Jarod's POV
Di'ko talaga alam na makakasama ko pala si Kranith papuntang Naichi. Tngina lang talaga, ayokong bumalik ang dati, nakakapagod nang balikan.
Habang maingay ang barkada habang papuntang Gate 7, nasa hulihan lang ako, pinagmamasdan si Kranith. Grabe, isang taon na pala ang lumipas simula ng break-up namin, pero bakit ang hapdi pa'rin pag nakikita ko siya?
Flashback
"Kraniii~" pangungulit ko sa kanya. Tulog kasi, nasa ilalim ng puno. Nininerbyos na talaga ako, ngayon ko na kasi sasabihin sa kanya...
Nakita kong bumukas ang isang mata niya at ngumiti siya sa'kin. Agad siyang nag-unat at umupo, kasabay nang pag-upo ko sa tabi niya.
"Oh, Jad-Jad, anong meron? Lakas ng trip mong manggising ng tulog ah!" Tugon niya at tumawa. Putragis, mami-miss ko ang tawa neto.
"Kranith..." panimula ko, napatingin ako sa ibang direksyon, di ko siya kayang tignan sa mata habang nakaka-guilty ang sasabihin ko.
"Seryoso mo naman, Jad-Jad! Hahaha, sooo what's the catch?" Patawa niyang sagot sa'kin. Takte, wag kang masyadong maging masaya, masasaktan ka lang sa sasabihin ko.
"A-ano... sana patawarin mo'ko, Krani..." panimula ko. Kung hindi lang ako tumungo, makikita niya talaga na umiiyak ako. Ambakla, pucha.
"Ano? Kung nakabasag ka ng pinggan o naka-clog ng bowl, okay lang!" Sambit ni Kranith sabay tawa ng malakas. Shit, nakaka-guilty ang gagawin ko. Naging espesyal na siya sa'kin, kaya't ang hirap bumitaw. Pero kailangan eh.
"Kranith... tigilan na na'tin toh." Tungo kong sabi sa kanya. Pagkalabas ng pagkalabas ng mga salita na iyon, grabe ko nang minura ang sarili ko. Tngina siya ang tipo ng babae na di ginaganito!
"H-ha? Hahaha, a-ang ano? Ang pag-uusap na'tin? S-sige, tatahimik na ako. Hahahaha." Kahit pa tumatawa siya, ramdan na ramdam kong pilit ito.
"No Kranith, I know you know what I meant." Sabi ko sa kanya.
Silence.
Alam kong nag-iisip siya, sa tagal pa naman ng 2 month relationship namin ay kabisado ko na siya. Gago ako, alam ko. Pero sabi kasi ng barkada na makipag-break daw ako, dahil daw mananalo din naman ako sa pustahan. Tngina ang gago ko pa'rin.
"Bakit?" Iyon lang ang narinig ko sa kanya.
Isang tanong ang sinabi niya, ngunit alam kong gusto niya ng maraming rason.
"Wala sa'yo ang problema, Kranith. Na sa'kin. Di kita mahal, di kita minahal." Pucha ang hapdi ng sinabi ko.
Again, silence. Mga singhot lang ni Krani ang naririnig ko. Ayokong paiyakin ang babaeng gusto ko, pero napaiyak ko siya. Pucha talaga.
"Sino siya?" Tanong niya sa'kin. Alam kong nagtatanong siya kung sino ang ibang gusto ko.
Ikaw lang, Kranith.
Natagalan akong sumagot, di'ko alam kung kaninong pangalan ang ibabanggit ko. Napatingin ako sa bahagi sa kaliwa ko. Nakakita ako ng kakilala ko, kaya't agad kong binanggit ang pangalan niya.
"Si... Korrinne." Ang sakit palang magsinungaling sa mahal mo.
"Fuentabella? ... Great choice." Napa-angat ako sa sinabi niya, at nakita ko siyang ngumiti ng pilit, habang ang luha ay tumutulo mula sa mga mata niya.
Gusto kong pahiran ang mga ito at yakapin siya ng mahigpit. Pero dahil gago ako, di'ko ginawa.
"Haha, mauuna na ako, Jarod ah? Nagtext kasi si Rayn eh, library daw kami eh." Sabi niya at dinampot ang bag niya at naglakad papalayo, habang pinapahiran ang mga luha niya. Tumayo ako pumunta sa parking area, kung saan walang masyadong tao, at tinawagan si Ken.
Calling 'Kad Ken
"Hello pare?" Sagot niya pagkatapos ng tatlong rings.
"Tapos ko na pare..."
"Oh, edi mabuti! Hahaha para namang minahal mo 'yun!" Sabay halakhak niya sa kabilang linya.
Minahal ko eh. Mahal ko.
"Oo nga." Mahina-hinayang kong sagot.
"Sige pare, kitakits tayo sa bahay ni Lester mamayang 4 ah, jamming daw."
"Sige pare." Sabi ko at binaba ang linya.
Pagka-baba ng pagka-baba ng phone ko mula sa tenga ko, sabay naman ang pagbagsak ng luha ko.
Pucha, akala ko bakla lang umiiyak. Pero pag seryoso ka pala, umiiyak ka'rin. Regardless of gender.
End of Flashback
"Hoy! Jarod parekoy! Ano daw 'ng order mo!" Sigaw sa'kin ni JC. Di'ko namalayang naka-abot na pala kami sa Naichi. Kaka-flashbacl pa kasi.
"Ugh, kayo? Ano sainyo? Yun na'rin ang sa'kin." Tugon ko sa kanila at tinignan si Kranith, iisang table lang kasi ang kinuha na'min. Nakikipag-usap siya sa barkada, at ang ganda niya. Inlab ata, 'blooming' eh.
"Alam mo, Jaredoy, kanina ka pa tulala ah? Eh kanina malapit ka na naming maiwanan sa gitna ng kalsada ah! Ano bang problema?" Tanong ni Les sa'kin. Pagkasabi niya nu'n ay nakatingin ang barkada sa'kin, pati si Rayn at Krani.
"Ah, wala pare. Iniisip ko lang ang mga utang ko." Pabiro kong sabi. Eh sa sasabihin ko bang si Kranith ang iisipin ko edi weirdo.
Agad namang naglayab sa hiyaw ang table namin. Ha ha ha.
Tinignan ko na naman si Kranith. Grabe,
Ang ganda niya pa'rin. Nandiyan pa'rin ang ngiti niya. Ang sarap pa'ring pakinggan ng tawa niya, tsaka ng boses niya.
Pag nakikita ko siya, naiisip ko talaga kung gaano ako naging gago.
BINABASA MO ANG
My Gangster Friend and his Love
Roman pour AdolescentsSino ba namang hindi nakakakilala kay Ken Fuentabella? Siya na ata ang pinaka-gagong kaibigan at estudyante sa buong STF High. Kaya nga gangster eh, hobby niya ata ay mang-trip lang ng mang-trip. Walang sinasalto, walang kinakatakutan. Si Ken Fuenta...