Prologue
"Oh my god, Pathrick! Kasal yan ng kapatid mo. Why invite me? Hindi niyo naman ako kaano-ano"
Sinenyasan ko ang sous chef na lutuin na ang pasta bago umalis ng kitchen. Ayokong marinig nila na kausap ko lang naman ay ang boss naming lahat.
"Babe, I need you. I want you to be my date later. Kahit sa reception ka na pumunta."
"Hoy! Anong babe?! Sa dami ng babae mo ay talagang ako pa ang gusto mong i-date."
"Sana all madaming babae." He laughed.
Napairap ako sa kanyang sinagot. Simula ng mauso ang "sana all" ay bukambibig na niya iyon. Nakakairita lang dahil halos lahat ng tao sa paligid ko ay sinasabi iyon. Lalo na itong si Pathrick na brokenhearted.
"Tigilan mo nga kaka-sana all! Nandyan naman iyong si Miss Thyme na sekretarya mo. Baka puwedeng siya na lang ang maging kadate mo?"
Napapalatak ito. "Ayoko doon! Patay na patay iyon kay Kuya Zandro! Ayokong mabasted sa pangalawang pagkakataon. Kahit malaki boobs niya ayoko pa rin."
When I started working in his restaurant, Pathrick was very honest that he likes me. He told me he'll court me once I said yes but I rejected him. Kakabreak lang namin ng ex-boyfriend ko noong nagsabi siyang gusto niya akong ligawan. Ni hindi ko maatim na magpaligaw agad lalo na kung galing sa break up dahil hindi naman ako katulad ng ex-boyfriend ko na kayang magmahal agad pagkatapos ng breakup.
Pathrick is a good catch, honestly. Pero mas kailangan kong unahin noon na mahalin muna ang sarili. Hindi ko rin naman siya type kaya hindi ako nanghinayang noong binasted ko siya.
But I love teasing him with his new secretary because I know for a fact that Thyme is drooling over Pathrick's abs. Like O.M.G.
"Mabasted? Edi gusto mo na siya!" Ani ko. "OMG, sis! Akala ko ba hanggang wet dreams mo lang siya? Ikaw ha."
"Ewan ko sa iyo, Seraphine! Sasama ka ba sa akin mamaya o hindi?" Inis nitong tanong. Napikon ata dahil nadulas siya.
"Hindi."
"Alright. I will bring your dress for later. I'll fetch you there in about 30 minutes. See you, babe!"
Wait, what? I told him I don't want to! Geez!
Padabog akong bumalik sa kitchen at binilinan ko ang ibang chef na sila na muna ang bahala dahil may lakad ako kasama si Pathrick. Tumango naman silang lahat kaya umalis na ako sa kitchen.
Nagpalit na ako ng damit sa locker room at nag-antay sa labas ng resto. Nagulat pa ako ng may bumusina sa harapan ko. Nakasimangot ako hanggang sa pagsakay ng kotse.
"O, bakit ka nakasimangot?" He ask.
"Tama ba yang ginagawa mo? Sunduin ba naman ako sa oras ng trabaho!" Sagot ko naman.
"Look, babe. Ako naman ang boss mo kaya okay lang na mawala ka ng isang araw sa restaurant. At isa pa, hahayaan mo ba ang kaibigan mo na taga-sana all sa reception?"
Napalingon ako rito. "At bakit ka naman magiging taga-sana all doon?"
"Lahat ng mga kapatid ko doon ay taken na. May mga jowa. Ako lang ang wala at paniguradong magiging taga-sana all ako doon dahil wala akong kasayaw."
"Luh! E, may Thyme ka naman di ba?"
Sumulyap ito sa akin. "Pwede ba, Sera? Ayoko nga sa babaeng iyon."
"Ows? Talaga? Nakita ko nga na hinalikan mo si Thyme kahapon sa isang resto bar nung nakita mo siyang umiyak habang kumakanta e."
Bigla ay napapreno ito ng malakas at hinarap ako. Tila wala itong pake na nasa gilid kami ng kalsada.