Chapter 1: Happy birthday
Napangiti ako nang marinig ko ang pagtahol ng aso sa labas ng bahay. Hindi 'yung tahol na galit ito kung hindi parang tuwang-tuwa ito sa dumating.
I smiled because of that.
Ipinagpatuloy ko ang pagpi-prito ng tinapa. Well, at least I learn how to fried na at mag-boil din.
Habang ibinabaliktad ko ang isda ay may matikas na braso ang yumakap sa akin mula sa likuran. Napangiti ako lalo nang ilagay niya ang kaniyang baba sa aking balikat.
"Ang bango naman ng niluluto ng asawa ko," he whispered on my ear. His voice was soft and calm.
Napangiti ako at hininaan ang kalan bago humarap sa kaniya. I saw some sweat on his forehead, so I wiped it with the back of my hand.
"Ang aga mo ata ngayon?" pansin ko rito.
May trabaho kasi siya ngayon sa simbahan, under renovation ito at kailangan ng tauhan kaya pumasok si Kai roon, dagdag kita na rin lalo't nag-iipon kami.
Ngumiti ang aking asawa at inipit sa tainga ko ang kaunting buhok na nahulog sa mukha ko. "Maagang natapos ang ginagawa namin sa simbahan kanina at hindi lang iyon," itinaas nito ang dalang plastic kaya napatingin ako roon. "Naka-bali ako ng pera, binili kita ng pasalubong. Happy twenty three birthday baby," malambing niyang wika.
Nawala ang ngiti ko sa aking labi dahil sa sinabi ni Kai. I was so shocked, I never expected a gift since I know we don't have money that much. I didn't know he would remember my birthday since I almost forgot too.
Mukhang nataranta siya dahil sa pangingilid ng luha ko kaya sinapo niya ang aking nagkabilang pisngi.
"May problem ba Dawn? Akala ko pa naman magiging masaya ka kasi binilhan kita ng bagong damit, minsan lang naman ito saka—"
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya mahigpit kong niyakap ang aking asawa. Wala akong pakialam kahit amoy pawis pa siya at galing sa arawan.
"I'm so happy Kai. Hindi ko na nga naalalang birthday ko ngayon. Hindi ko naman kailangan ng bagong damit pero natutuwa ako kasi hindi mo ako nakakalimutan," madamdamin usal ko.
I felt his hand caressing my back, he kissed the tip of my nose.
"I will never forget you. Everything about you has marked my mind already, Dawn. Kalimutan ko na pangalan ko pero hindi ko kakalimutan lahat ng tungkol sa'yo, nunal mo nga sa buong katawan bilang ko," natatawang pagmamayabang niya.
Natawa rin akong pinunasan ang luha ko bago siya kinurot sa tiyan. Kaagad akong napangisi ng makapa ang matigas niyang tiyan. Hmm abs.
"Thank you baby."
Ngumisi naman siya animong may naiisip na kalokohan. "Alam mo naman kung paano ang gusto kong pag-thank you mo." Tinaas-taas pa niya ang kaniyang kilay.
Napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Kahit kailan talaga ay mahalay ang lalaking ito, though alam ko naman sa akin lang siya ganyan.
"Oo na po, sige na maligo ka na. Tatapusin ko lang itong niluluto ko tapos kakain na tayo."
Tumango naman siya. "Sige asawa kong maganda't mabango. Ilalagay ko lang sa hanger 'tong regalo ko sa'yo at maliligo tapos kain na tayo."
Tumango na lang ako.
Mabilis niya akong hinalikan sa labi bago bahagyang kagatin ito.
Napapailing na lang ako ng tumalikod na siya para pumunta sa kwarto namin, maliit lang ang bahay namin. Isang kwarto, isang banyo, maliit na kusina at sala. Saktong-sakto lang sa amin dalawa.
BINABASA MO ANG
Darker of Dawn
General FictionBlood is always thicker than water. Family comes before love. Parents are always right. Dawnirey Faith Del Guerio lives a luxurious life. She couldn't ask for more, but her life turned upside down when her path crossed with a man named Kairon, their...