Chapter Six

25 4 2
                                    

"Please welcome our next performer Ms. Kelly Aragon from the college of Information and Technology department." Sabi nung host saka nagpalakpakan ang mga estudyanteng nanonood ngayon sa quadrangle ng school namin ngayon at nakita kong nagsimula na siyang magperform.

"Charles!! Kinakabahan ako!! Whoo!!" Sabi ko sa backstage. Nanginginig na yung kamay ko tsaka namamasa sa sobrang kaba. Ako na kasi susunod na magpeperform sa kanya. First time kong mag-audition ngayon sa mga ganitong clubs.

"Wag kang kabahan. Kaya mo 'yan!! Naniniwala akong makakapasok ka." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Bakit kasi hindi nalang ikaw yung isa sa judges para makapasok na ako agad!! Hahaha!!" Biro ko sa kanya.

"Alam mo naman ang dahilan diba? Haha!! Okay lang 'yun basta galingan mo ha?! I-checheer kita dito sa backstage!!" Natutuwa ako sa kakaibang motivation na binibigay sa akin ni Charles ngayon. Parang nakita ko ang cheerful side niya. Hindi siya ang judge ngayon. Yearly daw kasi sila nagpapa-audition para sa Club nila. Last year daw kasi isa siya sa judges kaya ngayon ang toka niya ay mag-organize ng mga mago-audition. Bilib talaga ako sa klase ng pamumuno niya sa Club niya. Hindi siya nagfefeeling boss sa kanilang lahat. Hinahayaan niyang maexperience din ng ibang officer at member ang maging judge. Kumbaga, random ang pagkuha nila ng magiging judge yearly. Hindi yung kung sino ang may mataas na pwesto, siya lang makaka-expreince maging judge.

"Oo na!! Teka, tapos na yata magperform yung Kelly!! Ang bilis naman!!" Lalong nadagdagan yung kaba ko nang marinig ko nang nagpapalakpakan ang mga estudyante at nagsalita na ang mga judges sa mga comments at suggestion nila sa performer at syempre ang host.

"Oo nga, ikaw na ang susunod!! Basta chin up! Kaya mo 'yan!" Saka niya ako niyakap. Aba, humihirit pa itong si Charles!! Magpeperform na nga ako eh tapos gumaganyan pa siya!! Para akong matutunaw sa yakap niya. Ang hot niya kaya para yakapin ako!! Hahaha!!

"And our next performer, from the college of Engineering & Architecture department, please welcome Floresita Xia Carlos.." Sabi nung host saka nagpalakpakan ang mga estudyante. Whoo! Grabe this is it. This is really is it ng bonggang-bongga!! Huminga muna ako ng malalim saka ako naglakad papunta sa stage.

Hawak ko ang mikropono at ang musical instrument na gitara galing sa Teatro club ni Charles. Inayos ko muna ang boses ko at inilagay sa micrphone stand ang mikropono saka sinimulang mag-strum ng gitara.

"Saying goodbye is never an easy thing but you never say that you'd stay forever. 

So if you must go, well darling I'll set you free but I know in time we'll be together. 

I won't try to stop you now from leaving 'coz in my heart I know...

Love will lead you back, someday I'll just know that love will lead you back to my arms. 

Where you belong, I'm sure.. Sure as stars are shining, one day you will find me again. 

It won't be long, one of these days are love will lead you back..

One of these nights when I hear your voice again, you'll gonna say how much you miss me. 

You walked out this door but someday you'll walk back in, well darlin' I know.. Iknow this will be. 

Sometimes it's takes, sometimes I'm on your own now, to find you way back home..

Love will lead you back. Someday I'll just know that, love will lead you back to my arms. 

Where you belong, I'm sure.. Sure as stars are shining, one day you will find me again. 

It' won't be long. One of these days are love will lead you back.

But I won't try to stop you now from leaving, cause in my heart I know... Whoa-whoaa.. 

Love will lead you back, someday I'll just know that love will lead you back to my arms, where you belong I'm sure.. Sure as stars are shining, one day you will find me again. It won't be long, one of these days are love will lead you back.

Whoaaa.. Whoaa.. Love will lead you back, someday I'll just know that love will lead you back to my arms, where you belong I'm sure.. Sure as stars are shining, one day you will find me again. It won't be long..

one of these days are love will lead you back.."

