Simula
"Hoy ate! alas sais na ba't hindi ka pa rin bumabangon jan?!" Napabalikwas ako sa malakas na sigaw ng kapatid kong si Fritzie.
K'it kailan apaka ingay ng bunganga ng isang 'to.
Wala sa sarili akong napatayo at nag inat ng katawan ng maalala kong ngayon pala ako mag aapply doon sa kompanyang nakita ko kahapon.
Nakita ko kasing naghahanap sila ng kasambahay, at dahil wala akong trabaho e 'yon na lang ang papasukin ko.
Kailangang-kailangan ko din ng trabaho dahil sa ako na ang tumatayong ina ng mga kapatid ko. Iniwan na kami ni nanay simula nung maghiwalay sila ni tatay at sumama sa ibang babae.
Agad akong lumabas ng kwarto ng marinig kong sumisigaw na naman si Fritzie. Agad akong dumiretso sa kusina ng marinig ko ang tili dun.
" Hindi pa nga ako nakapag almusal pero parang busog na ata ako, may six pack ang fafa, yummy." rinig kong sabi ni Don, baklang kapitbahay namin na andito na naman para maki almusal.
"Nakakalaglag panty, sheyt rawr!" sabat naman nitong kapatid ko.
"Hoy anong nakakalaglag panty ka jan.. Fritzie Vyl? grade 7 ka pa lang, hindi ka pa marunong maglaba ng panty mo, manahimik ka jan!" inis na Sabi ko at napatingin naman sila sa akin.
"Ay jusko tignan mo ito te! dali...tiyak na mabubusog ka agad." sabi ni Don at agad na pinakita sa akin ang litrato ng lalaki.
Napatingin naman ako sa litratong 'yon. Hindi naman kagwapohan, maganda lang katawan pero hindi talaga kagwapohan.
"Naku! tigilan niyo 'yan,sinasabi ko sa inyu, mapanakit ang mga gwapo."
"Naku e bitter ka lang dai kasi iniwan ka." sabi niya at napahagalpak naman ng tawa si Fritz and even my little brother's laughing at me.
Tignan mo naman at pinaalala pa.
"Gusto mo bang hindi na sikatan ng araw." tinaasan ko siya ng kilay.
"Ito naman, nag jokening lang. E hala pagsilbihan ang reyna." Napanguso naman ako sa sinabi niya.
Pawis na pawis na ako habang nakapila dito sa harap ng building, 'di ko akalaing ganito karami mag aapply. Mabuti na lang at napaaga ako ng punta kundi aabutin ako hanggang bukas.
Nang ako na ang susunod ay agad akong pumasok sa loob at bumati sa kanila.
"Good morning po.. uhm... Ako nga pala si Franchescka Villaflor Delgado po...uhm mag aapply bilang katulong" all smile na sabi ko.
Pero wala naman akong narinig sa kanila, nakatitig lang sila sa katawan ko na animo'y sinusuri ako. At dahil dun ay napatingin ako sa sarili ko ng mapansing basang-basa pala ng pawis ang t-shirt na suot ko kaya kitang-kita ang underwear na suot ko.
Agad ko namang natakpan ang sarili ko at bumaling sa kaharap Kong lalaki ng marinig ko itong tumikhim.
"Tanggap ka na." sabi niya ngumiti sa akin.
"Po? Salamat po" nakangiting sabi ko.
Tumango naman ito.
" Ang dali lang pala, tanggap agad." I murmured.
"Mukha ka kasing kasambahay miss. The job suits you." sabi nung babaeng naka business attire na mukhang narinig ang sinabi ko.
Ah talaga miss? Walang nagtanong!
Ilang oras na akong nag aantay, ngunit Hindi pa rin dumarating yung sinasabi nilang magiging boss ko daw. Hindi ko naman akalaing aabutin ako ng isang oras kakaintay.
BINABASA MO ANG
MY PERVERT BOSS
FanfictionMy Pervert Boss Franchescka promised to herself, not to fall in love again with any other man. Ipinangako din niya sa kaniyang sarili na sa mga kapatid lamang niya itutuon ang kaniyang pansin. Not until she met Calvin Brynne Torrevillas. Is she read...