Nathalia's POV
"Thalia! gising na!," sigaw ni mama. Haistt ang aga pa! Gusto ko pa matulog. Hindi ako sumagot...naramdaman ko na lang ang pagpasok ni mama at ang paghampas niya sa balikat.
"Thalia! Gumising kana at baka malate ka! Basa ka ng basa ng mga pocket book na yan...," ano ba yan si mama.
" Opo..eto na po..," matamlay na sagot ko...kulang ang tulog ko!
Antok pa akong pumunta sa banyo para maligo. Mabilis akong natapos at magbihis. Bumaba ako para kumain...nakita ko duon sina mama at papa.
"Good morning pa!," bati ko bago humalik sa pisingi ni papa."Good morning din ma!," bati ko naman kay mama.
"Kain na baka malate ka pa."
Mabilis akong kumain kasi baka sermunan na naman ako ni mama kasi ginabi na naman ako ng tulog dahil sa pagbabasa.
Nagpaalam na ako sa kanila gamit ko ang bike na binoli ni papa para sakin. Mabilis akong nakarating sa school, hindi naman ganun kalayuan ang school namin sa bahay.
Dumiretso ako sa room namin. Tahimik akong umupo sa upuan ko...habang wala pa si Ma'am Rosales teacher namin sa math nagbasa muna ako ng pocket book...Maey's prince charming.
Maya-maya dumating na si ma'am. Haistt maagang solvan na naman ito. Minsan hindi ko maintindihan ang dinidiscuss ni ma'am pero minsan naiintindihan ko din.
Natapos ang klase ni ma'am. Natapos din...mahirap pa lang masolusyunan ang problema.
Dumating na ang sunod naming teacher...eto ang paborito ko Science!
"Good morning class!," bati niya.
" What is the relation of the color spectrum and wavelength to our study of the atom?," ito ang ayaw ko dito kay ma'am ehh agad-agad nagtatanong. Buti na lang at paborito ko ang subject niya kung hindi....edi hindi!
"Ms. Qeiro!," tawag sakin ni ma'am. Grabe ako talaga inuna.
" What is the relation of the color spectrum and wavelength to our study of the atom?,," hayy buti na lang nakinig ako.
"Very good."
Ganyan lagi si ma'am nagtatanong muna bago mag discuss kaya dapat makinig ka talaga.
Natapos si ma'am ganun ulit maya-maya dumating na ang sunod na teacher.
Discuss
Discuss
Discuss
DiscussPuro discuss lang sila. Natapos ang pang umagang klase at nag lunch na.
Pagkatapos kong maglunch bumalik na ulit ako sa room at nagbasa wala naman akong gagawin na ngayon ehh.
Hanggang sa dumating na ang teacher namin at nagdiscuss puro discuss lang ginawa ng mga teacher namin at konteng test.
Yan uwian na. Pumunta ako sa parking lot ng school dahil dun ko pinarada ang bike ko. Nagpadyak na lang ako pauwi.
"Ma! andito na po ako!."
Dumiretso ako sa kusina at as usual tinanong na naman ako kung kamusta na daw. Syempre tungkpl yun sa pag aaral ko. Kumiss muna ako sa kanya bago umakyat sa kwarto at magbihis.
Bumaba ako para kumain, pagkababa ko nakaready na ang mga pagkain...
"Kain na anak! Niluto ko yung paborito mong tortang talong...," sabi ni mama, kaya nagmadali akong umupo at tangkang kakain ng pigilan ako ni mama.
"Bakit po?," inis na sabi ko. "Guton na ako mama!," dagdag ko pa.
"Pray muna! Tsaka intayin nating bumaba ang papa mo!," inis na sabi niya.
Maya-maya bumaba na si papa at umupo na sa gitna.
"Okay let's pray....Lord thank for the blessings that you gave us...," panimula ni mama. "And give us more blessings...Amen....okay kain na!
Pagkasabi nun ni mama agad kong nilantakan ang kain. Madami-dami akong nakain ngayon kasi nga favorite ko yung nilutong ulam ni mama.
Pagkatapos kong kumain umakyat na ako sa kwarto ko at nagbasa ng pocket book busog pa kasi ako.
Simula nung nagbasa ako ng mga pocket book at ebook sa cp ko naadik na ako na halos hindi na ako makapag online.
Sa sobrang adik ko nakakatulugan ko na ang magbasa at minsan ginagabi na ako kaya minsan napapagalitan ako ni mama.
Si papa naman ayos lang sa kanya si mama lang talaga ang sermon ng sermon sakin.
Pati nga mga character na lalaki sa mga nababasa ko sa pocket book sinasabi kong mga asawa ko sila.
Ganun ko sila kamahal kahit na hindi nila ako mahal charinggg...syempre mga fictional character sila.Minsan sinasabi ko na sana makita ko sila kahit wala namang pag asa na magkita dahil nga fictional character lang sila.Haisstt sana nga makita ko sila in personal. Kung pwede.
Inantok na ako kaya natulog na ako. Good night mga asawa ko.
-
Maaga akong nagising kasi magrereview pa ako malapit na kasi ang fourth periodical exam. Malapit na kasi ang exam. Diba ang bilis no!
"Okay class our fourth periodical exam is on next week kaya magrevieaw na kayo because this your last and final exam."
Kailangan ko na talagang mag aral kasi last na ito at graduate na kami.
Siguro tigil ko muna pagbabasa ko pagkatapos ng exam.Parang hindi ko kaya...
Authors Note:
Please vote and follow me for more stories.Sorry sa wrong grammar at spelling ganun na din sa typo
YOU ARE READING
Be my Fairytale
RandomNaranasan mo na ba ang palibutan ng mga taong nakita mo lang sa libro? akala mo ba masaya ang mabuhay sa Pantasya. not all stories that starts in once upon a time ENDS in HAPPILY EVER AFTER.