Kabanata 4

12 2 0
                                    


Enjoy na enjoy ko iyon lalo pa't kasama ko si Rhyle. Ngayong araw ko nakilala ang isa pang side ng Rhyle na ito.

Maalaga siya. Gentleman. Sweet. Hindi ko maiwasang hindi mapuna ang paglalahad niya lage ng kamay sa akin pag aakyat o bababa na ako sa rides. Palagi niya ring sinisiguro na nandyan siya at hindi niya ako pababayaan kapag natatakot ako. Buong ride ay hawak-hawak ko ang kamay niya. At oo, nararamdaman kong ligtas nga ako sa piling niya.

Delikado ito, Lie. Delikadong-delikado.­..

"Gutom kana? Kain muna tayo," Anyaya niya na sinang-ayunan ko na rin. Halos magdilim na ang langit. Kanina pa pala kami dito, hindi ko na namalayan ang oras.

"Sige,"

Kumain kami sa malapit na fast food chain doon. Gawain ng normal na mag-girlfriend at boyfriend.

"Anong plano mo pagkatapos ng deal na 'to? Itong relationship natin?" Bigla ko na lamang iyong naibulalas sa bibig ko.

Ang nakangiti niyang mga mata at labi kanina ay unti-unti nawala. Agad akong na-guilty dahil sa sinabi ko. Parang nawala pa siya sa mood.

"Uh, uhm..."

Batid ko ang seryoso niyang titig sa akin. Gusto kong tumitig pabalik pero hindi ko kaya ang intensidad ng mga mata niya.

"Pasensya," sabi ko.

Nakita kong bumuntong-hininga siya bago pumikit. At nang imulat ang mga mata ay pumungay ang mga ito.

"Labas tayo dito, Lie. May ipapakita ako sa'yo." Sabi niya kaya iyon ang ginawa namin.

Sa may dulong parte ng park, doon niya ako dinala. May ilaw galing sa mga poste kaya ayos lang din. Kita mula rito ang mga taong naglalakad, ang nasa rides. Magandang tingnan ang park galing dito. Presko pa ang hangin.

Tumingala ako at nakita ang libu-libong bituin sa langit. Pati ang buwan na siyang nagbibigay liwanag sa gabi.

"Ang saya ko ngayong araw," putol niya sa katahimikan. Nilingon ko siya. Kitang kita ko ang kinang sa kanyang mga mata at ang ngiti sa kanyang labi.

"Ako rin." Sabi ko. "Salamat nga pala sa araw na ito" Ngiti ko.

Siya naman ngayon ang lumingon sa akin. Tumango siya.

"Salamat din Lie. Dahil sa'yo naging espesyal ang araw na ito saakin. "

Nagkatitigan kami ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin.

Iyong mapagpahayag niyang mga mata....

"Pangalawa ito sa pinaka-memorableng araw sa akin. At masaya ako dahil kabahagi ka 'nun." Aniya.

"Bakit? Ano ba ang una?" Tanong ko.

Ngumiti ulit siya bago ako sinagot. "Iyong araw na pumayag kang maging girlfriend ko,"

Damang-dama at dinig na dinig ko ang lakas ng kalabog ng puso ko. May kung ano ring nagliliparan at tumutusok sa tiyan ko. Hindi ko maintindihan, pero gustong-gusto ko ang pakiramdam na ito. At tanging siya lang ang nakakapagbigay nito sa'kin.

Ang saya ko! Ang saya-saya ko ngayon! Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito ngayon para sa kanya pero parang ang sarap naman ng ganito!

Nagkatitigan kami, ngayon hindi na ako umiwas. Tiningan niya ako na para bang binabasa niya ang nasa aking isip. Ngumiti ako at napatingin sa kanyang mga labi. Nang binalik ko ang tingin sa mga mata niya ngayon ay siya naman ang nakatingin sa mga labi ko.

Oh no! Lie kasi! May patingin-tingin pa!

"Lie..." aniya at lumapit ng bahagya sa akin.

Hindi ako nakagalaw. Hindi ko alam pero parang naghihintay lang ako na lumapit pa siya sa akin. Gusto ko ito, gusto ko ganito lage. Gusto ko na nga ba siya? Totohanan na?

Ilang dangkal na lamang ang layu ng mukha namin dalawa. Nalulula ako sakanyang mag titig, nakakalasing.

"Gustong-gusto kitang halikan . " Natatakot ako dahil sa parehong pahina tayo.

Gustong-gusto rin kitang halikan.

May kung ano akong narinig na sumabog bago ko naramdaman ang kanyang mga labi sa aking noo. Napapikit ako at dinama iyon. 

Hinagkam iya ako pagkatapos.

Pakiramdam ko, ligtas ako sa mga bisig niya .

Fireworks. Saksi ang mga ito sa nararamdaman namin ni Rhyle ngayon.

Bumitaw ang isang kamay niya at ang kabilang kamay ay nakahawak pa saaking baywang. Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Saluhin mo'ko, miss. Hulog na hulog na ako sayo." Aniya bago hinalikan ang pisngi ko.

Hulog na hulog na rin ako, Rhyle.

G U N I T ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon