"Who did this?! WHO DID THIS?!!" halos mahihimatay na si Mrs. Cantulan sa nakita niyang classroom.
Basag na mga bintana, mga upuang kung hindi man sira, ay nagpakalat-kalat kahit saan, ang chalkboard puno ng sulat na walang kwenta. At ang pinaka-nakakatarantado sa lahat, ang mga graffiti in black sa walls ng classroom.
Mukhang ang pangit ng naging resulta ng gang war kagabi ah.
Nakita kong pasipol-sipol lang si Ken sa likod, may nginunguya-nguya na chewing gum, at may pasa sa labi. Pasimpleng gago 'toh.
"Fuentabella! Did you do this?! DID YOU DO THIS?!!" palapit at tinuturo pa ni Mrs. Cantulan si Ken. Eh ang gago, chillax lang. Tipong Ken Fuentabella lang.
"Oh, Ma'am? Ba't ako yung dinuduro niyo? Ha! Di lang ako ang gumawa nito!" sabay 'smirk' ng gago. Aba. Manunumbong ba'to?
"Who else, Fuentabella?! Who else?!" galit na galit na wika ni Mrs. Cantulan.
Mapungay kong tinignan si Ken, tngina, 'wag kang manglaglag!
"Joke lang Ma'am, ako lang mag-isa nito. Saya nga eh, na-bore lang kasi ako kahapon, kayaㅡ"
"PRINCIPAL'S OFFICE, NOW!" sigaw ni Mrs. Cantulan kay Ken. Si Ken naman, ayun, nagpasalamat pa nga, tapos naglakad papuntang Principal's Office, na parang naglalakad papuntang MoA lang. Tngina.
"Hoy! Salamat brad!" at sumabay si Josh, kabarkada at gang member namin. Marami kami, 'wag na kayong magtanong. Mga, 15? Di ako nagbibilang.
"Eh malamang, sino ba namang makakalaglag pag tinutusok naka ng tingin ni Jarod my labs? Hahahahaha tangina lang hahaha" tawa niya at tingin niya sa'kin at sabay kindat pa. Aba'y bumabakla.
"Pakyu pare" sabi ko at hinead-lock ko siya. Wala lang, puro kalokohan lang. 'Yan naman ang silbi ng gang at barkada namin eh. Puro kalokohan lamang. Walang personalan. Ang nangyari sa classroom kagabi? Kami lang nun.
Totoong na-bore nga kami kahapon, kaya nag-isip nalang kami ng magagawa. Magagawa tulad ng mang-giba, manira, atbp. Kaya trip namin kahapon, sirain ang classroom ng pinaka-terror namin na teacher.
Walang problema pag papasok ng school grounds. Kabisado namin ang oras ng pagra-round ng mga guard. Tuwing 6:30PM kasi, kaya tuwing alas-syete kami suma-strike.
Inakyat lang namin ang bakod tapos nagtago at tumakbo, tapos kung ano man ang nangyari sa classroom kanina, yun na ang dugtong ng ginawa namin kahapon.
"Oh, pare, haharap na naman kayo ni Erpats mo! Edi, pangalawang paghaharap niyo na'to ngayong araw? Hahaha tangina, nakaka-sawa pare!" sabay suntok ni Trey sa likod ni Ken. Tumawa lang si Ken at binalewala ang sinabi nito.
Ang erpats ni Ken, eh yung principal, ngunit wala pang may alam kung hindi kami. Ayaw daw kasi ng erpats niya na malaman ng buong STF High para maging patas daw ang lahat ng estudyante. Tsk. Patas patas pa, eh ayaw niya lang talagang malaman ng lahat na may anak siya na basag-ulero. 'Yan din ang dahilan kung bakit kahit napaka-dumi na ng records ni Ken, nakakapasok pa'din siya kahit naiimbyerna na ang mga teachers sa kanya.
Isang dahilan din kung bakit si Ken na lang palagi ang pinapagalitan ng erpats niya, at hindi kami ay dahil ayaw ni Ken na madumihan daw ang records namin. Sabagay, kung aamin kami, mapapatalsik kami kaagad, siya hindi. Utang na nga namin ng loob.
"Oy, mga pre, kitakits muna kami ni erpats sa loob ah, see you na!" at may pakaway-kaway pang nalalaman tong mokong.
Tumawa nalang kami at naupo sa labas ng Principal's Office habang pumasok na siya. Nakakarinig din kami ng sigaw mula sa erpats niya. Pero madalas katahimikan eh.
Matapos ang mga sampung minuto, lumabas na si Ken na may pakamot-kamot pa ng ulo.
"O? 'Nung nangyare?" tanong namin. Ngumisi lang siya bigla at tumawa.
"Wala mga labs, mejo umacting lang ako para kay erpats! Cutting nga muna tayo! Kainip dito eh!" panghihikayat niya, na mabilis din natugunan ng mga 'oo' mula sa barkada. Ayoko nga sana, kaso ayoko namang maiwan, kaya sige nalang.
**
Hi~ Mataas masyado ang Chapter 1? Hehe, patawad~ Pero atleast nakilala niyo ang bida sa kwentong ito at kung paano niya dinadala ang storya. Next chapter, tungkol kay Rayn na naman, sa POV ng kaibigan niya :)Vote, Comment and Be a Fan!
BINABASA MO ANG
My Gangster Friend and his Love
Teen FictionSino ba namang hindi nakakakilala kay Ken Fuentabella? Siya na ata ang pinaka-gagong kaibigan at estudyante sa buong STF High. Kaya nga gangster eh, hobby niya ata ay mang-trip lang ng mang-trip. Walang sinasalto, walang kinakatakutan. Si Ken Fuenta...