Kranith's POV
"Bes, gusto kong mag-cutting." pagpapakyut ng katabi ko habang nagdi-discuss si Ms. Alegra ng Algebra sa harap.
Walangya talaga tong best friend ko, gustong mag-cutting bigla bigla?! Ano, nahawa na ng barkada nina Ken? Ew.
"Hoy Rayn, okay ka lang? Hindi ka ba naka-shabu, walang tulog o ano? Cutting classes? Aba, mukhang di ka ata si Rayn eh." pabiro kong panumbat sa kanya. Eh pa'no ba naman, kahit baliw 'tong kaibigan ko, seryoso 'toh sa pag-aaral, friends. Wala sa isip niya ang pagka-cutting.
"Eh, sige na~ Malapit na kasing matapos ang Senior Year na'tin, diba? YOLO ka nga muna." sabay cat face niya. Meow.
"Tapos ngayong Senior Year ka pa magbubulakbol? Nauntog ba sa pader 'yangㅡ"
"Ms. Kranith, ano ba ang nauntog sa pader, aber?" pananabat ni Ms. Alegre. Shet, wag niyo na nga lang po kaming pansinin! Magturo ka kaya jan, masyado kang feeling close. Badtrip, ako pa talaga ang nakitaaaa!
"U-ugh, yung ano po! Yung bato, i-untog po sa pader, para malaman kung mabibiyak po! P-project namin sa Science?" imbis na pasalaysay kong sabihin ang huling linya ay nagmukha itong tanong. Shet sana maniwala ka, kahit sinungaling lang 'yun!
"Uh-kay. Please be silent, Ms. Kranith, at 'wag kang makipag-usap tungkol sa Science dahil Math tayo ngayon. Now, back to the..." di'ko na siya pinakinggan, Advanced Algebra rin lang naman ang ile-lesson niyan. Aba malamang sa malamang Kranith, Algebra ang ituturo dahil Math teacher, gagi.
Liningon ko si Rayn at halos mahulog na ako sa upuan ko! Shet, akal ko ba tapos na October, ba't may nahuli ng halloween party dito? Shet!
"Rayn! Ano ka ba 'wag mo nang uulitin 'yun!! Baka atakihin ako sa puso! Lechugas ka talaga!" pabulong ko sa kanya. Pa'no ba naman, sino ba namang hindi magugulat kung paglingon mo, ang laki ng ngiting nakakagago ni Rayn, yung 'monkey' style niya pag ngumingiti, shet, akala ko kaharap ko si Kamatayan.
Umayos ako ng upo at tinignan siy ng masama. Nginitian niya lang ako at ini-slide ang notebook ko sa table niya. Nagsulat siya at ini-slide ulit sa'kin.
Hoy, cutting nga tayo! Pagkatapos ng subject na'to, Art na diba? Eh peyborit subject ko 'yun, kaya't favorite rin akong ibagsak ng teacher na'tin, leche. Sige na Kran, pleaaaase! Sa bubble tea resto tayo, promise!
I stiffled a laugh at nagsulat din ng reply at ini-slide sa kanya.
Basta ba't libre mo?
She mouthed at me. 'Yan kasi ang isinulat ko sa kanya. Eh alam kong 'di 'yan papayag kasi kuripot 'yan eh.
Mabilisan siyang nagsulat at ini-slide ulit sa'kin.
Okay, fine! Basta ba, cutting nga tayo?
Nagdraw ako ng thumbs-up sign at ipinasa ulit sa kanya. Nakita kong ngumiti siya at tinignan ako gamit ang eye smile niya. Sus, kung di ko lang talaga mahal 'tong bespren ko!
I mean, not love in a romantic way, i'm not a lesbie >:(
Riiiiiiiiing!!!
"Bes, halika na!" tayo agad ni Rayn at hinila ako palabas. After every subject, may 10 minutes talaga kaming break. 10 minutes para makalabas dito.
Tumayo ako agad at kinuha ang mga bag namin at agad kaming lumabas ng classroom.
"Kranith, Rayn? Sa'n kayo?" isang klasmeyt namin. Shet, anong sasabihin namiiiin?
"Uhh, girl problems, Jed! Alam mo, monthly..." palusot ni Rayn, at agad ko namang tinabunan ang skirt ni Rayn sa likod para ma-support ko ang palusot niya. Nag 'okay' lang si Jed at tumakbo na kami papalayo.
**
Isang building na lang ang kailangan naming lagpasan, makakalabas na kami sa Gate 7, ang gate na walang guards.
It's been 5 minutes, simula nung lumayo kami sa classroom. Ang hirap kasing sikutin ang buong campus, ke layo-layo pa naman ng Gate 7.
Biglang tumigil si Rayn sa harap ko, kaya nauntog ako sa ulo niya.
"Aray! Shet, Rayn! Bilis nga!" sabi ko sa kanya.
Nag-'ssh' sign siya at hinila ako sa isang taguanan na wall lang ang nakakatabon sa'min. Ang geleng kesi.
May narinig akong hiyawan ng mga lalake sa malayo, kaya pala napatigil si Rayn.
Tsaka, kilala ko 'rin din naman ang barkada na mga lalakeng 'yan.
"Bes, sina Ken!" pabulong na sabi ni Rayn sa'kin. Binelatan ko siya at nagsalita sa normal kong tono.
"Oh, tapos? Eh pareho rin lang naman tayo ng layunin, ang mag-cut, diba?" sabi ko at naglakad palabas sa tinataguan namin at pagkalabas ng pagkalabas ko,
Saktong harap sa barkada ni Ken.
"K-Krani?" Tawag ng isang lalake mula sa barkada nila. Shet, kabisado ko talaga ang boses niya, hanggang ngayon pa'rin.
Ugh, Kranith! Akala ko ba naka-move on ka na?! Be brave!
Huminga ako ng malalim at hinarap siya.
"Krani? Haha, close pala tayo, Jarod?" Pairita kong sabi sa kanya. Tinitigan ko siya at tinitigan din niya ako.
"Hoy, so ano, pass the message ang laro? Di ako na-inform edi sana nakalaro ako, ha Jarod at Kranith?" Sabi ni Ken. Napansin niya siguro ang namumuong katahimikan sa pagitan na'min.
Agad naman akong napatingin sa ibang diteksyon.
"Eh, san ba punta mo? Limang minuto na ang lumipas simula nung mag-bell ah." Sabi ni Keith, barkada ni Ken.
"Cutting." Pasimple kong sagot sa kanya, pero ramdam na ramdam kong tinitignan ako ni Jarod.
"Umitim ata ang buhok ni Lola." Pangu-gudtaym ni Ken.
"Di lang ako mag-isa kasama ko rin naman si," sabay hatak ko sa babaeng kanina pa nakatago. "Rayn." Patapos ko.
"Ah, umitim na nga talaga ang buhok ni Lola... by the way, sa'n kayo pupunta?" Tanong ni Ken. Si Rayna naman, kulang nalang ay tumago sa likod ko. OA masyado.
"Sa Naichi Tea lang, jan sa kanto. Kayo?" Tugon ko sa kanila. Nagtiningam din sila, na para bangㅡ
"Dun din kami eh. Sabay nalang tayong lahat?" Sabi ni Jarod.
BINABASA MO ANG
My Gangster Friend and his Love
Teen FictionSino ba namang hindi nakakakilala kay Ken Fuentabella? Siya na ata ang pinaka-gagong kaibigan at estudyante sa buong STF High. Kaya nga gangster eh, hobby niya ata ay mang-trip lang ng mang-trip. Walang sinasalto, walang kinakatakutan. Si Ken Fuenta...