Kabanata 4

2 0 0
                                    


Ilang araw na din si Elena rito sa bahay ni Daemon at halos walang araw na hindi siya napapaligaya ng lalaking ito. Alam naman niyang mali ang ginagawa niya. Pilit niyang itinutulak palayo ang binata sa kanya ngunit hindi niya ito magawa lalo na't nadadala at nawawala siya sa katinuan kapag nagsimula na naman ang binata sa kakalapit at pagpapasaya sa kanya. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong kasiyahan mula noong nagbalik siya sa Pilipinas.

Ilang araw na ding kinokontak ni Elena si Kyle ngunit hindi ito sumasagot sa mga tawag niya kahit sa mga mensahe nito. Nag aalala na siya sa binata dahil alam niya kung gaano kadelikado ang trabaho nito. Sinubukan ulit niyang tawagan ang kasintahan ngunit hindi pa rin ito sumasagot sa kanya. 

 "Wag mo na siyang alalahanin. Alam kong maayos lang siya." Gulat siyang napalingon sa pinto nang marinig niya ang baritong boses ni Daemon. 

 "At paano mo naman nalaman?"

 "Alam ko ang trabaho niya. Pareho lang naman kami ng trabaho eh." 

Nag kibit-balikat na sambit ni Daemon at saka umupo sa gilid ng kama na kinauupuan din niya.

 "Ano ba kasi yang pinagkaka-abalahan niya? Alam mo, dalawang taon na kami pero di ko pa rin pinagkakatiwalaan iyang trabaho niya."

 Nag-aalalang sabi niya. Tumabi sa kanya ng upo ang binata at nag umpisang magsalita. 

"Pareho kaming mga retiradong fbi agent ni Kyle. Matagal na panahon na iyon at gusto naming ipagpatuloy ang aming nasimulan na trabaho kaya't tinanggap namin ang imbitasyon ng isa naming kaibigan na sumali sa isang organisasyon. Sa organisayong iyon, pareho kaming mga hitman. Trabaho naming hanapin at patahimikin ang bawat taong ibibigay sa amin ng organisasyon. Alam mo bang nasa auction na pintunahan nuong isang gabi ang taong nais na kumuha sayo at ipangbayad ka nila sa boss nila?" Tumingin ito sa kanya. 

Nagtataka na lang siyang umiling sa binata.

 "Nagkaroon ng problema nang gabing iyong. Pumalpak akong patayin ang taong iyong at ngayon ay pagkakataon na naman ni Kyle na magpasikat sa organisasyon namin. Pinasa lang naman sa kanga ang trabahong dapat ako ang gagawa." Umiiling itong ngumisi sa kanya.

 "Kaya wag ka nang mag-alala. Kaya niya 'yon. At saka nandito naman ako eh. Ayaw mo ba sa akin?" Ngumingising dumukwang ito palapit sa kanya.

 "Ahm.. Daemon, alam mong may fiance na ako. Tigilan mo na ako at baka mapatay ka lang ng kaibigan mo. Mahal ko siya, Daemon. Mali tong ginagawa natin. Tumigil ka na." Naiilang na sambit nito sa binata. Dahan dahan siyang hinalikan ni Daemon. 

"Gusto kita, Elena. Wala akong pakealam kung ano mang nasa inyo ng kaibigan ko." Muli siya nitong hinalikan na naging sanhi ng pagkawala niya sa ulirat at di namalayang tumutugon na siya sa halik nito.

 Napatigil na lamang silang dalawa nang biglang bumukas ang pinto ng silid nila at sabay silang napaharap dito.

 "Hayaan mo akong magpaliwanag, Kyle." Nanginginig na sambit nito kay Kyle na kitang kita ang pagdilim ng mukha nito sa galit. 

 "Kyle! Andito ka na pala." Lumapit si Daemon sa matalik na kaibigan at akmang yayakapin ang binata ng bigla na lamang siya nito sinuntok sa panga na sanhi nang pagkabagsak niya sa sahig. 

"Pinagkatiwalaan kita, Daemon. Ano 'tong naabutan ko ngayon?" Bumunot ito ng baril at itinutok sa kaibigan nito. 

 "Kyle! Wala siyang kasalanan. Ako ang nagsimula nito. Kasalanan mo'to, Kyle! Ilang araw na kitang tinatawagan pero ni isa wala kang sinagot sa mga tawag ko! Kinalimutan mo na ba ako?" Gumalaw ang panga ni Kyle dahil sa galit at panggigigil. Wala sa sariling naitulak nito ang dalaga.

 Napaigtad si Elena nang biglang may umalingawngaw na putok ng baril sa buong silid. Walang nagawa si Elena kundi ang masdan si Daeon na dumudugo ang balikat.

 "Lumabas ka na, Elena. Uuwi na tayo." Kaagad namang sumunod si Elena dahil sa takot nito. 

"Daplis lang yan, Daemon. Alas 10 bukas ng gabi, Club X." Sambit ni Kyle saka mabikis na umalis sa silid.

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now