Malakas ang kalabog ng puso ni Dawn habang mahigpit ang hawak sa bag na dala niya. Pinipilit niyang huwag makagawa ng kahit anong ingay habang nagpapalinga-linga pababa sa hagdanan.I need to get out of this mansion. He's waiting for me.
Malalaki ngunit maingat ang bawat hakbang niya papunta sa pintuan sa likod ng malaking bahay nila. Kaagad siyang sinalubong ng mayordoma na itinuring na rin niyang pangalawang ina.
"Nay koring," she called the old woman.
Kaagad siya nitong hinila sa gilid malapit kung saan naglalaba ang mga katulong. Madilim na ang buong paligid at mga maliliit na ilaw sa pader lamang ang nagbibigay liwanag upang makita nila ang mukha ng isa't isa.
"Sigurado ka na ba rito, iha?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya habang masuyong hinahaplos nito ang kaniyang braso.
She smiled warmly at the old woman.
"Nay, I can't stay in this house. Hindi ko na kaya. All my life, I've been a good daughter alam niyo po iyan. But this time I want to be happy. Happy with my m-man." She stammered, tears rolling down to her face.
Mas humigpit ang hawak ng matanda sa kaniyang braso. Alam na alam nito ang pinagdaanan niya. Ito lang kasi ang pinag-lalabasan niya ng sama ng loob habang ikinukulong siya ng magulang sa bahay.
"Naiintindihan ko iha, pero ang Daddy at Mommy mo siguradong malulungkot ang mga iyon kapag umalis ka," nag-aalangan na usal nito sa kaniya.
Para naman may sumakal sa puso niya dahil doon. Ayaw naman niyang iwan ang magulang pero habang tumatagal siya sa bahay ng magulang ay parang hindi siya makahinga.
She might end up going crazy. Mababaliw siy kakadikta ng mga ito sa kaniya.
"Alam ko pong magiging maayos sila, hindi ko po alam kung matatanggap pa nila ako pagkatapos nito pero nay... I want to be free, to feel love at hindi ko ho magagawa iyon kung pagbabawalan nila akong makita ang lalaking mahal ko, isa pa... narinig ko silang nag-uusap kahapon na talagang papaalisin na nila si Kairon, hindi po ako papayag." Mas humigpit ang hawak niya sa bag.
Hindi na muli nagsalita ang matanda ngunit mahigpit siya nitong niyakap.
"Kapag kailangan mo ako, huwag kayo mahihiya lumapit sa akin," ani ng matanda kaya tipid siyang ngumiti at pinunasan ang luha.
"Opo nay."
"O siya, lumabas ka na. Paniguradong naghihintay na ang nobyo mo sa labas. Mag-iingat kayo Dawn."
Kahit kabado ay tumango siya, hinatid siya ni Nanay Koring sa pintuan sa likod ng bahay nila. She looked around to make sure that no one is following her.
Nang makarating sa pinto ay tipid lang siyang nginitian ng matanda bago ito may inipit na pera sa kaniyang palad.
"N-Nay..."
BINABASA MO ANG
Darker of Dawn
General FictionBlood is always thicker than water. Family comes before love. Parents are always right. Dawnirey Faith Del Guerio lives a luxurious life. She couldn't ask for more, but her life turned upside down when her path crossed with a man named Kairon, their...