Kabanata 2

15 2 0
                                    

Nandito na ako sa loob ng silid-aralan namin. Tagal naman ni Ms. Asuzena. Sinalpak ko na lang ang earphone ko saaking tenga dahil maingay ang mga kaklase ko. >_<

Umabot ng 30 minuto ay wala parin si Ms. Asuzena. Kapag ganto kasi, ibig-sabihin ay hindi na sila papasok . Pero kapag ang estudyante ang mahuhuli kahit 5 minuto lang ay ipapatawag na sa Dean. Oh diba????


Nag beep ang cellphone ko dahil sa isang mensahe.

"Lie, wala kayong klase, alam ko. 'wag ka munang aalis diyan sa room niyo. Susunduin kita mamayang break time. Ingat."

Mensahe yun galing kay Rhyle.

Akalain mo yun? Hindi na siya nabubwesit kaya pagsasamantalahan ko ang pagkakataong ito.

Lumabas na ako dahil break time na. Tamang-tama at parating na si Rhyle.  Medyo naiilang ako sa presensya niya. Di ko maintindihan. 

"Kumusta ang araw sa klase? " Tanong ni Rhyle.

"Ayos lang naman. " ngumiti ako

Malapit na kami ka canteen.

"Oh libre mo ngayon ah! " sabi ko agad sa kanya.

"Anong ako? Eh mamumulubi yata ako sayo kung ako ang manlilibre ngayon eh. Ang takaw mo kaya! " pabiro niyang sabi.

Ngumuso ako. Aba! Aba! Aba! Matakaw lang ako paggutom noh. Hiyang-hiya naman ako sa'yo.

"Aba ha! Hindi kaya ako matakaw. Ikaw nga yung madaming binibili tuwing break time eh! " inirapan ko siya. Kainis

"Oh. Relax lang. Ito naman di mabiro. "

"ganto na lang. Let's make a deal. Libre ko ngayon, at ikaw naman bukas. Deal? "
Tumaas ang dalawang kilay niya, tila nag aantay na sagot ko.

"Sige ba. Deal! " maligaya kong sabi. Tama rin naman yung ideya niya para patas kaming dalawa.

"Biro lang. Syempre ako ang manlilibre. Boyfriend mo ko at obligasyon ko na alagaan kita. Kahit ano pang ipabili mo ay bibilhin ko . " may pa kindat kindat pa ang mokong. Naku!

"Anong gusto mo?" nasa canteen na kami at umopo sa pang apat na lamesa. Magkaharap na kami ngayon. 

"Okay na sa'kin Carbonara Rhyle" mukhang nagugutom talaga ako eh. 

G U N I T ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon