TEN

321 18 2
                                    

Sky's POV:

Right now, nothing matters to me aside from Lucas.

Masaya kami..

At wala na kaming pakialam sa mundo..

"Miel.. Wait lang.. Nawiwiwi na talaga ako.." Paalam ko.

"Ah hindi! Dito ka lang.. Pigilan mo!" Sagot niya.

Natawa ako.

"Please.. Sige na.. CR lang ako.. Balik ako kaagad.." Sagot ko.

"Tsssk! Mamimiss kita eh.." Sagot niya.

"Miel naman.. Parang 3 minutes lang naman.." Sagot ko.

"Ehhhh! 'Wag na.. Kalimutan mo na 'yang wiwi mo.." Sagot niya.

"Sige ka.. Pag ako nagkasakit sa bato.. hindi na kita mabibigyan ng anak.." Sagot ko.

Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Ganun ba 'yon?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Oo! Sabi ng mga kaibigan kong doktor kapag nagkasakit daw sa bato pwede daw mabaog ang isang babae.." Sagot ko.

Kumunot ang noo niya at agad na kinuha ang cellphone niya.

"What are you doing?" Tanong ko.

"Tatawagan ko ang family doctor namin para i-confirm.." Sagot niya.

Natawa ako ng sobrang lakas.

"Aray ko.. Sakit ng tiyan ko!" Sagot ko habang tawang-tawa.

"Bakit ka natatawa?" Tanong niya.

"Eh kasi.. kasi.. naniwala ka eh.." Sagot ko habang tawang-tawa pa rin.

Pinangliitan niya ako ng mata.

"Ikaw talaga Skylar!" Sagot niya.

Ngumisi ako.

"Sige na.. CR ka na.. At balik ka kaagad ha? 'Wag makikipagusap sa hindi kilala.. Uwi ka kaagad sa akin.." Sagot niya.

Tumango ako.

"Copy that Sir.." Sagot ko then headed straight to the restroom.

-------------------------------------

Lucas' POV:

Nang umalis si Sky para mag CR, I decided to check my phone.

Pang palipas oras..

Wala pang isang minuto simula ng umalis si Sky pero may isang babae nang lumapis sa akin.

"Hey there.." Tawag niya mula sa likod ko.

Boses palang kilalang-kilala ko na kung sino siya.

It's Gwen!

Hindi ko siya pinansin dahil ayoko ng gulo.

"Lucas.." Tawag ulit niya.

This time niyakap na niya ako mula sa likod.

"What do you want?!" Inis kong tanong sa kanya sabay tanggal ng kamay niyang napulupot sa bewang ko.

"Na miss lang kita.. Masama ba?" Tanong niya.

"Hindi mo pa ba nababalitaan?" Tanong ko.

"Ang alin?" Tanong niya.

"Kinasal na ako.." Sagot ko.

Natawa siya.

"Oh.. You mean may bago kang flavor of the month?" Tanong niya.

THIRTY DAYS WITH YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon