Kabanata 1

1 0 0
                                    

Gulat na gulat si Elena ng tumunog ang kanyang telepono na siyang nagpabalik sa kanyang ulirat mula sa pagiging tulala maghapon.

"Hmm, tito?" Sagot niya sa biglaang pagtawag ng kanyang stepdad.

"Elena Scythe, ang minamahal kong prinsesa."

"Sabihin mo na kaagad kung anong gusto mo." Aniya kasabay ng pag-irap ng mga mata nito.

"Kailangan mo nang umuwi, tapos na ang usapan natin. Aasahan kita rito sa Greece ngayong linggo."

Sasagot pa sana siya ngunit binabaan na ito ng telepono. Napadapa na lamang siya sa kanyang kama at nanggigigil na sumigaw. Ayaw na ayaw niyang umuwi sa kanila mula nuong nalaman niyang namatay ang kaniyang ina dahil sa napakawalang kwentang stepdad niya tapos ngayon ay kung makaasta ito sa kanya ay para bang wala itong nagawang kabulastugan noon.

Walang ganang nagbihis si Elena at kaagad na lumabas ng bahay at sumakay ng taxi. Natagpuan na lamang niya ang sarili ng mapunta siya sa isang kilalang bar.

"Mojito, isa" utos nito na mabilis namang sinunod ng bartender.

"Isa pa." Aniya.

Makalipas ang ilang minuto, naramdaman na niyang unti-unti na siyang nahihilo sa dami ng kanyang nainom. Hindi naman kasi talaga siya malakas uminom. Umiinom lang ito kapag may problema. Inubos na nito ang natitira pa niyang Mojito at kaagad siyang nagtungo sa palikuran.

Pagewang-gewang na si Elena sa paglalakad. Halos lahat ng nakaharang sa kanyang daan ay naitutulak na niya. Sa sobrang hilo niya, muntikan pa itong masubsob sa sahig buti na lang ay may humawak sa kanyang beywang na matipunong bisig.

"Dahan dahan Miss." Anang lalaki na may baritong boses na nagpagising sa kanyang lasing na diwa.

Dahan dahan siyang tumayo ng tuwid at tiningnan ang lalaking sumalo sa kanya nang muntikan na siyang masubsob sa sahig. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan nang makita niya ang lalaki. Nakatitig sa kanya ang maladyamante at namumungay nitong mga mata. Nakahawak pa rin ito sa kanyang beywang ngunit di niya alam kung ano itong nararamdaman niyang kumikiliti sa kanyang kaloob-looban. Hindi niya maipagkakailang nagagwapuhan siya sa lalaking ito.

"Sayaw tayo miss." Iginiya siya nito sa gitna nang bar. Walang nagawa si Elena kundi ang magpadala sa paghila nito sa kanya.

"Tequilla, maam?" Kaagad naman niyang kinuha ang isang shot ng tequilla mula sa waiter na nang-aalok ng inumin sa mga tao.

"Tama na, lasing ka na." Ani ng lalaki habang dahan-dahan siyang isinasayaw.

"Sino ka ba para pagsabihan ako?" Taas kilay niyang tanong sa lalaking tutok na tutok sa kanyang mga mata.

"Di tayo magkakilala pero nag aalala ako sayo. Muntikan ka pa namang masubsob dahil diyan sa kalasingan mo."

"Wala kang pake." Sagot niya ngunit patuloy pa rin sa pakikisayaw sa lalaking ito.

"Tumitigas ako sayo miss." Derestahang sambit ng lalaki na ikinagulat niya. Sasagot na sana siya nang nakaramdam na naman siya ng matingding pagkahilo at unti-unti na siyang nawawalan ng malay.

Natauhan na lamang si Elena nang magising siya sa isang di pamilyar na kwarto. Ipinalibot niya ang kanyang tingin sa buong kwarto at nahagip ng kanyang mata ang isang lalaking nakatalikod sa kanya habang may kausap sa telepono.

"Tapos na ang pinapagawa mo. Malamang pinagpiyestahan na roon sa bar ang katawan ni Mr. X. Well done."

Nang makita niya ang lalaki, kaagad niyang naalala ang nangyari kagabi. Napabalikwas siya sa kama at mariing napapikit ng maramdaman niyang may kumikirot sa kanyang kababaihan. Mabilis naman niya itong isanawalang bahala at mabilis ding tumakbo palabas ng bahay na iyon.

"Aaaaarrrghhh!" Sigaw niya habang siyang papalayo. Ni hindi na niya pinansin ang malakas na pagsigaw ng lalaking nakatabi niya sa pagtulog kagabi.

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now