Chapter 3 - The Plan
Dumating ang tanghali at kami na lamang ni Jacken Lewis ang naiwan sa bahay ko. Kani-kanina lang umalis si Innocent at Pathrick pero ni isa sa amin ay walang kumikibo. Pareho naming pinakikiramdaman ang isa't isa.
Hindi ko alam ang dapat sabihin at paano simulan ang menu para bukas.
Napabuntong-hininga ako. At kasabay ng pagbuntong-hininga ko ay siya ding pagbuntong-hininga ng katabi ko. Natawa na lang kami.
Gosh! Bakit ba ang gwapo niya kapag tumatawa?
"So, uhm. What food do you think is the best for tomorrow's meeting?" I asked.
"What do you have in mind?"
"Uhm," Napaisip ako. Wala kasi talaga akong naiisip kanina pa! "Let's start with appetizer. Baked tahong with sweet chili-mayo topping?"
I started writing the food I suggested as I wait for his answers. Itinigil ko ang pagsusulat at napatingin kay Jacken Lewis na nakatingin lang sa akin. Bigla naman itong napaiwas ng tingin na tila nahihiya.
Tumikhim ito. "Baked tahong is good idea but I think it will be better if we try..."
"Pork chicharon!" Magkasabay pa naming sambit. Nagkatinginan kami at napangiti.
"How did you know that I was about to say pork chicharon?" Amused nitong tanong.
Nagkibit-balikat ako. "I have that in mind too. Naisip ko kasi na baka pwede ang pork chicharon dahil paborito ko iyon. Hindi ko naman din alam na pork chicharon ang gusto mo."
Bata palang ako ay sinabi sa akin ni mama na mahilig daw ako sa chicharon. Iyong tipong chicharon sa monggo ay kinakain ko kaagad kapag nakita ko na iyon. Hanggang sa edad kong ito ay mahilig pa rin ako sa chicharon. Ni hindi ko na nga maisip na hindi ako makakakain ng chicharon ng isang beses sa isang linggo.
I will die for pork chicharon!
"I see."
"Ikaw? Bakit pork chicharon ang naisip mo?"
"Pork chicharon is my go to food. Hindi ko alam kung bakit mahilig ako sa tsokolate pero chicharon pa rin ang hinahanap ko palagi. Paborito mo rin ba ang chicharon?" He asked.
"Oo naman! Kahit na anong luto na may chicharon ay nasisiyahan talaga ako. Ang sarap kasi talaga!" Ani ko sa masayang tinig.
Binalik ko rin ang mata ko sa papel dahil bigla itong natawa. Hindi ko alam kung natatawa ito dahil sa parang batang boses ko o dahil sadyang nakakatawa lang talaga ang mukha ko?
"So, it's settled? Pork chicharon for appetizer?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa papel.
Ilang saglit pa ay hindi ko narinig itong sumagot bagkus ay tumayo ang balahibo ko dahil bumulong ito sa aking tainga.
"If that's what you want, I'll go for it."
Lumayo naman agad ito bago ko pa siya mapalayo. Thank God!
Pakiramdam ko tuloy ay pulang-pula ang mga pisngi ko. Bulong lang naman iyon pero parang kinikilig na ako.
Pinilit kong iwaksi ang mga imahinasyong nabubuo sa utak ko at nagpatuloy sa pagtatanong kung ano ang mga suggestion niya.
"If grilled steak tortilla salad for the main course, what is for the dessert?"
"You."
Napakurap ako ng ilang beses at hindi agad nakagalaw. Ayokong balikan ang nangyari sa pagitan namin kagabi pero dahil sa isang salita ay bumalik sa alaala ko ang mga hindi ko na dapat alalahaning pangyayari.