Hating Gabi
Hating gabi noong ako'y iyong tinawagan
Sabi mo gusto mo ko makasama
At agad kitang pinuntahan
Kahit hindi ganoon ka ganda ang aking nararamdamanNg magkita tayo
Nakita ko ang mga mata mo
Ito ay binabalot ng kalungkutan
Pero pilit mo iniinda ang iyong nararamdamanNaglakad lakad tayo at nilibang ang mga sarili
Pinagtatawanan ang mga maliliit na bagay
Ngiti't saya gumuguhit sa ating mga labi
Para bang hindi na tayo na sanayHuminto tayo sa paglalakad
At biglang sumeryoso ang usapan
Luhang matagal nang pinipigilan
At ang hinanakit na nararamdamanMga ilaw nanaggagaling sa malaking gusali
Ingay na maririnig sa hindi kalayuan
Mga taong hindi pa nagsisiuwian
Ngunit ang boses mo pa din ang nananatiliBago pa matapos ang gabi
Sabi mo sa akin
Salamat kaibigan at hindi mo ako iniwan
Sapagkat nariyan ka palagi sa aking tabi