TWENTY ONE

268 14 1
                                    

Sky's POV: 

Ilang araw na rin simula ng lumabas ako sa ospital. And the moment that I was discharged, ang problema na kaagad ng pamilya ako ang inasikaso ko. 

"What?! Binawi ni Katie ang statement niya?!" Gulat kong tanong sa abogado namin. 

Tumango siya.

"Yes Miss Sky.. Ang masama pa nun sinabi niya na kaya niya lang daw inako ang kasalanan dahil binayaran siya ng mga magulang mo.." Sagot niya. 

THAT BITCH! 

"Where is she?! I want to see her.. Gusto ko siyang kausapin.." Sagot ko. 

"Pwede po nating subukan.. Pero.. Hindi ko po maipapangako na haharapin niya kayo.. Sinubukan na rin siyang kausapin ni Mr. Cheng at hindi po siya hinarap ni Katie.." Sagot ng abogado namin. 

Tumango ako. 

"I'll try my chances.." Sagot ko. 

**** 

I went to see Katie and surprisingly hinarap niya ako. 

"What do you want from me?" Tanong niya. 

"Bakit mo binawi ang statement mo?" Tanong ko. 

She smirked. 

"So anong gusto mo? Ako lang ang babagsak?" Tanong niya. 

"Malamang.. Ikaw naman kasi talaga ang may kasalanan eh.." Sagot ko. 

Tinaasana niya ako ng kilay. 

"Hindi ako tanga.. Hindi kita bibigyan ng sagot na gusto mo.. Alam kong maraming nakikinig sa usapan natin.. Hindi kasing tanga ng pamilya mo.." Sagot niya. 

I'm going to kill this bitch! 

"Alam mo ba ang sakit na binibigay mo kay Kuya? Alam mo bang sobrang nahihirapan siya ngayon? Siya ang sinisisi ni Mom at Dad.. Tapos nasasaktan pa siya ng sobra ngayon because you betrayed him. You're the love of his life.." Sagot ko. 

Biglang lumambot ang kaninang galit niyang mga mata.

"Then.. tell him that I am sorry.." Sagot niya. 

"Sorry? We're loosing Olivarez Shipping Katie! Ang dami pa naming utang na kailangang bayaran.. At alam mo bang ilang daang tao na ang nawawalan ng trabaho ng dahil sa ginawa mo?" Tanong ko. 

Umiwas siya ng tingin. 

"Alam mo.. tama na! Pagod na akong makinig sa mga paawa mo.. Nangyari na ang nangyari.. Tignan nalang nating ang mga susunod pang mangyayari.." Sagot niya. 

I was not able to answer dahil pagkatapos niyang magsalita ay agad na siyang umalis. 

----------------------------

Lucas' POV: 

Pag uwi ko galing opisina ay isang matamlay na Sky na ang sumalubong sa akin. 

"Miel.. What's wrong?" Tanong ko. 

She looked at me. 

"Parang wala na yatang pag-asang makalaya pa ang pamilya ko.." Sagot niya. 

"No! Don't say that.. Hindi natin hahayaang makulong sila.. Gagawa ako ng paraan.." Sagot ko. 

"Anong paraan Lucas? Ilang beses mo ng sinabi sa akin 'yan.. Pero hanggang ngayon naka detain pa rin sila.." Sagot ko. 

WOW! 

That was insulting.. 

But she didn't mean it.. 

THIRTY DAYS WITH YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon