Kabanata 3

11 2 0
                                    

  

Napatalon ako sa gulat nang kumatok si kuya Jez sa pinto ng kwarto ko.

Ano ba yan! Hindi pa ako tapos eh! 

Nakakainis kasi hindi ako makapili ng susuotin. Eh kung kami lang naman ni mama ang aalis, eh ang dali dali kong makapagbihis.

Pinal na inayos ko ang sarili ko para makalabas na.

Isang High-waisted jeans at halter top ang napili kong suotin ngayon.

"Hoy Lie ! . Nandito na si Rhyle, may usapan daw kayo. Bilisan mo! Wag mo na paghintayin ang tao! 

Grabe siya ! Parang masisira yata ang pinto ko dahil sa hampas niya. Oo hindi yun katok, hampas na yun. !

"Oo na. Tapos na! " sumigaw din ako.

Paglabas ko ay kinakabahan ako. Ano ba Elienora?! Si Rhyle lang naman yan. Ba't ka ba kakabahan? Naku! 

Pababa pa lang ako ng hagdan ay saakin na agad tumama ang mga mata ni Rhyle. Natigil tuloy sila sa pag-uusap ni kuya.

Ba't ganyan siya makatingin? May hindi ba maayos sa suot ko? Hindi ba bagay? Anooo??!!

"Tara na Lie. ! Ayos ka na ba? " Salubong niya saakin sabay lapit.

Naku po! Parang tambol na nagwawala ang puso ko dahil sa kaba.

"A-Ahh oo ayos na ako. A-ano? Tara na?" Pinilit kong ngumiti para maibsan ang kabang nararamdaman sa presensya ng mokong na 'to. Pero hindi ko talaga mapigilan. Letche!

Nakapagpaalam na kami kay kuya. Si mama ay kanina pa umalis kaya wala siya ngayon. 

Nang nakaabot na kami sa garahe ng aming bahay ay pinag-buksan na niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan. Pumasok na ako at lumibot siya sa harap upang magtungo sa Driver's seat.

"Ang ganda mo Lie" Bati niya.

"Salamat Rhyle"

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Pwede bang tama na? Kanina ka pa ah. 

Hindi ko talaga maintidihan kung bakit niya ako magawang ganto.

Dinala niya ako sa isang kilalang parke dito. Maraming tao ngayon. Karamihan ay mga bata na kasama ang kani-kanilang pamilya at ... magkasintahan. Napatunganga ako nang napagtantong isa kami roon. 

Nilubot ko ang paningin ko sa kabuuan ng parkeng ito. Napatingala rin ako sa mga rides. Iniisip ko pa lang na sasakay ako roon ay nangangatog na ang mga tuhod ko. >_<

Pero sa ideyang nariyan si Rhyle ay gusto ko ng sumakay.

Nagulat ako ng umakbay sa akin ang braso ni Rhyle. Nilingon ko siya na ngayon ay nakitangala narin sa mga rides.

"Subukan natin ang mga iyan. Gusto mo?" Ngumisi siya sa akin at bahagyang nagtaas ng kilay.

Oh? Ang bilis naman magbago ng mood ng isang 'to? Kung kanina lang ay parang seryoso pa siya, ah.

"Hmm, sige ba. Hindi ba tayo mahuhulog jan o ano?" Sabi ko. Ano ba eh naninigurado lang.

"Huwag ka mag-alala Lie. Nandito naman ako. "
Ngumisi ulit siya. My heart skipped a bit because of his smile. Ewan ko pero may kung ano talaga sa ngiti niya.

Bago pa ako makapagsalita ay hinawakan niya na ang kamay ko at hinala na para makabili kami ng ticket.

Napatingin ako sa magka-hawak naming kamay. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagngiti ko. Baka kung ano pa ang sasabihin niya.  Ano? Kinikilig ba ako?! HALA!

"Lie, nakikinig ka ba?" Parang nabalik ako sa katawang lupa ko nang malingon niya ako.

Nakita kong sumulyap din siya sa magkahawak naming kamay at nakita ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi.

Nagulat ako nang bitawan niya ang kamay ko at nauna na siyang maglakad sa akin papunta sa pila ng caterpillar ride.

Natawa ako sa kanyang inasta. Hmm, ano ka ngayon Rhyle?

Tinakbo ko ang distansya namin at agad pinagsiklop ang aming mga kamay. Nakita kong natigilan siya. Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti.

"Boyfriend naman kita kaya okay lang siguro kung hawakan ko ang kamay mo, diba?" Halos hindi ko marinig ang sarili sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko!

Nilingon niya ako at ngumisi. "Boyfriend mo'ko. Girlfriend kita." Tumango-tango siya. Tila kinokompirma ito sa kanyang sarili.

Nang kami na ang sasakay sa ride ay parang gusto ko nalang mag-back out. Feeling ko kasi mahuhulog kami o ano!

"Ano? Takot kana ngayon?" Natatawa niyang sabi habang kinakabit ang mga safety belts sa amin.

Inirapan ko na lamang siya at nag-concentrate para ma-relax. Naramdaman kong bahagya niyang pinisil ang aking kamay na nakahawak sakanya.

"H'wag kang matakot. Andito naman ako. Hinding-hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa iyo." Titig na titig siya saking mga mata habang sinasabi niya iyon. Ako naman ay halos matunaw na sa kinauupuan ko!

Hay nako, Rhyle!

Tumango na lamang ako at kahit hindi pa nagsisimula ay nagtitili na. Panay naman ang tawa niya sa akin. Lalo na noong umikot-ikot na talaga ang caterpillar. Sumisigaw ako, napapakapit naman ako sakanya, samantalang siya ay parang aliw na aliw sa mga nangyayari.

Nang sumigaw ako dahil sa excitement at takot na rin ay nakisabay siya sa sigaw ko.

"Whoooo!!!!" Binging-bingi na ako sa mga tili at sigaw pero sakanya lamang natuon ang pansin ko. Kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata at ngiti niya ngayon. Sana ganitong Rhyle nalang palagi ang nakakasama ko araw-araw...

"Laptrip talaga mukha mo kanina, eh! Sabog na sabog pa buhok mo!" Halakhak niya. Tinampal ko nga ang braso. Maka-asar eh no?

"Tigil-tigilan mo'ko, ah! Kasalanan mo 'to eh," sabi ko habang inaayos ang buhok ko.

Kinurot niya ang pisngi ko at tumawa. "Ang cute-cute naman ng girlfriend ko." Aniya.

Natigil ako at natulala sa harapan niya. Girlfriend. Girlfriend niya ako. Bakit parang...gusto ko marinig ulit iyon?

"Hmm, try pa tayo. 'Yung vikings naman!" Sabi niya.

"Ano? Gusto mo ba akong mawalan ng boses kakasigaw? At nakakatakot kaya 'yan!" Protesta ko.

Ngunit agad niya pinulupot ang kanyang braso sa aking baywang kaya wala akong nagawa kundi ang magpatianod sakanya.

Sobrang saya ang naramdaman ko nang matapos namin halos ang lahat ng rides. Bonus na iyong hindi ako nasuka!

G U N I T ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon