Chapter 7 - Butt
"Sera, wake up. Nandito na tayo sa bahay mo."
Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa pagyugyog ng kung sino sa akin. Tinignan ko kung sino iyon at napagtantong si Jacken Lewis pala ang yumugyog sa balikat ko.
"Nandito na ba tayo?" Tumango ito.
Tinanggal ko ang seatbelt at lumabas na ng kotse. Naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Jacken Lewis.
"Jacken, can I ask you something?" I asked while opening the door.
"Shoot."
"Bakit hindi ka galit na nabuntis mo ako?"
Dumiretso kami sa couch at naupo. Medyo lumayo ako sa kanya dahil naiilang talaga ako.
"Why would I? Remember what I told you before? Magpapakasal tayo kapag nalaman kong buntis ka kaya paanong magagalit ako na buntis ka kung inaasahan ko na iyon?" Sagot ni Jacken.
Natahimik ako. Oo, naaalala ko ang sinabi niyang iyon. Pero hindi. Hindi pwede iyon. Aakitin ko lang naman siya para makapaghiganti at hindi pwedeng magpakasal kami kung totoo ang sinasabi niya.
"So, papakasalan mo ako?" Tanong ko.
"We'll see." Ngumisi ito. "Go to your room and fix your things. Mag-aantay lang ako dito."
Hindi na ako sumagot at umakyat na sa itaas. May pa-we'll see pa ang lalaking iyon hindi na lang sagutin ng oo o hindi. Siguro naisip lang niyang pakasalan ako para hindi maging bastardo ang anak niya sa akin.
Ugh, men!
Bago mag-ayos ng gamit at tinignan ko ang repleksiyon sa salamin. Sa pangit kong ito, paano ko naman aakitin ang isang Jacken Lewis? Sa nabasa ko sa Google ay puro magagandang babae ang nalilink dito. Karamihan pa nga ay modelo at artista. Baka malosyang akong tignan dahil sa pagbubuntis pero sisikapin ko pa rin na akitin ito.
But what if I start my plan with pick-up lines and sweet voice?
Hmm. Pwede.
Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko at inilagay iyon sa aking maleta. Babalikan ko na lang siguro ang ibang damit ko rito na hindi magkakasya sa bagahe. Ayokong matagalan ako sa pag-aayos ng gamit imbes na inaakit na ang lalaking iyon.
Pagkababa ay nakita ko si Jacken na nakamasid lang sa isang picture frame doon. Iyong picture ko noong bata ako. I think I was thirteen years old that time, before I undergo the operation.
"Cute ko 'no?" Biro ko. Seryoso lang itong tumingin sa akin. "Joke lang! Hindi ka na mabiro. Tara na?"
Nauna na itong lumabas habang ako naman ay nilalock ang pintuan. Nakakapagtaka lang kung bakit titig na titig si Jacken sa litratong iyon. Animo'y may naalala ito habang nakatingin sa litrato ko.
Nakakatawang isipin na baka kilala ko naman talaga itong si Jacken pero hindi ko lang siya naalala dahil sa operasyon. Alam ko namang sa palabas lang makikita ang ganon. Because if he really knows me, why would he act like I am a stranger to him?
Iwinaksi ko na lamang ang nasa isip at sumakay sa kotse ni Jacken. He didn't even glanced at me when I went in. It's not that I want a little bit of his attention but nevermind.
We arrived at exactly 6pm in an expensive subdivision in Quezon City. His house is just fifteen minutes away from my home. Ni hindi ako nakatulog sa byahe dahil pipikit palang ako ay may narinig na akong kausap na guard ni Jacken. Maybe the guard is checking whose people are entering the subdivision.
Iginaya ako ni Jacken papasok sa loob. I almost dropped my jaw as I look at the chandelier in the living room. I mean, the whole interior of his house is nothing compared to my home sweet home. Even his garage and front of his house was so elegant and expensive. Wala man akong alam sa mga bagay na ganito pero alam kong mas mahal pa itong mga gamit na nakikita ko kaysa sa buong lupa at bahay ko.