipag-talo dito kay Trixie. Tumalikod nalang ako inayos ang mga pictures na naka-kalat sa desk ko.
"Hey Charles! I'm talking to you. Wag mo nga akong talikuran!" I heard her footsteps comming to my place pero binalewala ko lang. "Charles!!" Impit na sigaw niya, saka niya ako hinarap sa kanya.
"What now Trixie?!" Napatayo ako sa kinauupuan ko at hinarap siya."Ano bang pakialam mo kung hindi ako nakaattend ng English time ha? It's not your f*ckin' problem kung bumagsak man ako! Stop acting like my mom!! You're not even my girlfriend!" Umalingaw-ngaw sa buong paligid ang inis ko sa kanya. Buti nalang at dalawa lang kami ngayon dito. Hindi ko na kasi kaya, ang tagal ko nang nagtitimpi sa babaeng ito.
"Is it Xia? Si Xia nanaman ba ang dahilan kung bakit hindi ka nakaattend kanina ha?" I saw her tears falling down her face. Pero wala akong pakialam kung umiyak man siya, it doesn't affect me! Alam kong babae siya pero nakakasawa na talaga yung ugali niyang yan.
"Ano naman ngayon kung si Xia?! Siya naman ang mahal ko matagal na! You know it Trix! Nagbubulagbulagan ka lang. Alam mong mahal ko siya pero pinipilit mo parin yung sarili mo sa akin." Tuloy-tuloy na ang agos ng luha niya. Halata mo sa mukha niya ang sakit ng mga salitang sinabi ko sa kanya. "You know Trix, itigil mo na 'to. Sinasaktan mo lang sarili mo, maraming lalaki sa mundo na kayang tumbasan yung pagmamahal na binibigay mo sa akin."
"You know what Charles? Alam kong maraming lalaki sa mundo but you're the only one that matters to me!!" Sabay punas niya ng luha niya. "I give my love for you pero all these years binalewala mo lang, para akong hangin sayo. I cared for you, pero wala lang yun sayo. All the efforts bale wala sayo. Kahit ang sakit-sakit na pinagpapatuloy ko parin because I love you."
"But I don't love you. Let's just face the fact na hindi talaga kita magugustuhan." Saka ako tumalikod sa kanya at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga pictures sa desk ko.
"Ang tanong, Mahal ka din ba niya?" Napatigil ako sa ginagawa ko nang sabihin niya 'yun. Parang tumigil ang mundo ko. Napaisip ako sa sinabi niya, mahal nga din niya ba ako?
"I'm going home Trix. I'm tired. Ikaw na bahala dito sa Photographix room." Kinuha ko yung bag ko at laptop, paalis na sana ako sa silid na 'yon nang higitin niya ang kamay ko.
"See? You can't even answer that question. Ako nandito ako sa'yo palagi lalo na noong mga panahong kailangan mo ng masasandalan. Siya? Nandyan ba siya nung mga panahong 'yun?" Saka niya ako binitawan."You may leave I'll take care of this." Saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
May punto rin si Trix. Ni Hindi ko nga alam kug mahal din ba ako ng Xia, pero sana mahal niya rin ako. I Love her so much. I'll do everything maging akin lang siya.