Chapter 4

2 0 0
                                    

Happy Sem. Break to all. Isang linggong pagbabasa..😂😂

Thalia's POV

Wow?!Ang lawak ng Condo nya. May malaking flat screen tv sa may sala, may dalawang sofa, tapos dalawa ang kwarto yung isa kwarto nya tapos yung isa guest room at doon ako ngayon tutulog.

Pinapasok muna ako ni Sean sa magiging kwarto ko at pinaligo muna, magluluto muna daw sya ng makakain namin.

Naalala ko wala nga pala akong damit pamalit.

"Ahmm...Sean pwede bang manghiram ng damit pamalit? Wala kasi akong dala." pagpapaalam ko sa kanya.

"Ah.. dun sa Closet may damit dun maghanap ka na lang," sagot nya habang tutok sa pagluluto. Ang galing nyang magluto. Hehe kyut ng putek!

"Sige...thank you!"

Agad akong pumunta sa kwarto ko at pumunta sa may closet dun at binuksan iyon. Bumungad sakin ang kumpulan ng damit.

Grabe ilan ba ang nagiging bisita nitong lalaki na ito at napakarami ng damit.

May nakita akong isang partner ng pajama at kinuha iyon bago pumasok sa banyo at naligo.

Pagkatapos kong maligo lumabas na ako para kumain. Nakita ko si Sean na mukang katatapos lang magluto.

"Let's eat?" anyaya nya, ngumiti naman ako at lumapit sa mesa at umupo.

"Ano ito?," tanong ko sa kanya hindi ko kasi alam kung anong ulam yun. Ang tanging alam ko lang ay tortang talong, yun lang ang niluluto ng mama ko.

"It's adobong manok, why don't you know that? Yan ang madalas lutuin sa mundo nyo." takang tanong nya. Tortang talong lang kasi ang alam kong ulam.

"Ang totoo kasi...Tortang talong lang ang alam kong ulam dahil laging yun ang iniluluto sakin ni mama. Paborito ko rin yun," tugon ko habang nagsisimula ng kumain.

"Ahh....okay!", tanging sagot nya lang.

Nagsimula na kaming kumain. Hindi kami nag iimikan, seryoso lang sya sa pagkain at ako naman, nakatingin lang ngayon sa kanya.

"Ahmm...pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa history nitong fiction worl? Ang alam ko kasi walang ganitong mundo."

"Ang totoo kasi isang bayan itong fiction world, ngunit may sumumpa dito sa bayan namin."

Sumumpa?Isang bayan? So totoo pala sila?

"Paano?" taka kong tanong, na nakakunot ang noo.

"Ganito kasi yun...nung isang bayan pa ito may dalawang taong nagmamahalan...yung lalaki taga dito at yung babae naman taga mundo nyo. Masaya silang magkasama araw-araw at namamasyal. Isang araw bumili yung babae sa isang mall, pinipilit na sumama nung lalaki pero hindi na muna sya pinasama nung babae dahil konte lang naman bibilhin nya...naghintay na lang yung lalaki sa labas ng mall....pagbalik nung babae nakita nya yung boyfriend nya na may kahalikang iba. Hindi nya na yang panoorin pa kaya umalis sya ng hindi nalalaman nung boyfriend.
Simula noon hindi na sila namamasyal ng magkasama. Mga ilang araw pumunta yung babae dito sinabi nya sa lalaki na isusumpa nya ang bayang ito...dahil sa sobrang galit....isinumpa nya na magiging fictional world na lang ito habang buhay. Kaya yun namumuhay kami ng ganito...

Grabe naman yung babae dahil lang sa nakita nyang may kahalikan yung boyfriend gagawin nya ito?

"Grabe talaga nadamay pa kayong ibang naninirahan dito..."

"Yes." tanging salitang namutawi sa bibig nya. Nakakaawa pala sila. Totoo pala sila dahil lang sa sumpa kaya sila naging fictional character.

"Finish your food and im going to wash the dishes", utos nya.

Binilisan ko ang pagkain para mahugasan na ang mga pinggan. Nagprisinta ako na ako na ang maghugugas pero hindi nya ako hinayaang maghugas.

Pinapasok na nya ako sa kwarto wala akong nagawa kundi ang sundin sya, ayaw kong maging pasaway sa kanya baka kasi palayasin nya ako.

-

Maaga akong nagising lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Aga mo ahh?"

"Ayy putek!"

Be my FairytaleWhere stories live. Discover now