Chapter 2: Are you married?
"Fuck baby!"
Mariin akong napapikit at napakapit sa balikat ng aking asawa habang habol ko ang aking hininga. Ramdam na ramdam ko ang bahagyang pagnginig ng katawan ni Kai sa aking ibabaw habang sinisimot ang lahat ng katas niya.
Kusang bumaba ang aking hita na kanina lang ay nakapalupot sa kaniyang baywang.
Bahagya pa akong napa-ungol ng hugutin niya ang kaniyang alaga bago tumabi sa akin. Kaagad niya akong pinaunan sa kaniyang braso at niyakap ng mahigpit sa aking baywang.
Rinig ko rin ang habol niyang hininga bago ako masuyong halikan sa pisngi.
"I love you so much, Dawn."
Nakapikit akong napangiti. "I love you too."
"Sorry, masyado ata kitang napagod, I can't help it baby," aniya at isiniksik ang katawan sa akin.
Dumilat ako at dinungaw siya. "Ayos lang."
"Nasaktan ba kita masyado?" malumay na tanong niya.
Totoo naman, iba ngayon si Kai siguro ay dahil isang linggo rin simula noong huli may nangyari sa amin. Lagi na kasi siyang pagod pag-uwi niya galing sa buong araw na pagtatrabaho.
"Masakit ang binti ko saka 'yung ano ako medyo mahapdi," pag-aamin ko.
Dinala niya ang kamay ko kung nasaan ang singsing ko sa kaniyang labi at masuyo iyong hinahalikan.
"I'm sorry, namiss ko lang ang asawa ko," tumango ako bilang sagot.
Ayos lang naman talaga kasi sa akin. I love it, anyways.
Ilang sandali kaming natahimik, mag-aalas dos na rin ng madaling araw. Paulit-ulit pa rin niyang hinahalikan ang aking kamay kaya naman napatingin ako sa kaniya.
"May problema ba?" I asked him.
"Kilala mo talaga ako noh?" Tumango ako. Alam na alam ko kapag may iniisip siya o may bumabagabag sa kaniya.
Bumuntonghininga siya.
"I'm sorry kung hindi kita nabigyan ng magarbong kasal, sinabi ko sa'yo noon hindi kita papabayaan, na aalagaan kita at papasayahin pero ngayon napapa-isip ako kung masaya ka ba sa akin? Kung mapapasaya pa ba kita sa mga susunod na araw na dadating sa atin? Ni hindi kita mabilhan ng masasarap na pagkain, ni hindi kita madala sa magagandang lugar. Minsan napapa-isip ako, paano kaya kung hindi kita kinuha sa buhay na mayroon ka, sa marangyang buhay. Baka, baka malayo na ang narating mo. I think I'm being selfish." Nangilid ang luha ko dahil sa kaniyang sinabi.
Humarap ako sa kaniya bago ko sinapo ang ang mukha niya.
"Don't think that way, masaya ako sa'yo Kai. Wala akong pinag-sisisihan sa pagsama ko sa'yo. Wala naman ako pakielam sa mga magagarang bagay na maaari kong makuha doon. Aanhin ko iyon kung hindi ko makakasama ang taong mahal ko. Kai, I don't need material things, I want you. Hindi magbabago iyon."
BINABASA MO ANG
Darker of Dawn
Ficção GeralBlood is always thicker than water. Family comes before love. Parents are always right. Dawnirey Faith Del Guerio lives a luxurious life. She couldn't ask for more, but her life turned upside down when her path crossed with a man named Kairon, their...