Nagpalakpakan ang mga tao pagakatapos kong kumanta. Tinapos ko ang kanta nang may ngiti sa aking mukha.. Tama nga si Charles, sa una ka lang kakabahan pero pagnasimulan mo na, unti-unti nang mawawala yung kaba mo. Bukod pa doon, masarap makita ang mga taong pinapalakpakan ka at makita mong natutuwa sila kanta mo. Nakakagaan ng loob. Napatingin naman ako sa tatlong judges sa harapan ko, napatingin ako sa isang judges pamilyar na mukha. Tinitigan ko siyang maigi, nakangiti siya habang nagsusulat ng score ko sa score card niya. Hindi nga ako nagkamali, siya nga yung babaeng yumakap kay Charles kanina sa Teatro Club kanina!! Ano nga ulit pangalan niya? Trix? Trixie? At dahil doon, hindi ko na napakinggan ang mga comment sa akin ng dalawang judges, naiwan kasi akong nakatitig sa kanya. Sino ba talaga ang Trixie na ito? Parang may something talagang kakaiba sa kanya mula pa kanina. Kinuha ni Trixie ang microphone sa harap ng table ng mga Judges at nagsimulang magsalita.

"Miss Floresita.." Unang sabi niya. Ayaw na ayaw ko talagang tinatawag akong Floresita dahil napapangitan talaga ako sa pangalan kong iyon, pwede bang Xia nalang? or Miss Carlos? Mas okay pa ako dun kaysa Floresita."Ohh, I mean Ms. Carlos, hi there sweetie!! You look great with your smile and song.. Happpy aye? Actually, I like your song piece. But honestly, I didn't like the way sang that song. Well, I'm just stating the fact. Being the Vice President of this club, it's just my opinion. Kahit na pumayag ang dalawang judges na kasama ko dito para maging member ka ng club, still di parin ako papayag. I will use my power as a vice president na hindi ka makapasok cause I think kulang ka pa sa ensayo para maging isang deserving na Teatro club member." Pagtatapos niya. "And.. Don't be mad, marami pa namang club dito sa school na pwede mong salihan. I should say, Try again next time Ms. Carlos." Dagdag pa niya. Hindi ko alam kung mao-offend ako sa sinabi niya pero siguro nga tama siya. Hindi gaanong maganda ang pagkakakanta ko pero ginawa ko naman ang best ko para maikanta ko yung song nga maayos. Agad naman ako napatingin sa pinanggalingan ng kalabog mula sa backstage. Nakita kong papunta sa akin si Charles na hindi maipinta ang mukha. Kinuha niya ang mikropono na nasa microphone stand at saka nagsimulang magsalita.

"You don't have the right to use your power as a vice president at this moment Miss Trixie Vallesteros. Remember that the powers of each officers are disabled during the audtions. Lahat tayo pantay-pantay. Hindi porket vice president ka ikaw ang palaging masusunod. Ang kalayaan parin ng bawat judges sa pagpili ng magiging new members ng Teatro club ang masusunod, can't you see Ms. Vallesteros? Lahat ng kasama mo ngayon as judges na members lang ng Teatro club ay agree, that means pasok si Miss Carlos." Di ko alam ang irereact ko sa sinabi ni Charles. Parang lahat ng estudyante doon ay napanga-nga sa nangyayari ngayon. Ano ba talagang meron at parang nadadamay ako sa kung ano mang 'meron' sila??naguguluhan na talaga ako. Hayys.

Napatingin naman ako kay Trixie. Halata mo sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Charles sa kanya ngayon. Agad naman siyang tumayo sa kinauupuan niya saka siya nag-walk out. Ang mga mata ng audience ay napunta lahat sa kanya. Pati ako napatingin rin sa pag wawalk-out niya.

"It's okay Xia." Napatingin naman ako kay Charles."Hayaan mo na siya. Pasok ka naman sa audition. May pagka-brat lang talaga 'yan si Trixie." Dagdag pa niya. Napatango nalang ako sa sinabi niya.

Sa isip-isip ko mukhang mapapasubo yata ako dahil may kasama ako sa Teatro club na brat. And I hate brats. Bratz nga lang na doll kinaaayawan ko na dati eh, ang taong brats pa kaya sa totoong buhay hindi ko kaaayawan? Napailing nalang ako sa isip ko. Ayoko nang mag-react sa nangyayari, hindi ko pa naman siya gaanong kakilala kaya mahirap din mag-judge. Magkakaalaman lang kapag nagkasama na kami sa club.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon