"Ang lakas ng loob mong kalabanin ako, Elena. At talagang kinampihan mo pa ang gunggong na iyon kaysa sa fiance mo ah? Utang na loob naman, Elena!" Galit na galit si Kyle habang nagmamaneho papauwi.
"Ano ba kasing nasa lalaking iyon, ha? Nakita ko lahat ng kuha ng cctv mula nang ipinagkatiwala kita sa lalaking iyon."
"Oo na! Mali ko na pero hindi mo alam kung anong pilit ang ginawa ko maiwasan lang ang lalaking iyon." Naiiyak na sambit ni Elena.
"Iwasan?! Nakita ko nga lahat! Nakita ko! Kitang-kita ko ang pagnanasa mo dyan sa mga mata mo sa kanya." Naggigigil na sigaw nito sa kanya.
"Ano bang nasa inyo? Sagutin mo'ko ng maayos, Elena."
"Tatlong taon na ang nakalipas nang huli ko siyang makita. Nagkita kami sa isang bar. May nangyari sa amin sa bahay niya at tinakasan ko siya kinaumagahan." Umiiyak at nakayukong sagot niya kay Kyle.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero mula noong makita ko siyang muli, nalaman ko na lang na namimiss ko pala siya." Kagat- labing pagpapatuloy niya sa kwento. Napatigil si Kyle sa pagmamaneho saka nagsalita.
"Wala na sila, Elena. Wala ka nang pagtataguan pa. Tinapos ko na ang lahat. Tapos na rin tayo." Lumamlam na ang mga mata ni Kyle.
"Hindi naman kita mahal eh. Alam kong may nangyari sa inyo noon. Naroon ako sa bar na iyon nang makita ko kayong magkasama." Tumingin ito sa kanya.
"Lumabas ka na sa sasakyan ko." Lalong lumakas ang paghagulgol ni Elena.
"Labas." Walang emosyong pag-ulit ni Kyle sa sinabi. Wala sa sariling lumabas si Elena sa sasakyan at sakto namang may dumaang taxi kaya't kaagad din naman siyang nakasakay pauwi.
Saktong alas 10 ng gabi nang makarating si Daemon sa bar na sinasabi ni Kyle sa kanya. Alam niyang baka mapahamak lang ulit siya kapag nagkita sila ulit ni Kyle. Kilala niya si Kyle. Hindi ito kumikilala ng kaibigan lalo na't galit ito pero kailangan niyang makipag-usap sa kanya nang makapagpaliwanag siya sa nangyari sa kanila ng kasintahan nito.
"Kyle." Pagtawag niya rito nang makita niya rito nang makita niya itong umiinom. Tumabi siya rito ng upo saka nagorder ng inumin.
"Wala na kami. Masaya ka na?" Walang ganang panimula niya sa usapan.
"Hindi mo kailangan gawin yon, Kyle. Kasalanan ko 'to. Hayaan mong ako ang masaktan. 'Wag mo hahayaang saktan siya. Mahal ka niya, Kyle." Ani Daemon. Umiling si Kyle sabay inom ng beer.
"Ikaw ang mahal niya. Akalain mo 'yon? Tatlong taon na ang nakalipas pero kinampihan ka pa rin niya. Hindi naman siya papayag na hiwalayan ko siya kung mahal niya talaga ako."
"Kyle, pasensya na kung nasira ko ang relasyon niyo. Oo. Gusto ko si Elena mula pa noon at sa sandaling nakasama ko na siya sa iisang bubong, napamahal na siya sa akin. Pasensya na, Kyle. Mapatawad mo sana ako."
"Mahal ko siya, Daemon pero mas mahal ka niya. Nararamdaman ko iyon. Naiintindihan kita, nauna ka sa kanya. Ni hindi ko nga siya nagawang pasayahin tulad ng ginawa mo eh. Haha salamat sa pagpapasaya sa kanya. Hiniwalayan ko siya dahil alam kong mas nararapat ka sa kanya. Mas mahalaga pa din ang pagkakaibigan natin, pre. Hindi ko naman hahayang masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa isang babae. Puntahan mo sya, pre. Paniguradong nasa bahay niya lang siya. Pakihingi na lang din ako nga patawad sa kanya. Sanay naintindihan niya ako." Matipid na ngumisi si Kyle matapos magsalita.
"Alam kong masakit din para sayo 'to, pre pero salamat. Maraming salamat." Kaagad na tumayo si Daemon at mabilis na nakaalis ng bar. Kailangan niyang tapusin ito. Kailangan niyang makausap ni Elena.